Chapter 34

28.7K 1.1K 112
                                        

Chapter 34

"Gising na! Gising na!"

Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Ash habang pinapatunog ang hawak niyang bell. Naiinis na kinamot ko ang aking ulo. Tumayo ako at nagtungo sa banyo.

Isang linggo na rin akong namamalagi sa bahay na ito. Naging mas malapit naman ako sa tatlo. Sa isang linggong yon. Walang humpay ang pag-agos ng aking mga alaala. Noong una ay akala ko panaginip lang pero noong nagtagal ay nasiguro kong isa iyong mga alaala.

Napangiti naman ako ng may sumaging alaala sa akin. Iyon ang araw na nalaman ko kung nasaan ang batong hinahanap ko. Iyon ang araw na naglaro kami ng habulan ni Vyzon.

"Luh! Nababaliw kana Yngrid" usal ni Ysha habang nakatingin sa akin. Sinimangutan ko naman siya. Tumawa naman ang dalawa na abala sa pagkain.

Nasa hapag kami. Tinapay at kape lamang ang lagi naming kinakain. Gusto ko man na mag magic ng pagkain ay hindi ko iyon ginawa dahil hindi ko masisiguro ang lasa non dahil hindi ko pa nasusubukan at ayokong subukan dahil baka masanay ang tatlo sa pagkaing gawa sa mahika.

"Sinong gustong pumunta sa Kapital?" masigla kong tanong. Tumaas naman ng kamay ang dalawang lalaki. Nagtaas ako ng kilay.

"Ayaw mo Ysha?" tanong ko sa kaniya. Sinimangutan naman niya ako bago umiling. Napangiti naman ako.

"Bakit? Dadalhin mo ba kami don?" mataray na tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

"Oo, pag-aaralin ko pa kayo sa Magical Light Academy" usal ko sa kanila. Masayang sabi ko na ikinagulat naman nila pero agad din na nabura ang kanilang ngiti.

"Hindi mo alam? Hindi mo nga alam" usal ni Ash. Muntik ko na siyang mabatukan dahil sa sinabi niya.

"Anong hindi ko alam?" takang tanong ko sa kanilang tatlo. Bumuntong hininga si Jacob.

"Sinira ang buong Magical Light Academy ng mga dark mage. Isa nalang iyong malawak at abandunadong lugar ngayon"

Napakurap-kurap ako. Bakit? Bakit nila sinira ang paaralan na iyon? Napapikit ako ng mariin upang pakalmahin ang aking sarili. Napahawak ako sa aking sintido.

"Kailangan na natin na makapunta sa Kapital" seryoso kong usal. Naguguluhan man ang tatlo ay tumango na lamang sila.

Wala kaming gamit na dinala. Ang tanging suot lamang namin ay ang itim na cloak kaya may tumatabon na sa aming mukha na hood. Iyon talaga ang gusto ko upang hindi kami pag-initan ng mga nagkalat na dark mage.

Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila pag nakita ako. Alam kong iniisip nila na patay na ako.

Third Person's Point of View

Nabuhayan ng pag-asa si King Zoren dahil sa pangyayari, isang linggo na ang nakaraan. Maging ang mga Council ay natuwa dahil sa pagbabalik ng liwanag sa buong Light Empire.

Nakatingala naman sa maliwanag na kalangitan si Vyzon habang kasama si Yuan. Hindi pa rin mababakasan ng kahit na anong emosyon ang mukha ni Vyzon. Madalang na rin itong magsalita matapos ang trahedya. Alam ni Yuan kung gaano kamahal ni Vyzon si Yngrid.

"Move on dude" pang-aasar ni Yuan sa walang imik na lalaki. Ginagawa lahat ni Yuan para pasayahin si Vyzon ngunit alam naman niya na malabo ang bagay na iyon.

"Buhay pa siya" biglang usal ni Vyzon kaya nilingon naman siya ni Yuan. Napakunot ang noo ni Yuan bago umiling. Ilang beses na din itong nabanggit ng lalaki. Ang totoo nga niyan ay iyon lang ang bukang bibig ni Vyzon sa kaniya.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon