Chapter 26
Hindi ko alam kung bakit pati si Yuan ay nasali sa amin. Nakita ko nalang itong kasama si Jake. Hindi ko alam na close pala silang dalawa. Naiiling na umupo ako sa may bench. Nakaupo naman sa ground sina Hestia, Kate, Jake kasama si Yuan.
"Anong ginagawa nang isang yan dito?" naiinis kong tanong kay Jake. Ngumisi naman sa akin si Yuan na ikinainit ng ulo ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung paanong panloloko ang ginawa niya sa akin.
"Wala lang. Bawal ba?" usal ni Jake kaya naman siya ang sinamaan ko ng tingin. Natawa naman ang dalawang mokong bago biglang natigil. Para namang natuod si Jake sa kaniyang kinauupuan. Nakakaloko naman ang ngisi ni Yuan.
Sa reaksyon ng dalawa ay alam ko na agad kung sino ang tinitingnan nila sa aking likod. Tumingala ako at nakita ko ang nakayukong mukha ni Vyzon. Natatawang umupo ito sa aking tabihan.
"Nasaan pala si Helena?" tanong ko bigla dahil ang alam ko ay kanina pa iyon umalis sa dorm. Nagkibit bakit naman sila.
"Hindi ko alam. Wala ba sa dorm?" tanong ni Hestia. Agad naman akong napakunot. Umiling ako.
"Nandyan lang yon sa tabi-tabi" usal ni Jake kaya naman sumang-ayon ang dalawa pa.
Napansin ko naman ang namumuong tensyon sa pagitan ni Yuan at Vyzon. Kahit kailan talaga ay hindi sila titigil. Nakita kong maangas ang tingin ni Vyzon sa nakangising si Yuan na mukhang nanghahamon. Hindi talaga pwedeng pagsamin ang dalawang lalaking ito.
Hinampas ko sa hita si Vyzon kaya sa akin nabaling ang kanilang paningin. Sinamaan ko ng tingin si Vyzon at Yuan.
"Tumigil nga kayong dalawa. Huwag niyo ng ituloy kung balak niyo lang naman na sirain ang buong ground na ito" sabi ko sa kanila habang umiiling.
"Chansing ka lang!" biglang sabi ni Yuan kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Anong sinasabi niya? Nginuso naman niya sa akin ang kamay kong nakahawak pa rin sa hita ni Vyzon. Agad ko naman iyong tinanggal.
"Okay lang naman sa akin" sabi ni Vyzon. Kahit hindi ako tumingin ay alam kong nakangisi siya sa akin ngayon. Umakyat lahat ng dugo ko sa aking pisnge. Nakakainis!
Nag-tawanan naman sina Hestia, Kate at Jake. Maging si Yuan ay nakisali na rin. Inis ko silang tiningnan lahat dahil wala namang nakakatawa.
"Anong oras pala natin kukuhanin ang gown?" tanong ni Kate kay Hestia. Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na kailangan pa nga pala namin yon kunin dahil bukas na ang foundation ball.
"Sama ako ha" wika ni Jake. Binatukan naman siya ni Hestia.
"Oo na, oo na" wika ni Hestia. Napasimangot naman si Jake dahil binatukan pa siya ni Hestia. Papayag din naman pala.
"Saan? Sa labas ba ang Academy? Sama din ako" saad ni Yuan habang nakangisi.
"Bahala kayo sa buhay niyo" usal ni Hestia kay Yuan. Tumawa naman si Yuan bago kinindatan si Hestia. Napailing na lamang ang babae.
"Hindi na kailangan tanungin si Vyzon. Sasama din yan dahil kasama ang girlfriend niya" ngising turan ni Kate habang nakatingin sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin.
"Hindi ko siya girlfriend" seryosong usal ni Vyzon kaya naman napanganga ako. Pati ang apat na kasama namin ay hindi makapaniwala.
Agad naman akong nainis. Kung hindi ako, sino naman kaya ang girlfriend niya? Naiinis ko siyang binalingan ng tingin. Napanguso naman si Vyzon. Halatang nagpipigil ng tawa. Binatukan ko naman siya ng malakas.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
