Chapter 5
Nagising ako ng maaga. Nakita ko namang tulog pa si Helena. Agad akong bumangon at binuksan ang sarili kong cabinet. Nakita ko ang nakasabit kong uniform na nasa limang pares. Magkakasama ang mga iyon sa isang hanger.
Kulay dark blue ang palda na checkered. May dark blue rin na necktie at may coat na ganun din ang kulay. Ang blouse namin ay long sleeve na may logo ng paaralan sa kanang dibdib at ganun din ang aming coat.
Naligo ako at nagbihis ng uniporme. May sapatos rin na nakahanda para saakin at may mga damit nga akong pwedeng suotin kapag sabado at linggo at may ilang pares din ng pantulog.
Lumabas ako ng tahimik sa kwarto namin. Madami na din akong mga estudyante na nakikita na papunta na rin ata sa kani-kanilang section. Alam kong ang classroom ay nasa pinaka main building ng paaralan na ito.
Dahil maaga pa naman para sa unang subject ay napagpasyahan ko na maglibot muna sa paaralan na ito. Wala rin naman akong balak pumasok sa mga klase. Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin kung saan nakalagay ang Crystalline Diamond Stone.
Walang ibinigay na palugit sa akin si Aran pero kailangan kong magmadali sa paghahanap dahil baka mapahamak ng tuluyan ang dalawa kong kapatid. Hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito.
Nang makalabas ako sa dorm ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang laki ng lugar na ito. Hindi ko kayang libutin ito ng isang buong araw habang may hinahanap.
Napagpasyahan kong pumunta muna sa library ng academy na ito. Kailangan ko munang kumuha ng impormasyon baka sakaling nakasulat sa isa sa mga libro kung saan matatagpuan ang batong iyon.
Saulo ko na ang bawat pasikot-sikot sa lugar na ito dahil may ibinigay sa akin kagabi si Helena na isang mapa. Hindi iyon pangkaraniwang mapa dahil detalyadong-detalyado iyon. Bago ako tumulog ay sinigurado ko na alam ko ang bawat daan at pasikot-sikot sa lugar na ito.
Nang makarating ako sa library ay agad akong pumasok. May librarian akong nakita. Pansin ko ang liit ng librarian dahil sobrang taas ng kanyang inuupuan. Mukha siyang duwende na strikta. Tumikhim siya kaya dumeretso na ako sa paglalakad.
Pumunta ako sa pinakasulok ng library dahil duon ako magsisimula. Madilim na sa bahaging ito ng library dahil nasa dulo ako. Kahit ganon ay wala man lang alikabok ang maamoy. Malinis ang lugar na ito.
Kinuha ko ang isang libro na nakapukaw sa aking atensyon. Isa iyong libro na may itim at ginto ang labas ng aklat. Kumunot ang noo ko.
Binuklat ko iyon at binasa ang pamagat ng libro.
'The Dark Golden Magic'
Tungkol ang libro sa aking kapangyarihan. Hindi ko alam na may ganito palang libro na nabubuhay. Binuksan ko ang pangalwang pahina.
Dark Golden Magic is very rare magic existed in the entire magical world. It can destroy a huge and wide land in just a snap. It is said to be destructible and dangerous. Furthermore it can bring back the life of a person whose already dead in exchange of the life of the holder.
The holder of the said magic can control the four elemental magic which is fire, earth, water and air but it will damage the body of the holder because of the strong combination of four magical elements.
Madami pa akong nabasa na tungkol sa aking kapangyarihan. May nabasa ako na ang taong may hawak ng hindi pangkaraniwang mahika na iyon ay kayang baguhin ang buong magical world kung gugustuhin niya. In a good way or in a bad way.
Napailing nalang ako, hindi ko alam kung maswerte ba ako dahil nasa akin ang mapanganib na kapangyarihan na iyon at wala akong balak na wasakin ang kahit anong lugar at wala akong intensyon na kasamaan. O isa lang akong malas na babae na nabigyan ng makapangyarihang mahika at wala akong choice kung hindi ang tanggapin ito ng buong puso.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
