Chapter 13
Nasa detention room na kaming anim. Hindi normal na room ito dahil pinalilibutan kami ng matibay na metal na magsisilbing pader ng detention room. Wala kang makikitang bintana. Tanging upuan lang na mag-kakalayo ang nandito kaya kahit gustuhin ko mang isubsob ang mukha ko ay hindi ko magawa dahil walang desk.
Si Jake, Hestia at Kate ay magkakatabi lang kahit one sit apart ang bawat upuan dito. Nasa pinakadulo ako dahil hangga't maari ayokong mapalapit kay Yuan at Vyzon na nasa bandang gitna. Hindi sila magkatabi. Nasa magkabilang dulo sila. Nasa unahan naman ang tatlo.
Kung may bintana lang sana ang detention room kanina pa ako tumakas at tumalon para makapunta sa cafeteria. Kanina pa ko nakakaramdam ng matinding gutom. Sabi ni Amanda ay kailangan kong magpahinga at matulog para mabawi ko na ng tuluyan ang lakas ko pero mukhang di ko na iyon magagawa dahil nasa detention room ako. Hindi rin nagana ang kapangyarihan dito kaya walang magagawa ang lima kundi ang tumunganga katulad ko.
Napabuntong hininga ako. Nakita ko ang nakatalikod na si Vyzon. Mukhang natutulog siya dahil kanina pa bumabagsak ang ulo niya pero bigla-bigla rin siyang nagigising kapag nangyayari yon.
"So boring!"
Nakakainis na sigaw ni Hestia. Ginulo niya pa ang kanyang maiksing buhok. Tumayo siya at pumunta sa harapan. Nakapameywang niya kaming tiningnan bago tumigil ang tingin niya kay Yuan at Vyzon. Bumuga siya ng hangin na para bang nagtitimpi.
"This is your fault!"
Sigaw niya habang nakaturo sa nakangising si Yuan. Tinawanan lang siya ni Yuan na ikinairita niya.
"No. This is someone's fault"
Sinulyapan naman ako ng nakangising si Yuan kaya agad napataas ang aking kilay. Pinagbibintangan niya ba ako? Napailing na lamang ako.
"Bakit ba kasi kayo nagsusuntukan na may kasama pang kapangyarihan?"
Naiiritang tanong ni Kate. Sumang-ayon naman si Hestia at Jake sa kaniyang tinanong. Nananatili akong nakatingin sa kanila.
"I just asked Vyzon something. He has a very bad temper as always"
Tumatawang sabi ni Yuan habang nakatingin ng nakakaloko sa walang pakialam na si Vyzon. Nakapikit lang si Vyzon pero alam kong gising siya. Hindi siya makakatulog dahil sa ingay ng apat.
"What's that 'something' Yuan?"
Tanong ni Jake na para bang curious kung ano ang bagay na iyon na ikipikon agad ni Vyzon.
"I asked him 'Did I made you jealous?' Then boom"
Katulad na katulad ang sinabi niya kanina na may halong pang-iinis sa kanyang tono ng pagtatanong. Tila na guluhan naman ang tatlo bago nanlalaki ang mata na napatingin kay Vyzon bago ibinalik sa tumatawang si Yuan.
"What? With who?"
Naguguluhang tanong naman ni Kate. Gulat na gulat sa sinabi ni Yuan. Kumunot naman ang noo ko dahil masyado nilang ginagawang bigdeal ang bagay na iyon. Ano naman kung pinagselos ni Yuan si Vyzon. Ang babaw nila.
"Ofcourse, with his girl?"
"His girl!?"
Sabay na sabi ng tatlo gamit ang malakas na tinig. Napapailing nalang ako habang pinagmamasdan sila. Lumapit ang tatlo kay Yuan at humigit sila ng upuan papalapit sa lalaki.
"Vyzon have a girlfriend? How come? He's not interested in such a thing. It's unbelievable."
Umiiling-iling pa na sabi ni Hestia. Mukhang bigdeal sa kanila ang bagay na iyon dahil mukhang walang interes sa babae si Vyzon at sa salitang 'girlfriend'.
![](https://img.wattpad.com/cover/146304505-288-k689997.jpg)
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...