Chapter 19
Kinabukasan, maaga akong nagising. Kailangan ko ng mahanap talaga ang bato na iyon. Isang buwan na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay wala pa rin akong idea man lang kung nasaan ang bato.
"Malapit na ang Foundation day"
Sambit ni Helena. Napabuntong hininga naman ako. Sa isang araw na ang Foundation daw at siguradong magiging abala ang lahat.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili upang pumasok ay agad akong lumabas kasama si Helena.
Dahil sa napagusapan namin kahapon. Hindi na tinatamad si Helena na pumasok. Sa katunayan ay ginaganahan na nga daw siya dahil baka bigla daw magwala ang kapangyarihan ko ng wala sa oras.
"Ayos na daw ulit ang barrier, mas pinatibay at pinakapal"
"Balita ko rin ay magkakaroon ng pag-iimbistiga sa bawat estudyante ng Magical Light Academy"
"Hindi na nakakagulat na may traydor sa eskwelahang ito at sa buong Light Empire"
"Dumating si Professor Miffor, diba iyon yung may kakaibang mahika. He can tell the truth among the lies, in other words malalaman niya ang kakampi at kaaway"
Dahil sa aking nadinig para akong binuhusan ng malamih na yelo. Ito na ata ang aking katapusan kapag nakaharap ko ang sinasabi nilang professor.
"Huwag kang mag-aalala kung malalaman ni Mr. Miffor ang katotohanan ay papanig siya sayo, Kilala din si Mr. Miffor bilang isang mabait na Prof"
Pagpapagaan ng loob ni Helena sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Sa mga oras na ito ay nagkakabuhol-buhol na ang aking mga iniisip.
Kasalanan lahat ito ni Owel dahil sa kanya ay gumulo na ang plano ko.
Naghiwalay lang kami ni Helena dahil hindi naman kami magkaklase.
Nang makarating ako sa classroom ay nakita ko lang si Macy na nakikipagkwentuhan sa aming mga kaklase. Bumalik na siya sa kaniyang pagkukunware.
Bumaling ang tingin niya sa akin ng makapasok ako sa room. Nginisian niya ako kaya naman napairap nalang ako sa ere.
Dahil katabi ko si Macy hindi na siya nahirapang lapitan ako upang bumulong.
"Don't you ever dare mess up with my plan. Subukan mong makialam at malalaman mo ang tunay kong kapangyarihan"
Pagbabanta niya sa akin. Mahirap talagang magtiwala ngayon sa kahit na sino. At first I thought Macy was different from the others dahil siya ang unang namansin at kumulit sa akin. Siya yung tipo ng babaeng madaling pagkatiwalaan dahil maamo ang mukha at mukhang mabait. Iyon ang pagkakaakala ko. Nagtatago rin pala ang kaniyang totoong pagkatao.
Siguro mas mabuti na kung sumanib lang siya Dark Empire dahil nasa kamay din ng mga ito ang mahal niya sa buhay pero hindi iyon ang dahil. Kabilang na talaga siya sa Dark Empire simula pa lang.
Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nasa panig din ako ng Dark Empire?
Makalipas ang isang oras, tatayo na sana ako para lumabas ngunit biglang pumasok si Sir. Denzo na may kasamang isang matandang lalaki.
Hindi ko alam pero biglang nag-init ang seal sa aking magkabilang pulsuhan. Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kasamang lalaki ni Sir. Denzo habang unti-unting sumasakit ang ulo ko na tila ba parang pinupukpok iyon ng isang sobrang matigas na bagay.
"Is that Prof. Miffor?"
Napahawak ako sa akinh sintido dahil todo na ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na pinansin silang lahat dahil nagmamadaling tumayo ako at tumakbong lumabas ng room. Wala na akong pakelam sa iisipin at sasabihin nila.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
