Chapter 12
Naalimpungatan ako ng bigla akong makaramdam ng gutom. Napansin ko naman na nasa infirmary parin ako. Kinusot ko ang aking mata bago umupo sa kama na hinigaan ko.
"What happened to you Yuan?"
Narinig kong tanong ni Amanda. Hindi agad ako umalis sa aking pwesto dahil narinig ko ang pangalan ng lalaking si Yuan. Baka maisipan na naman niyang pagtripan ako. Hindi nila ako kita dahil sa kurtinang humaharang sa akin.
"Nasapian na naman ng masamang demonyo si Vyzon kaya pinagsusuntok ako"
Natatawang pahayag ni Yuan. Agad nangunot naman ang aking noo. Alam kong may ginawa ang Yuan na yon na ikinagalit ni Vyzon.
"Maswerte ka dahil binugbug ka lang niya gamit ang kanyang kamao. Baka isa ka ng abo ngayon pag nagkataon"
Rinig kong sabi naman ni Amanda kay Yuan.
"Hindi rin. Kita mo naman na halos magkulay ube ang buo kong mukha dahil lang sa suntok ng lalaking iyon"
"Ano ba kasing ginawa mo na ikinapikon ni Vyzon?"
Narinig ko ang nakakairita at nakakalokong tawa ni Yuan dahil sa tanong ni Amanda sa kanya.
"May sinabi lang naman ako na hindi nagustuhan ng kanyang pandinig"
Tumatawa nitong sabi. Halata sa boses niya na parang inaalala niya ang pangyayaring iyon kaya natutuwa siya.
"Care to share?"
"Well, I just told him that I kissed his girl"
Halos humalakhak si Yuan dahil sa kanyang sinabi. Malakas talaga ang tama ng lalaking si Yuan. Gustong-gusto siguro niya na iniinis at pinipikon si Vyzon.
"His girl? Vyzon already have a girlfriend?"
Gulat ang tinig na tanong ni amanda kay Yuan. Tumawa ulit si Yuan ng nakakaloko na para bang may iniisip na naman na kalokohan.
"I can't tell"
Matapos kong makinig sa pinag-uusapan nila ay agad akong tumayo. Nagugutom na talaga ako. Kanina pa nga pala ako hindi kumakain.
Napatingin naman sa akin si Yuan at si Amanda ng makarating ako malapit sa kanila. Agad akong nginisian ni Yuan. Ngising nakakairita. Inirapan ko lang siya.
"You should get some sleep Trix" Nag-aalalang sabi ni Amanda. Tinanguan ko lang siya.
Nang makarating naman ako sa pinto ay agad akong napatigil. Hindi ko maigalaw ang aking paa. Napatingin ako don at nakita ko na pinalilibutan iyon ng hangin ni Yuan. Huminga ako ng malalim.
Sa isang iglap lang ay nasa unahan na ako ni Yuan. Hinigit niya ako gamit ang kanyang kapangyarihan. Tiningnan ko lang siya ng matalim.
Nagtatakang napatingin si Amanda kay Yuan at sa akin. Nakita ko ang kanyang pag-iling.
"Yuan let her go. She needs to rest. Her body is not fine"
Hindi pinakinggan ni Yuan ang sinabi ni Amanda. Para itong bingi na nakangisi lang sa akin. Hindi ko alam kung anong trip niya at pati ako ay dinadamay. Inilipat ni Yuan ang kanyang tingin sa katawan ko.
"Her body is fine. She's sexy"
Tumatango-tango niya pang sabi habang nakahawak sa kanyang baba. Inangat ko ang kamao ko at agad ko siyang nasuntok sa mukha.
Kumunot ang noo niya na para bang nasaktan siya sa suntok ko. Nakabawi naman agad siya kaya nginisian niya ulit ako.
"I'm Yuan Hamish"
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...