Chapter 24

25.7K 854 34
                                        

Chapter 24

Humihikab akong bumangon. Ginulo ko ang aking buhok. Napaunat naman ako dahil parang sumakit ang likod ko. Napatingin naman ako sa sofang nasa harap ko. Nakahiga si Vyzon. Siguradong sasakit din ang kaniyang likod.

Ilang oras ba akong nakatulog. Inilibot ko ang paningin sa buong bahay. Wala talagang kahit ano. Kahit oras man lang ay wala. Ano ba yan. Sinandal ko ang aking likod bago napatingala. Naramdaman ko naman ang pagbangon ni Vyzon. Binalingan ko siya ng tingin.

"Kanina ka pang tulog?" tanong ko sa kaniya. Ginulo niya ang kanina pang magulo niyang buhok. Bakit parang mas lalo siyang gumwapo? Kinusot naman niya ang kaniyang mata. Parang bata. Tumango siya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.

Tumayo ako. Lalabas na sana ako ng magsalita si Vyzon.

"Where are you going?" tanong niya sa akin kaya naman binalingan ko siya ng tingin.

"Titingnan ko lang kung maliwanag pa" tumango naman siya sa aking sinabi. Naglakad na ako.

Nang makalabas ako ay kulay kahel na kalingatan ang bumungad sa akin. Sigurado akong hapon na. Narinig kong bumukas muli ang pinto ng bahay. Napatingin ako kay Vyzon.

"Let's go" hinawakan niya ang aking kamay. Hindi naman ako nagpumiglas pa dahil gusto ko rin naman na nahawakan ang kaniyang kamay.

Ngayon ko lang napansin. May malaking barrier pala sa lugar na ito bukod sa pinakabarrier ng Academy. Nakakapagtaka. Wala namang importante sa bahay na iyon. Yung sofa ba? Yung lamesa? Iyon lang naman kasi ang laman ng bahay na iyon. Walang kahit na ano.

Lumingon naman ako sa bahay pero nagtaka ako. Wala akong makitang bakas ng bahay. Tiningnan ko si Vyzon na nagtataka. Sigurado akong nasa likod lang namin yon.

"Vyzon. Nawawala yung bahay" sabi ko sa kaniya. Tinawanan naman niya ako bago umiling. Napanguso naman ako. Ngayon naiintindihan ko na kaya hindi ko man lang iyon nakita o kaya walang nakakakita dahil nasa ilalim iyon ng isang spell o mahika.

"Wala namang importante don. Ano bang binabantayan mo don?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya muna ako bago nagsalita.

"I am the guard of the very important thing in Magical World Yngrid. Dadaan muna sa akin bago nila yon makuha" saad ni Vyzon.

Bigla akong kinabahan. Napabitaw ako kay Vyzon. Napatingin naman sa akin si Vyzon. Binilisan ko ang aking lakad dahil kinakabahan ako sa nabubuong ideya sa aking isipan. Natatakot akong makumpirma ang bagay na iyon. Natatakot ako... Natatakot na baka...

"Yngrid!" tawag sa akin ni Vyzon pero hindi ko siya pinansin. Ayokong marinig ang susunod niya pang sasabihin. Ayokong makumpirma ang hinala ko. Sana mali ako, dahil kung tama ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

--

"Trix, wala ka bang balak lumabas?" tanong sa akin ni Helena. Umiling naman ako. Ayokong lumabas.

"Ano ba kasing nangyari sayo at saan ka galing kahapon? Nung dumating ka ay para kang nakakita ng multo sa putla mo. Nakausap mo ba ang dark mages?" usal muli ni Helena ng hindi ako magsalita. Napabuntong hininga siya bago ako nilapitan. Umupo siya sa kamang hinihigaan ko.

"May nangyari bang masama? Nalaman mo na ba kung nasaan ang Crystalline Diamond Stone?" sa huling sinabi ni Helena ay ramdam ko ang kabang namumbalik na naman sa aking dibdib.

Ano nga bang gagawin ko kung nasa bahay nga na iyon ang hinahanap ko? Ang daan lang para makuha yon ay si Vyzon. Hinding-hindi ko siya gagamitin sa aking kasamaan. Hindi ko kaya. Natatakot ako. Natatakot ako. Saan nga ba ako natatakot?

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon