Chapter 27

20.2K 735 25
                                    

Chapter 27

Maaayos na ang buong ground. Wala ng mga booth dahil hanggang kahapon na lamang ang mga iyon. Naglalakad ako papunta headmaster's office dahil pinapatawag daw ako ni headmaster.

"Trix. Saan ang punta mo?" tanong sa akin ng nakasalubong kong si Kate. Nginitian ko naman muna siya bago nagsalita.

"Kay Headmaster. Pinatawag ako" sagot ko naman sa kaniya. Bumakas naman sa mukha niya ang pagtataka pero hindi na din siya nag-tanong dahil magmamadali daw siya.

Nang makarating ako sa sa opisina ni Headmaster ay agad akong kumatok at binuksan na iyon. Dalawang buwan na din pala ng huli kong makausap at makita si Headmaster. Hindi ko napansin ang bilis ng araw. Parang kahapon lang ng ipadala ako ni Aran sa lugar na ito.

Natigilan ako ng makapasok ako. Dalawang parehas na mga mata ang nakatingin sa akin. Ang isa ay ang kay Headmaster ang isa naman ay sa matandang hindi ko inakala na nandito din pala. Mr. Miffor. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.

Napalunok naman ako. Kinakabahan ako na baka kaya nandito ako ay dahil nalaman na nila kung bakit at ano ang pakay ko sa lugar na ito. Hindi ko man gusto ay humakbang na ako papunta sa upuan kaharap ni Mr. Miffor sa tapat ng table ni Headmaster.

"Alam kong wala kang ideya kung bakit pinatawag kita" usal ni Headmaster. Tumango naman ako. Pinilit kong itago ang kaba sa aking dibdib.

"Gusto ko lamang na malaman mo ang totoo kay Mr. Miffor. Naikwento na din niya sa akin na kilala ka niya Trix"

Naguguluhan man at nalilito sa sinabi ni Headmaster ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumango lang. Wala naman din kasi akong sasabihin. Ang alam ko lang, nasa alaala ko si Mr. Miffor bago ako mawalan ng tunay na memorya at mapalitan ng bago at peke.

Bumuntong hininga si Mr. Miffor sa aking harapan kaya naman nabaling ang tingin ko sa kaniya. Seryoso ng kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

"Alam ko na sa mga araw na ito ay nagbalik na ang tunay mong alaala" usal niya sa akin. Napakagat-labi naman ako. Bakit niya alam? Gusto ko mang isa tinig pero nanaig sa akin ang katahimikan.

"Hindi ko ginusto ang ginawa ko sayo. Napilitan lang ako na gawin iyon dahil hawak nila ang aking anak ng mga oras na iyon. Dinukot ka ng mga dark mage. Labin-limang taong gulang ka noon. Minanipula ko ang iyong isipan. Dinamay pa nila ang dalawang bata na walang kamuwang-muang para lamang maisakatuparan ang memoryang nilagay ko sayo" pahayag ni Mr. Miffor.

"Kaninong pamilya niyo kinuha ang kambal?" seryosong tanong ko kay Mr. Miffor. Kung tama ba ako ay hindi ko na talaga alam ang aking gagawin sa mga oras na ito.

"Sa pamilya Scott" usal ni Mr. Miffor. Pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo. Handa man akong makompirma pero hindi ko pa rin naiitindihan kung bakit ako kinakabahan. Jake Scott. Napapikit ako ng mariin.

"Gusto kong humingi ng patawad sayo Trix Yngrid. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng makita kita dito sa Academy na ligtas at masaya" nangiting usal ni Mr. Miffor. Hindi naman ako makangiti dahil hindi ako makaramdam ng kahit anong kasiyahan sa kaniyang mga sinasabi.

Wala siyang alam. Hindi niya alam. Kung may alam siya. Sigurado akong kakaawaan na niya ako ngayon at ang maging kambal na minahal ko bilang tunay na kapatid at kadugo.

--

Lutang akong naglalakad sa may hallway. Hindi ko parin matanggap na pinaglaruan nila ang aking memorya. Ganon na ba sila kadesperado na makuha ako? Inilayo nila ako sa aking totoong pamilya. Pinatay nila ang magulang ko. Nang may kumupkop sa akin at nakilala ko ang lalaking magpapatibok ng puso ko ay inilayo din nila sa akin. Nang makilala ko si Rara at Riri ay akala ko totoo ang lahat, inilayo din nila sa akin ang kambal.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon