Chapter 25

20.3K 809 55
                                    

Chapter 25

Nakatulala lamang ako sa kisame. Kakauwi lang namin galing kapital. Hapon pa lang kaya naman nasa labas pa sina Helena. Patuloy parin ang foundation day at may natitira pa itong dalawang araw. Bukas at sa isang araw.

Gusto ko mang lumabas pero nagdadalawang isip ako. Gusto ko mang makita si Vyzon dahil pakiramdam ko ay nangungulila ako sa kaniya pero hindi ko magawa. Mas nanaig ang takot sa akin. Mabuti na, na sa isip niya ay magmukha akong walang alam kung ano talaga ang itinatago ng simpleng bahay na iyon.

Nagpapadyak ako at ginulo ang aking buhok. Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang aking sarili. Sa huli ay wala din akong nagawa kundi ang lumabas sa dorm na ito. Wala rin naman akong gagawin. Hindi rin ako makatulog kaya naman lalabas nalang ako. Baka makita ko pa si Vyzon kahit ayaw ko siyang makita pero mas lamang sa akin na sana makita ko siya. Kahit sandali lang.

Nang makarating ako sa field ay walang pinagbago. Madami pa ding nagkalat na estudyante at mga booth. Nahagip naman ng mata ko si Stacey kasama ang kaniyang mga kauri. Nakita ko din si Yuan na nakaupo sa tapat ng booth ng kanilang section. Himala dahil hindi ata siya nanggugulo.

"Akala ko ba sa dorm ka lang?" biglang sulpot sa aking gilid ni Helena. Sa unahan ko ay si Hestia. Wala na naman si Kate at Jake.

"Wala akong magawa" sabi ko naman sa kanila. Nakakalokong ngisi ang binigay sa akin ni Hestia.

"Baka naman may gustong makita?"

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Hestia. Paano niya nalaman? Hindi ako nagpahalata. Nagpatuloy nalamang ako sa paglalakad. Kung wala din naman ang lalaking iyon ay mas mabuti pang matulog nalang ako.

"Si Vyzon ba ang hinahanap mo?"

Mariin akong napapikit dahil sa malakas na tanong ni Helena. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit kailangan pang isigaw! Napalingon naman sa amin ang mga tao sa paligid namin. Sabay na tumawa si Hestia at Helena. Napailing nalang ako.

"Ako ba hanap mo?" biglang sulpot ng lalaking hinahanap ko nga sa aking harapan. Natigilan naman ang dalawa kong katabi.

Hindi pa man ako nagsasalita ay hinigit na agad ako ni Vyzon. Nagpahigit naman ako sa kaniya. Napakagat labi ako ng matandaan ko ang daan na tinatahak niya. Tumigil ako kaya naman napatingin sa akin si Vyzon.

Hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos. Ayoko ko ring tumingin sa mata niya dahil baka malaman niya ang mga bagay na tinatago ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Sa Treehouse nalang tayo" suhestyon ko para makaiwas sa bahay na iyon na nagpapaalala sa akin na kahit kailan ay hindi ko kayang salungatin ang tibok ng puso ko.

Tumango naman si Vyzon bago ako kinaladkad sa ibang parte ng Academy. Katulad ng nakaraan ay hindi ko manlang napansin na lumabas kami ng Academy dahil sa gamit na loop. Wala sa sariling napangiti ako ng isang ala-ala ang pumasok sa aking utak.

"Aakyat ka ba o hindi?" tanong ng batang babae na ang edad ay labing-isang taon. Nakasimangot naman ang batang lalaki na kaedaran rin nito. Halatang nagpipigil ng ngiti.

"Alam mo bang sacred tree ang ginawan mo ng house?" tanong sa kaniya ng lalaki. Tinaasan lang ng babae ang kaniyang kilay na halatang nagtataray.

"Ano naman? Namatay ba ako? Namatay ba ang puno? Hindi naman!" usal ng babae kaya naman walang nagawa ang lalaki kundi ang umakyat sa treehouse.

Pinagmasdan ng lalaki ang kabuuan ng tree house. Kung tutuusin ay malaki ito kumpara sa normal na treehouse. Napakunot noo siya ng makita ang kama sa gilid. Naisip niya na pilya talaga ang babaeng iyon. Hindi naman kailangan lagyan ng kama. Umupo siya sa sofa na tamang-tama lang sa kanila.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon