Chapter 17
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Unang klase namin ngayon at nagdidiscuss lang about history ang teacher namin sa subject na ito. Hindi parin ako makapaniwala na nagagamit ko na ang kapangyarihan ko. Kahit hindi pa totally natatanggal ang seal sapat na iyon upang makalaban ako. Malakas ang hawak kong kapangyarihan kaya kahit maliit na porsyento lang ang gamitin ko ay tiyak na malaking pinsala parin ang kayang magawa non.
Hindi ko parin nakakausap si Macy. Hindi ko alam kung anong pinapagawa sa kanya ni Aran. Humahanap lang ako ng tyempo upang makausap siya. Hindi ako sigurado kung wala ba talaga siyang alam sa akin o umaarte lang siya na wala siyang alam. Alam kong katulad ko, may sapat din siyang dahilan kung bakit naanib siya sa mga dark mages.
Nang matapos na ang nakakaantok na klase na iyon ay dali-daling naglabasan ang aking mga kaklase. Dahil tapos na ang exam alam kong gusto lang nilang lumabas at maglaro sa may field.
Nang mapansin kong wala ng ibang tao sa classroom ay napagpasyahan ko na rin tumayo at pumunta na sa labas.
Hindi pa ako nakakalabas ng main building ng may isang kulisap ang sumulpot sa aking harapan. Kumikinang ito na para bang binudburan ito ng silver dust. Umikot-ikot siya bago lumipad papalayo. Sinundan ko anh kulisap na iyon. Pakiramdam ko ay pinapasunod niya talaga ako.
Nakarating kami sa isang pasilyo na walang katao-tao. Nakababa ang makakapal na kurtina ng bintana kaya walang pumapasok na kahit anong liwanag. Ito yung lugar na napuntahan ko dahil iniiwasan ko si Vyzon. Napatingin ako sa kulisap ng dumako ito sa pinto. Bawal pumasok ang kung sino man.
Nilapitan ko ang pinto na iyon. Hindi ko alam kung anong dahilan pero may nagtutulak sa akin upang buksan ang pinto. Pinihit ko ang doorknob ngunit ito ay nakalock. Pinagmasdan ko ang kulisap na paikot-ikot. Huminga ako ng malalim bago mahigpit na hinawakan ang doorknob. Ginamitan ko iyon ng aking mahika kaya mabilis ko iyong nabuksan.
Halos masilaw ako sa liwanag ng buksan ko ang kwartong nasa harapan ko. Humakbang ako papasok at sinaraduhan ang pinto habang nakapikit. Nang imulat ko ang aking mata ay agad akong napakurap ng tatlong beses bago ko nakita ang kabuuan ng kwartong ito.
Isang matandang nangungulubot na may puting buhok ang nakahiga sa may malaking kama. Sobrang liwanag ng paligid at nanggagaling ang liwanag na iyon sa matandang babaeng nakahiga sa kama.
Humakbang ako upang papalapit sa kinaroroonan ng matanda. Nakapikit ang matanda na tila ba wala itong malay.
Nang makalapit na ako ng tuluyan ay agad itong namulat kaya napaatras ako ng wala sa oras. Unti-unti ang kanyang kulubot na balat ay naging isang makinis na balat. Halos mapatanga ako. Ang matanda nitong mukha ay tila ba naglaho. Isang magandang babae na ngayon ang nakahiga sa kama.
Tiningnan niya ako bago umupo sa kanyang kama. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Nagulat ako dahil hindi ko alam na may ganito pala dito sa Academy. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Ano yung nakita ko kanina? Sigurado akong isa siyang matanda kanina.
Walang mababakas na kahit na anong gulat sa kaniyang mukha. Hindi siya nasurpresa na may tao sa kaniyang kwarto. Bakit siya nakakulong sa lugar na ito? At bakit sobrang liwanag niya? Nakakasilaw.
Halos malaglag naman ang panga ko ng ito ay ngumiti sa akin na para bang inaasahan na niya ang aking pagdating.
"Isa kang magandang binibini"
Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa kaniyang sinabi. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Napatitig naman ako sa kanyang buhok na sobrang puti. Para itong blonde na sobrang light kaya nagmumukha itong puti.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
