Chapter 9

21.9K 845 44
                                    

Chapter 9

Wala sa plano ko ang makipag-kaibigan. Wala rin sa plano ko ang may makaalam kung bakit ako nandito at kung ano ang pakay ko. Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Helena na hindi niya ipagsasabi ang aking sikreto. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil may mapagsasabihan na ako ng aking problema o hindi dahil may nakaalam na sa tunay kong pagkatao.

Hindi ko pa nga nakikita ang crystalline diamond stone pero mukhang papalpak pa ata ako. Alam ko naman na walang kaibigan si Helena sa paaralan na ito at hindi sa madalas lumabas ng dorm pero hindi ako sigurado kung makakatulong ba siya sa akin. Baka mapahamak siya kapag nalaman ni Aran na may nakakaalam ng pakay ko diyo.

12 midnight na pero gising na gising parin ako. Napatingin naman ako sa gawi ni Helena na kanina parin tinatakpan ng unan ang kanyang tenga. Para bang ang ingay ng paligid para sa kanya kahit sobrang tahimik naman ng gabi.

Bumangon siya sa pagkakahiga at umupo sa kama. Mukha siyang stress na stress dahil sa kanyang itsura. Napatingin siya sa akin. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking kama.

"Trix help me. I can hear everyone's thought. I can't control it. It's so noisy inside my head"

Mukha siyang maiiyak na dahil sa kanyang problema. Pilit niyang tinatakpan ang kanyang tenga para walang marinig. Mukha na siyang baliw dahil sa kanyang itsura.

"How can I help you?"

Agad kong tanong sa kanya. Wala akong naiisip na paraan para siya ay matulungan ko. Hindi ko din naman alam kung paano makokontrol ang kanyang kapangyarihan kaya hindi ko siya matuturuan.

"Seal my power Trix. It's the only way to stop my power. It's fvcking iritating"

Mangiyak-ngiyak na sabi ni Helena. Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang suhestyon.

"I don't have any idea how to seal someone's magic. I don't have that kind of magic"

Bumuntong-hininga ako. I'm not Owel who can easily seal someone's magic. Napaisip naman ako. Baka pwede ko siyang dalhin kay Owel pero isang malaking pagkakamali kapag gimawa ko iyon. Madadamay pati si Helena at baka ikulong nila ito sa dungeon.

"Let's go to the Library. There's a a book of how to seal someone's magic. Every mage can perform the process"

Naguguluhan akong tumingin kay Helena. Mukha na siyang baliw sa itsura niya. Sobrang gulo ng kanyang buhok.

"It's curfew time. Let's sleep and do that tomorrow"

Umiling-iling naman si Helena. Hindi sang-ayon sa aking sinabi.

"I can't sleep. Everyone's thought is in the air, how can I sleep?"

"Close your eyes then" Inirapan ko siya. Nakita ko ang pagdudugo ng kanyang tenga. Mukha ngang hindi niya makontrol ang kapangyarihan na meron siya.

"Fine. Let's go to the library"

Tumayo ako. Mababakas sa mukha mi Helena ang pagkagulat. Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Hurry up and get up. We don't have enough time"

Tumango-tango si Helena. Tahimik kaming lumabas ng dorm. Mapapansin ang sobrang tahimik ng pasilyo pero ang kasama kong si Helena ay mukhang rinding-rindi na sa kanyang mga naririnig.

Sarado na rin ang pinto ng girl's dormitory. Agad akong napatingin kay Helena ng makitang nakalocl ito.

"Do you have a hair clip"

Tanong ko kay Helena. Tumango siya at may kinuha siya sa kanyang magulong buhok. Inabot niya sa akin ang clip at agad ko iyong inilusot sa padlock ng pinto.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon