Chapter 30

24.4K 860 42
                                        

Chapter 30

Mapait akong napangiti. Nandito na naman ako sa selda ng Dark Empire. Nakagapos na para bang isa akong mabangis nahayop. Madilim pa rin at tanging bumbilya lamang ang nagbibigay liwanag. Bumukas ang pinto kaya napatingin agad ako sa taong pumasok.

"Hi Trix" usal ni Helena habang nakangiti. Hindi naman ako nagsalita. Hanggang ngayon parin ay masakit ang puso ko dahil sa ginawa niyang pagtatraydor. Hindi ko talaga inakala sa lahat pa ng tao na kilala ko ay siya pa talaga.

"Sasamahan kita dito tutal tayo naman lagi ang magkasama" nakangiti niyang usal na tila ba isang normal na araw lang ito sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Umalis ka sa harap ko bago pa kita mapatay" pagbabanta ko sa kaniya na tinawanan lang niya. Lahat. Lahat ng ipinakita niya sa akin ay pagpapanggap lamang.

Bumukas muli ang pinto at iniluwan non si Macy na nakabusangot ang mukha. Tinapunan niya ng tingin si Helena.

"Nakakainis ka parin Hel. Hindi mo sinabi agad na siya pala yung naghahanap sa bato. Nagmukha tuloy ang tanga sa harap niya" usal ni Macy. Umiling naman si Helena.

"Hindi ka naman nagtanong" saad ni Helena bago ngumisi sa akin. Naramdaman ko naman na kumakawala ang aking mahika kaya nagkalampagan ang bakal sa aking katawan.

"Omyghad. Hel. Anong nangyayari sa kaniya?" tanong ni Macy habang natatarantang nakatingin sa akin.

"Tatawagin ko si Ama" usal ni Helena bago ito lumabas ng selda. Maging si Macy ay iniwan ako.

Hindi naman natigil ang pagkalampag ng mga bakal na posas at ng mga kadena na para bang masisira na ito ano mang oras. Napakagat labi naman ako dahil parang umiinit ang aking palad.

Isang malakas na latigo ang naramdaman ko. Marahas akong nag-angat ng tingin kay Aran. Sa likod niya ay nakatayo si Helena. Hindi ko alam na may anak pala siya at lalong hindi ko alam na ang tatay ni Helena ay si Aran.

"Lumabas ka muna Helena" utos ni Aran na agad din namang sinunod ni Helena. Inis kong binalingan ng tingin si Aran.

"Maghanda ka. Bukas na ang simula ng ritual" usal ni Aran. Napangisi naman ako.

"Hindi kayo magtatagumpay kung labas sa loob ko ang pag-aalay ng aking mahika Aran" nakangisi kong pahayag. Nagdilim naman ang mukha ni Aran. Halatang hindi nagustuhan ang aking sinabi.

"Gusto mo bang mamatay ang kambal!" sigaw ni Aran. Tumawa naman ako ng malakas. Tawang nahihibang na.

"Ang kambal? Nakalimutan mo na bang hindi ko iyon kaano-ano?" natatawa kong tanong sa kaniya. Nagdilim muli ang expression niya. Tumikhim naman ako at tumigil na sa pagtawa.

"Ganito nalang, pakawalan mo ang dalawa para makuha niyo ang gusto niyo" seryoso kong pahayag. Nakita ko naman na mariin akong tinitigan ni Aran. Sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Hindi ako nagsisinungaling. Ang gusto ko lamang ay dalhin niyo sa Academy ang kambal. Malaya niyo ng makukuha ang hinahangad niyong kapangyarihan"

"Payag ako" usal ni Aran. Napatango naman ako.

"Pero kailangan makita iyon ng dalawa kong mata" usal ko pa. Bumuntong hininga naman si Aran bago tumango.

Nang makalabas si Aran ay nanghihina akong napasandal sa malamig na pader. Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang mga magagandang nangyari sa akin.

Napangiti ako ng mapait ng makita ko ang nakangisi at malokong mukha ni Vyzon. Kami nga ba talaga ang para sa isa't isa? Pero mamamatay na ako.

Sana man lang ay nakapagpaalam ako sa kaniya, kay Mama at Papa. Hindi ko man lang nasabi kung gaano ako kasaya ng makilala ko sila. Sina Yuan, Hestia, Jake at Kate. Nakakatawang isipin na ang kasama ko ngayon ay ang tinuring kong matalik na kaibigan.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon