Chapter 29
Ang inaasam kong masaya at magandang gabi ay winasak ng mga taong itim ang budhi. Isang pagsabog ang nagpayanig sa akin. Isang katotoohanan na hindi ko man lang naisip na posible palang mangyari.
Ganon na ba ako katanga? Tama. Mali ang desisyon na lagi kong ginagawa. Kung sana ay nagpakamatay nalang ako ng mamatay ang aking mga magulang ay sana wala na silang pag-asa pang buhayin ang itim na hari. Hindi sana sila magkakapag-asa na buhayin ito.
Lahat ng ito. Dahil sa akin. Ako dapat ang sisihin. Nangangatal ang kamay ko habang nakatingin sa nakangising si Helena. Ito ba? Ito ba ang sinasabi niyang kasihayan na pinakaantay niya!
Itinikom ko ng mariin ang aking kamao. Sa lahat ng tao, siya pa. Siya na una kong naging kaibigan dahil siya lang ang nakakaalam ng totoong pagkatao ko. Hindi ko alam na siya din pala ang taong magtatraydor sa akin.
Hindi na ako magtataka kung bakit nakuha ni Macy ang libro. Kami lang dalawa ang nakakaalam ng bagay na iyon. Napakagat ako sa aking labi. Nanginginig ang buo kong katawan sa galit.
"Hindi nga sabi pwede!"
Kahit nanghihina ay naisigaw iyon ni Vyzon kay Aran. Nakita ko naman na naglabas muli ng malaking bola ng itim na mahika si Aran na siguradong kapag tinamaan si Vyzon ay katapusan niya na.
Third Person's Point of View
Hindi alam ng mga guro kung anong gagawin ng madatnan nila ang sagupaan ng isang estudyanteng kilalang kilala nila laban sa hukbo ng dark mage.
Agad na kumilos ang headmaster. Hinarap niya si Mr. Miffor na gulat din sa kaniyang nasaksihan.
"Ibalita ito sa kaharian. Hindi lang tayo ang mapapahamak kapag namatay ng prinsipe ng Light Empire" natatarantang usal ng Headmaster.
Ang mga estudyante naman ay nakanganga sa gulat. Nanginginig ang kanilang tuhod at para bang natuod na sila sa kanilang kinatatayuan. Kanina pa silang pinapabalik sa grand hall ng mga guro pero hindi man lang sila natitinag. Takot at pangamba ang nakarehistro sa kanilang mga mukha.
Gumawa na lamang ng makapal na barrier ang Headmaster sa pagitan ng mga estudyante at ng mga dark mage na nakapalibot sa malaking field. Naisisiguro ni Headmaster na pinaghandaan ang pagsugod nilang ito. Narinig din niya ang sinabi ni Aran. Ang kilalang kanang kamay ng Dark King. Ang pakay nila dito ay ang pinaka iingatan nilang Crystalline Diamond Stone.
Nanlaki naman ang mata ng lahat habang nakatingin sa Dark magic ball. Napakalaki noon na tila lumilikha pa ng kuryente. Hindi alam ng lahat ang gagawi ng bumulusok ito papunta kay Vyzon.
Halos bumagal ang oras. Hindi alam ni Yuan ang kaniyang gagawin. Sa unang pagkakataon ay natatakot siya para sa kahihinatnan ng kaniyang matalik na kaibigan. Hindi na nagdalawang isip pa si Yuan na humakbang upang sana ay salagin ang itim na bola na siguradong ikamamatay ng sino mang matatamaan pero napatigil siya.
Lahat ay nakanganga sa antisipasyon. Nasa kalagitnaan palang ng ere ang bolang itim ng may bumubulosok na humarang dito. Napakurap ang lahat ng matigil ang pagbulusok ng dark magic ball.
Lahat ay nakatingin sa babaeng may kulay gintong mahabang buhok. Kumikinang ang kabuuan niya na para bang isang tala sa kalangitan. Ang malaking bola ng itim na mahika na lumilikha pa ng kuryente ay walang kahirap-hirap nitong pinahinto sa pagbulusok na ngayon ay nasa dalawang nakataas na kamay niya na.
Para bang walang kahirap-hirap na buhat ng babaeng may gintong buhok ang malaking bola ng itim na mahika na mas malaki pa ng ilang beses sa kaniya.
Hindi naman makapaniwala si Aran na kaganito kaganda at kalakas ang babaeng may hawak ng Dark Golden Magic. Una palang ay takot na siya sa babae ngunit hindi niya lang pinapahalata. Ngayon na nasaksihan na niya ang kaya nito ay parang gusto na niyang umatras. Pero napangisi nalang si Aran ng matandaan na may alas pa siyang panlaban sa babae.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
