2b

9.8K 174 3
                                    

"Uh...E-ex?" nagpalipat-lipat ang tingin ni sir Bobet sa amin ni... sya.
Wala sa amin ang sumagot. Sa halip, naglalaban ang mga tingin naming dalawa ng kaharap ko. Pero, di rin nagtagal, ako na ang unang umiwas.

"Pasensya na po kayo sir pero sa tingin ko wala na po akong gagawin pa dito. Mas mabuti pa ho siguro kung bumalik na muna ako sa pwesto ko. Magandang umaga po." Binalingan ko si sir Bobet. "Excuse me po." at tumalikod na.

"Lira-" narinig kong tawag sakin ni sir pero pinigilan sya nung lalaking yun.

"It's okay, Mr. Garcia."

Sinara ko na ang pinto at mas binilisan ko ang paglakad. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating sa pinakaunang CR na naroroon.

Napasandal ako sa pintuan. Unti-unting nag-unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa may lababo at doon mahinang umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kanang kamay na para bang makakatulong yun para maitago ang aking mga hikbi.

Mabilisan kong pinahid ang mga luhang lumandas sa pisngi ko nang marinig ko ang pagflush ng toilet. May tao pala.

Isang balingkinitang babae ang niluwa ng cubicle na yun. Maputi at magara ang suot na damit. Halatang mayaman.

Tumalikod ako at ikinubli ang aking mukha. Narinig kong naghugas ito ng kamay at gumamit ng blower.

"Are you okay?" lumingon ako ng kaunti dito.

"O-oo. Pasensya na."

"I don't think so. Did something happen?"

"Wala. Ano lang... Nakita ko lang yung g*go kong ex. Di bale, wala to."

"I see. Here." inabot nito sakin ang isang mamahaling panyo. Wala naman akong choice kundi tanggapin yun dahil basang-basa na ang palad ko kakapunas sa mukha ko.

"Salamat." nang maipahid ko yun sa mukha ko, nahihiyang tiningnan ko ito.

"Feel better now?" tumango-tango ako dito.

"Nakakahiya naman. Pasensya na nadumihan ko tong panyo mo. Ang ganda at ang bango pa naman. Lalabhan ko na lang tapos isasauli ko sayo."

"Oh please. It's fine. You need it much more than I do. Sayo na yan. Take it as a first meeting souvenir." nakangiti nitong saad.

"Meron bang ganun?" natatawa kong sabi. Hilam na ang luha.

"Well there is, now." nagkibit balikat ito. "I'm Claire by the way." inextend nito ang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Lira" sabi ko dito.

"Nice to meet you Lira." ambait naman nitong babaing to.

"Nice to meet you din. Pasensya na kung napunta pa sakin yung panyo mo."

"No problem. Okay lang. Sige, i'll get going ha. I hope pag nagkita tayo ulit, di ka na umiiyak."

Natawa ako ng bahagya. "Oo naman. Ngayon lang to, pramis."

Kumaway kami sa isa't isa at bago pa sya tuluyang makaalis ay nilingon ako nito ulit. "Men are utter jerks. Hindi dapat sila iniiyakan. Ang dapat sa kanila binabayagan para di na umulit" tumango-tango ako dito.

"Hayaan mo sa susunod, gagawin ko yan."

Nang tuluyan nang umalis ito ay doon ako napatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Tama na Lira. Hindi sya worth it iyakan."
----

MAGHAPON muli ang lumipas at mabuti na lang, out ko na. Laking pasasalamt ko dahil sa dami ng inasikaso ko ngayon, okupadong okupado ang isip ko. Ni hindi ko naisip ang g*gong yun.

Speaking of g*go...

Kung minamalas ka nga naman. Bakit nasa may exit pa tong lalaking to? Ang laki laki ng parking, dito pa tatambay? Kakaloka. Pasandal-sandal pa sa kotse kala mo cool. Ugh.

Sht. Nakita ako.

Nagkunwari akong walang nakita kaya nagtuluy-tuloy ako sa paglabas.

"Lira, wait!" habol nito sa akin.

Ano na naman bang problema nito?

Binilisan ko ang lakad ko. Nang feeling ko mas nakakalapit na sya, tumakbo na ko. Wala nang poise poise. Ang mahalaga makalayo ako.

"Aaaaahhhh!" tili ko nang mahablot ako nito sa braso at ubod lakas na iniharap sa kanya.

"Fck. Why do you run so fast, woman?" hingal na galit nitong sabi sakin.

Sa ilang segundo, muli, nagkatinginan kaming dalawa. Ewan ko ba, hanggang ngayon, iba ang dulot sakin ng mga mata nya. Parang nang-iimbita, nang-aakit na titigan ko sya.

Teka, nangangalay nako. Doon ko lang napagtanto na nakakapit ang mga braso ko sa mga balikat niya at nakayakap naman sya sa bewang ko.

Oo nga pala, sinalo nya ako kanina.

Tinulak ko sya at inayos ang sarili ko.

"Sorry." sabi niya. Nahalata atang awkward ang itsura naming dalawa.

"Ano bang kailangan mo?" mataray kong tanong.

"We... just... uhm..."

"Ayoko." sabi ko bigla. Alam ko na rin naman. Assumera na kung assumera basta hindi na ko makikipag-usap pa sa lalaking to.

"Huh?"

"Ayoko. As in NO. Ayoko. Sige, bye." akmang tatalikod ako ulit nang pigilan ako nito sa balikat.

"Lira, please." pumikit ako at malalim na huminga. Humarap ako.

"10 seconds."

"Huh?" napa-irap ako sa hangin.

"Sampung segundo. Sabihin mo ang gusto mong sabihin. Pagkatapos non, lubayan mo na ko."

"Ano? Wala tayong mapapag-usapan sa sampung segundo lang." tinaasan ko ito ng kilay at malakas na nagbilang.

"One thousand four, one thousand five"

"Fck. uh.. Sht..Its about... uh..."

"One thousand seven, one"

"Our annulment."

"thousand ei-" natigilan ako sa sinabi nito.

"Its about our annulment." ulit pa nito. "Let's talk about it, please."

Di ako makapaniwalang tiningnan ito.
Nakagat ko ang labi ko at tumingala sa langit.

Sht na luha to. Wag naman ngayon.

Nang mejo napipigil-pigilan ko na, tiningnan ko ulit sya.

"O, anong meron? Bakit, may mga kulang pa ba akong mga papeles na di nasubmit? Ah... oo nga pala, baka tapos na yung proseso? I see... Magaling yung nakuha mong abugado ha?" tumango tango ako dito. "Good. Mabuti kung ganon. Congrats sating dalawa. Malaya ka na. Malaya na tayo dalawa."

Parang may sasabihin pa ito pero di ko na inantay pa.

"Yun lang ba ang sasabihin mo? Sige, uuwi na ko. Good night."

Tuluyan na kong tumalikod dito at saktong may dumaan na taxi kaya pinara ko na. At doon... doon ko ulit binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Itutuloy...

AN: kamusta po ang update na to? Please po leave a comment... I really wanted to hear from you guys. Salamat!

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon