Chapter 20
"You. You are my problem"
Rinig kong usal ni Vyzon. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya. Patuloy akong nagpumiglas sa pagkakaipit niya. Wala akong panahon sa ganito.
"Lumayo ka nga sa akin. Masyado kang malapit" Inis kong sabi dito.
Ngunit bingi ata itong kausap ko dahil mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
Kung hindi ko lang kailangan ng tulong niya ay kanina ko pa siya ginawang bato.
"Why did you drag me here?"
Sa wakas ay nagtanong din siya. Dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng deretso. Nakagilid ang mukha ko dahil kapag humarap ako ay magkakadikit na naman ang labi namin.
"I need to ask for your help?"
Hindi siguradong sagot ko dito.
"What kind of help?"
Tanong ni Vyzon at naramdaman ko naman ang kaniyang paglayo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag at umayos ako sa pagkakatayo ng makalayo si Vyzon sa akin.
"Tanda mo pa ba yung librong may paraan kung paano mag seal ng kapangyarihan?"
Tumango naman si Vyzon. Hindi ko mabasa ang kaniyang mga mata. Hindi ko tuloy alam kung wala siyang pake o kung nacucurious ba siya o ano. Basta ang hirap nitong basahin.
"Pwede bang pahanap ulit non, I badly need it"
Sabi ko sa kaniya habang nagmamakaawa ang aking tingin.
Kung alam ko lang kung nasaan at anong libro iyon ay ako nalang sana ang naghanap. Nakakainis kasi hindi ko manlang nakita kanina.
"Okay"
Maikli niyang sagot.
Sinundan ko lang siya ng sinundan habang hinahanap ang libro. Nagtataka ako dahil hindi siya nagtatanong kung bakit kailangan ko ang librong iyon. Baka wala lang siguro siyang pake.
Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay may inabot siya sa aking isang librong mukhang sobrang luma na pero ng binuklat ko ito ay maayos at maganda parin naman ang loob. Kaya siguro hindi ko nahanap dahil walang pangalan ang nakalagay sa labas.
Umupo ako sa isa sa mga upuan. Ako, si Vyzon at si Ms. Milly ang Librarian lang ang tao dito sa Library.
Umupo naman sa harap ko si Vyzon. Kita ko ang mata niyang nagmamasid lang sa bawat galaw ko. Mukhang wala talaga siyang balak magtanong. Mabuti narin iyon dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya kung sakaling magtanong man ito.
Nang buklatin ko ang ilang pahina ay nakita ko rin ang aking hinahanap.
How to unsealed a magic
Pinunit ko ang pahinang iyon ng walang pag aalin-langan. Kinunutan naman ako ng noo ni Vyzon.
"Thanks"
Sabi ko dito bago naglakad palabas ng Library. Ramdam ko ang pagsunod ni Vyzon sa akin hanggang sa makarating ako sa dorm ay nakasunod parin sa akin si Vyzon.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Vyzon.
"Hanggang saan mo ako susundan?"
Seryosong tanong ko kay Vyzon.
"I know someone who has a sealer blood"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Vyzon.
"Why are you saying that?"
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
