Chapter 32
Naiintindihan ko na. Ang lahat ng bagay ay may katapusan at may simula. Paulit-ulit. Isa lang ang sigurado ako. Masamang buhayin ang namatay na lalo na kapag ang taong iyon ay isang masama at sakim.
"Bilis!"
Tulak sa akin ng kawal papasok sa paggaganapan ng ritual. Nasapinakatuktok ito ng kaharian kung saan makikita ng mabuti ang itim na itim na kaharian.
Pinagmasdan kong mabuti ang batong nasa gitna. Ang gandang pagmasdan pero ito ang magiging dahilan ng aking kamatayan. Sa gilid nito ay may dalawang higaan na nababalutan ng itim. Ang isa ay kung saan ako hihiga at ang isa naman ay kung saan ilalagay ang buong-buo pang bangkay ng Dark King.
Napapikit ako ng mariin pero marahas na tulak lang ang aking naramdaman. Puno pa rin ng bakal ang aking katawan. Ganon sila katakot sa akin. Nakakatawa pero wala akong magawang kahit na ano. Ito ang nakatakda. Kailangan ko na lamang iyon tanggapin.
Pinahiga ako sa matigas na higaan. Napatitig na lang ako sa kalangitan. Mukhang handang handa sila sa bagay na ito. Sa bagay, ilang taon na ba nilang pinaghahandaan na mangyari ito.
"Kahit mabuhay ang Dark King. Mamamatay din itong muli" wala sa sarili kong usal. Nakaramdam na naman ako ng latigo.
"Manahimik ka" usal ni Aran. Tumawa naman ako ng malakas. Malakas na malakas. Nababaliw na nga siguro ako.
"Totoo yon. Hindi kayo naniniwala?" natatawa kong natanong. Hagupit muli ng latigo ni Aran ang lumatay sa akin. Tumawa muli ako ng malakas.
"Manahimik ka sabi!" galit na usal ni Aran. Napapailing nalang ako habang matatawa.
Nahagip ng mata ko si Helena na nasa aking gilid. Ngumisi ako.
"Sa tingin niyo hahayaan kong magtagumpay ang kasamaan?" usal ko habang wala pa ring humpay sa pagtawa. Hindi naman nagsalita si Helena. Lalo kong nilakasan ang tawa ko.
"Tinutulungan niyo lang ako Helena" natatawang sabi ko sa kanila. Lumapit naman sa akin si Helena at pilit na pinatikom ang bibig ko.
"Manahimik ka sabi! Makinig ka kay Ama. Mamamatay kana pagkatapos nito" saad ni Helena. Binitawan niya ang aking binig. Ngumisi akong muli.
"Masaya akong mamatay. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na agad ako sa inyo" usal ko na ikinalukot ng mukha ni Helena.
"Dark Golden Magic" wala sa sariling usal ko bago tumawa muli ng malakas.
"Nababaliw kana" rinig kong sabi ni Helena. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Okay lang na mabaliw ako, huwag lang maging masama.
"Alam mo ba kung bakit nasa akin ang Dark Golden Magic?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita. Tumawa ako ng malakas dahil hindi niya alam. Wala siyang alam.
"Bakit?" kuryusong tanong niya. Napangiti naman ako ng magtanong siya.
"Hindi ko din alam" tumawa ako ng malakas. Isa. Dalawa. Tatlong latigo ang sunod sunod na lumatay sa akin.
"Manahimak o puputulin ko yang dila mo" saad ni Aran. Napanguso naman ako dahil mukhang napipikon na ito sa akin. Napailing nalang ako.
Nakita kong dumaan sa gilid ko si Macy na may suot na kakaibang cloak. Magkahalong pula at itim ang kulay na may kakaibamg desenyo. Bumuntong hininga ako at tumitig na lamang sa kalangitan. Sinubukan kong itaas ang kamay ko kaso nakalimutan ko na nakagapos nga pala ako ng mahigpit.
Nagsimula ng magbanggit ng kung ano-anong salita si Macy na hindi ko naman maintindihan. Biglang nanlabo ang aking paningin. Nagsimulang manakit ang aking ulo. Masakit. Sobrang sakit! Hindi ko na napigilan na mapasigaw.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
