Chapter 22
Maaliwalas ang panahon. Sumasabay sa mga nagkakasiyahan kong mga kamag-aral. Masaya at nakangiti ang lahat ng mga nakakasalubong ko. Madaming booth ang nagkalat sa malawak na field at iba pang parte ng Akademya.
Napapahikab naman ako dahil sa sobrang pagka-antok. Wala kasing ginawa si Helena kagabi kundi ang magkwento kung gaano siya kasaya dahil ipinakilala ko sa kaniya si Hestia at ang dalawa pa. Hindi rin naman kasi ako makatulog dahil sa napanaginipan ko kahapon habang kasama si Vyzon.
Hindi ko nga sigurado kung ako ba yung batang babae dahil hindi naman malinaw ang mukha nito at ang kasama din nitong batang lalaki ay hindi rin malinaw ang mukha kaya medyo naguguluhan ako.
"Trix!" napatigil sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Lumingon ako sa aking likod ng makita ko ang nakangiting mukha ni Helena.
"Akala ko ba wala kang balak lumabas?" tanong ko sa kaniya dahil iyon yung sinabi niya noong nakaraang araw sa akin noong matanong ko siya kung anong balak niyang gawin sa foundation day.
"Ano ka ba naman? Diba nga, kailangan kitang bantayan. Baka makontrol ka na naman ng kapangyarihan mo" sabi nito sa akin ng iiling-iling. Napangisi naman ako.
"Tulungan mo nalang akong hanapin ang Crystalline Diamond Stone" usal ko sa kaniya habang nakangisi. Sinimangutan niya naman ako.
"Wag mo nalang kayang hanapin?" sabi nito bigla sa akin kaya naman napailing nalang ako.
"Hindi pwede. Mapapahamak ang kambal" sabi ko dito kaya naman napatango nalang siya. Narinig ko naman ang kaniyang malakas na pagbuntong hininga.
"Sige na nga. Tutulungan na kita. Mabuti nalang at alam ko ang itsura ng bato na iyon" saad ni Helena kaya naman napangiti ako.
"Salamat. Huwag ka mag-alala. Sisiguraduhin ko din na ligtas ang magulang mo" nakangiti kong sabi sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng wagas na ngiti bago napailing nalang.
Naghiwalay kami ng landas. Tumungo ako sa main building upang puntahan kung nasaan si Mesharie may mga bagay pa din akong gustong itanong sa kaniya. Naguguluhan pa rin ako kung bakit sabay kaming mamamatay. Gusto ko din itanong kung ano ang mismong nakita niya sa hinaharap.
Halos wala namang mga estudyante sa main building dahil lahat ay nasa ground at labas. Mga busy sa kanilang pinagkakasiyahan. Pumasok naman bigla sa isip ko si Vyzon. Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon?
Hindi ko din iyon nakita kagabi. Saan naman kaya nag-- ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ko nga ba iniisip ang lalaking iyon? May girlfriend na yon!
Nabuntong-hininga ako. Marahas akong napabuga sa hangin dahil naninikip talaga ang aking dibdib kapag naiisip ko ang bagay na iyon. Sino naman kaya ang malas na babaeng iyon? Tsk.
Nakarating ako sa silid na pakay ko. Kung dito ako naabutan nina Thea at Theo. Ibig sabihin. Ako lang ang nakakakita sa silid na ito. Hinawakan ko ang seradura ng pinto. Binuksan ko ito at nakakabulag na liwanag muli ang tumambad sa akin.
Katulad noong una ko siyang nakita. Kulubot ang balat at mukhang nanghihina na. Puting-puti ang kaniyang mahabang buhok na sa tingin ko ay lampas pa sa bewang ang haba noon. Lumapit ako, kagaya ng dati. Bumata muli ang kaniyang itsura.
"Napadalaw ka" nakangiting sabi ni Mesharie. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kaniyang kama. Ngumiti naman ako sa kaniya.
"May gusto lamang akong malaman" usal ko habang nakatitig sa kaniyang kamay. Ngayon ko lang napansin. Kulay ginto ang kaniyang kuko. Puting-puti din ang kaniyang balat. May dugo pa kaya sa katawan niya?
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasiSynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...