Chapter 15

26.9K 954 73
                                        

Chapter 15

Ilang araw ang lumipas. Nabalitaan ko rin na nakabalik na si Macy sa paaralan. Hindi naman sinabi ni Stacey ang nalalaman niya dahil takot rin siya na mapahamak kapag nagsalita siya. Araw ng pagsusulit. Ang lahat ng mag-aaral ay nasa loob ng Arena. May malaking battle field sa gitna kung saan gaganapin ang pagsusulit. Hindi basta-basta pagsusulit ang gaganapin dahil maglalaban laban ang bawat mag-aaral ng senior.

Ang battle field ay may makapal na glass wall na nagsisilbing barrier upang hindi madamay ang manonood. Lahat ng mag-aaral ay manonood at tanging senior lang ang maglalaban-laban.

Nasa may pinakababa kami ng bleacher upang mabilis naming malapitan at magamot ang mga sugatan sa laban. Ito ang aming pagsusulit kaya exempted kami sa laban na magaganap. Hindi ko rin naman alam kung aabot ba sa dalawa ang magagamot ko. Lima lang kaming senior na healer at ako lang ang section B dahil lahat silang apat ay kabilang sa Section C.

May malaking screen sa pinakataas ng Arena na ito. Apat na malalaking screen iyon na nakaharap sa apat na mga bleachers upang kita ng mga manonood. Doon lalabas kung sino ang maglalaban laban. Halos kinakabahan ang lahat ng kaklase ko at ipinagdadasal nila na sana ay section C ang makatapat nila.

Lahat kami ay nakatingala na sa malaking screen. Pigil hininga ang lahat para makita kung sino ang unang maglalaban.

Nakita ko ang mukha ni Theo at Macy sa screen. Ibig sabihin sila ang unang kalahok na papasok sa battle field.

Nang makapasok na silang dalawa ay agad silang naghiwalay. Nakita ko ang pagkamot ni Theo sa kaniyang batok. Nahihiya siguro siyang makipaglaban. Mukha namang wala sa mood si Macy. Agar niyang inangat ang kaniyang kamay at nakita kong may lumabas na string don. Pumulupot iyon kay Theo kaya agad siyang namilipit sa sakin. Mukhang walang balak lumaban si Theo sa kanya. Pero kumunot agad ang noo ko ng mapansin ko ang isa pang kamay ni Macy na nagalaw galaw. Ibig sabihin. Kinokontrol na niya ang katawan ni Theo para hindi ito makapagbagong anyo. Hindi tagal ang laban dahil nanalo si Macy. Halos maboring naman ang lahat sa kanilang laban.

Sumunod na pumasok sa battle field si Kate at si Jake. Silang dalawa ang magkatunggali. Earth User si Kate at Ice User naman si Jake.

Kita ko ang pagngisi ni Kate kay Jake. Hindi naman iyon pinansin ni Jake dahil mabilis siyang nagpakawala ng dambuhalang ice warrior bear. May armor itong suot at may knuckles din ito. Kulay pula ang mga mata nito at mahaba at matilos ang kanyang yelong ngipin.

Nagpakawala naman si Kate ng dambuhalang Golem. Halos maghiyawan ang manonood dahil sa nasasaksihan nila. Unang umatake ang golem ni Kate. Nagpakawala ito ng mga rock blades. Kita ko naman ang pag-angat ng lupang tinutuntungan ni kate. Nagpakawala ng malakas na earthquake ang kanyang golem.

Nagpakawala ng madaming ice arrow si Jake habang kinakalaban ng ice warrior bear niya ang golem ni kate. May hawak itong matulis na espada na gawa sa yelo. Mabilis na naputol ang kamay ng golem ni Kate dahil nahiwa iyon ng ice warrior bear ni Jake. Hindi naman nagpatalo ang Golem ni Kate dahil mabilis nitong nasuntok ang balikat ng warrior bear kaya nabasag ang yelong iyon.

Nakita ko ang biglaang pagsnow sa loob ng battlefield. Mabilis na napuno ng snow ang inaapakan nilang dalawa. Isang dambuhalang snow man na nakakatakot ang nabuo. Agad na naglabas ang bibig ng snow man ng matutulis na ice peak. Ang puntiriya nito ay si Kate. Agad na natamaan si Kate sa braso dahil hindi niya iyon inaasahan. Patuloy parin ang pagbabanggan ng golem at warrior bear.

Naghihiyawan ang mga manonood dahil dikit ang laban. Makalipas ang ilang minuto. Natalo si Kate at nananalo naman si Jake. Lumabas sila sa Arena. Konting galos lang ang tinamo ni Kate.

Agad na pumunta sa direksyon lo si Kate. Nginitian niya ako kaya naman tinanguan ko lang siya.

Nilapitan ko siya at agad na ginamot ang kaunting galos na natamo niya.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon