Chapter 21
Tulala ako habang naglalakad. Bumabagabag pa rin sa akin ang ilang mga bagay. Katulad na lamang ng aking napapanaginipan. Sigurado akong hindi lang iyon isang panaginip. Isa iyong bahagi ng aking memorya ngunit nakakapagtaka na hindi iyon pamilyar sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad ng may mabangga ako. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko. Matanda na ito ngunit hindi parin maipagkakaila ang tikas ng kaniyang postura. Mr. Miffor.
"Penny for your thoughts? Mukhang napaka lalim ng iniisip mo ah" nakangiting usal ni Mr. Miffor. Napalunok naman ako. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay umiinit ang ulo ko sa kaniya. Sa tingin ko, hindi siya mabuti kagaya ng inaakala ng tao sa Academy na ito.
Nilagpasan ko na siya. Wala akong balak makipag-usap sa taong sa tingin ko ay hindi mabuti. Nagsalita naman ako. Sa ginagawa ko ngayon ay sugurado akong hindi rin ito mabuti. Hinahanap ko ang makakapagbalik sa buhay ng itim na hari ng kasamaan. Ano nga bang magagawa ko. Hawak nila ang dalawa kong kapatid--
Bigla kong naalala ang aking panaginip. Sa panaginip na iyon. Bata pa lamang ako at malinaw sa akin ang mga katagang sinabi ko. Pinatay ng Dark Mage ang aking magulang. Kung bata pa ako ng mga panahon na yon ay paanong nagkaroon ako ng kapatid?
Pero malinaw sa aking ala-ala ang lahat. Bago namatay ang aking nanay ay ipinanganak niya ang dalawang kambal. Sigurado ako sa mga ala-ala na iyon. Pero nakakapagtaka na iba iyon sa aking napapanaginipan.
Isang mabigat na braso ang aking naramdaman. Napatingin ako sa lalaking umakbay sa akin. Siniko ko siya at sinamaan ng tingin. Hindi naman siya nagpatinag at ang kaniyang malokong ngisi.
"Bitawan mo ako Yuan. Wala ako sa mood makipaglokohan sayo" seryosong usal ko sa kaniya. Winaksi ko ang aking braso na nakaakbay sa akin. Hindi naman siya nagpapigil. Sinabayan na lamang ako sa paglalakad.
"Ang lalim ng iniisip mo. Ako ba yon?" mapang-asar na tanong ni Yuan. Agad ko naman siyang inirapan.
"Hindi ikaw yon. Wag mo nga akong kausapin" sabi ko na lamang sa kaniya na ikinatawa niya.
"Nabalitaan ko, tumakas ka daw noong dumating si Mr. Miffor sa klase niyo. Alam mo bang ikaw ang pinag-hihinalaan na espiya ng Dark Empire dito?" tanong bigla ni Yuan kaya naman napatigil ako sa paglalakad at marahas na binalingan ng tingin ang nakangising si Yuan.
"Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Tumawa naman siya ng malakas kaya malakas ko siyang sinuntok sa tyan.
"I'm just kidding Trix. Nasaan pala ang boyfriend mo?"
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad sa hallway hanggang sa makarating ako tapat ng aking classroom. Hindi ko naman pinansin pa ang tanong ni Yuan at pumasok na lamang sa loob ng silid.
Naabutan kong madilim ang mukha ni Macy. Sigurado akong dahil iyon sa librong hinahanap niya. Napailing nalang ako dahil naalala ko na itinago nga pala iyon.
Pumasok si Ms. Gueverra sa silid. Tumahimik naman ang maiingay kong kaklase. Tumikhim ang guro na hinarap kaming lahat.
"Bukas na ang Foundation Day ng Magical Light Academy. Inaatasan na ang bawat section ng bawat year level ay magkakaroon ng nasabing booth para sa kasiyahan ng bawat mag-aaral. Ikinalulungkot lang na ibalita namin na hindi muna bubuksan ang Academy para sa mga taga labas dahil sa kasalukuyang pagsugod ng mga Dark Mage dito noong nakaraang araw"
Hindi naman nagbago ang nagagalak na mga mukha ng aking kaklase na tila nasisiyahan sa balita. Wala silang pake kahit walang taga labas basta masaya sila sa Foundation Day. Unang beses ko itong mararanasan.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...