Chapter 23

21.2K 895 70
                                    

Chapter 23

Nakatitig lamang ako sa mahimbing na natutulog na si Helena. Napangiti naman ako dahil binantayan niya talaga ko pero nakatulog naman siya. Biglang bumukas ang silid kung nasaan kami. Napatingin ako kay Hestia, Kate at Jake.

"Tingnan mo yang si Helena. Sabi babantayan ka daw pero mas mahimbing pa ata ang tulog kaysa sayo" saad ni Hestia kaya naman napatawa nalang kami nina Kate.

"Nabalitaan namin na nahimatay ka daw. Okay kana ba?" tanong ni Kate at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang noo ko kaya naman naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

"Wala akong lagnat" natawa naman si Jake sa aking sinabi bago binatukan si Kate. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kate.

"Nakakainis ha! Kailangan pang mambatok?" singhal ni Kate sa lalaki. Napangiti naman ako bago ibinaling ang tingin sa mukhang nagising na si Helena. Kinusot nito ang kaniyang mata bago tiningnan ang tatlong tao.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Helena sa kanila. Umirap naman si Hestia. Napailing nalang si Kate at Jake.

"Akala ko ba babantayan mo si Trix buong gabi? Anong nangyari at mukhang nabaliktad?" saad ni Hestia habang nakapameywang. Napangiwi naman si Helena bago napakamot sa ulo.

"Kasalanan ko bang inantok ako" usal naman ni Helena. Tumayo nalang ako. Ganon di si Helena.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa labas ng infirmary. Nakasalubong pa namin si Amanda. Nginitian ko na lamang siya para iparating na okay na ako. Dumeretso naman kaming lima sa cafeteria.

"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" tanong sa akin ni Helena. Umiling naman ako. Napatango siya.

Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kong nakita si Vyzon na kumakain mag-isa sa sulok. Napanguso naman ako dahil hindi siya nagparamdam sa akin kahapon. Akala ko pa ay napahamak siya.

"Huy! Baka matunaw si Vyzon" biglang usal ni Helena kaya naman natauhan ako. Nang makapag order kami ay dumeretso kami sa isang table. Sinamaan ko pa ng tingin si Helena dahil malapit pa talaga sa table ni Vyzon niya piniling maupo. Sumunod naman ang tatlo kaya wala na akong magawa.

"Gusto niyo bang malaman kung sino ang girlfriend ni Vyzon?" tanong bigla ni Helena bago nakangising nakataas ang kilay. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kilala niya? Bakit naman kilala niya samantalang ako na laging kinukulit ng lalaking iyon ay walang kaide-ideya kung sino yon!

"Kilala mo?" biglang tanong ni Jake na mukhang mas excited pa kaysa kay Hestia at Kate. Napailing na lamang ako.

"Oo naman" tumikhim si Helena bago tumayo at lumapit kay Jake. May ibinulong ito. Nanlaki naman ang mata ni Jake bago tumingin sa akin. Napataas naman ang kilay ko dahil sa reaksyon niya. Ganon ba nakakagulat kung sino?

"Sabi na. Kaya pala parang may something sa dalawang yon!" usal ni Jake. Mukhang ipinasa naman ni Jake kay Hestia na katabi niya ang sinabi ni Helena. Ganon din ang ginawa ni Hestia sa katabing si Kate. Paikot kasi ang aming upo at may bakante pa sa aking tabi na dalawa. Katabi ko naman si Helena sa kaliwa.

Katulad ng reaksyon ni Jake ay ganon din ang sa dalawa. Napailing nalang ako. Nanlalaki ang kanilang mata habang nakatingin sa akin. Napailing nalang ako bago nagsalita.

"Ayokong malaman. Wag niyo kong idamay sa kalokohan niyo" sabi ko na lamang sa kanila dahil nakatitig sila sa akin. Nabuga nalang ako ng hangin. Kahit kuryoso ako kung sino man ang malas na babaeng iyon na pinatulan si Vyzon ay hindi na ko nagpumilit pang alamin.

"Kaya naman pala laging tinutulungan" sabi bigla ni Kate bago tumatango.

"Nahalata ko na iyon noong una kaso hindi lang talaga ako sigurado" sabi naman ni Hestia habang nakatingin sa akin. Napailing nalang ako sa kaniya. Pati ba naman siya.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon