13

8K 134 4
                                    

Jared's POV

"Wow! You impress me Mr. Beaumont. Hindi na ko magtataka kung bakit malalaki ang mga investors nyo. This... this is wonderful. I never thought na mas gaganda pa ang impression ko sa hotel nyo. Napapaisip tuloy ako kung investment pa ba o joint-venture ang iooffer ko sayo." tuwang-tuwang sabi ng matabang mama sa harap ko. Nasa isang restaurant kami ng isa sa mga branch ng kaibigan kong si Leander.

And excuse me for the term I used to describe him pero I was just being honest. Besides, this old bald man keeps on looking at my wife. The h*ll!

And as a man, of course I know what he is thinking. By the looks of it, mukhang interesado sya sa asawa ko. I have to admit, marunong syang mamili ng pagkakainteresan. Asawa ko ba naman.

'But not infront me man! Not infront of me.'

"Thank you for the compliment, Mr. Aquino. Sa susunod na siguro natin pag-usapan ang tungkol sa joint-venture na yan. Aquino Bonnepart holdings is a very good catch. Siguradong magbu-boom ang industry ng hotels and casinos kapag nadikit na sa pangalan mo." pambobola ko. Of course I have to play my cards right. These type of businessmen are easy to lure but are very dangerous to fight. Mahihirapan ka ng husto kapag binunggo mo ang ganitong klase ng tao. Masyadong tuso.

"Oh, sure sure! Just contact my secretary kung kelan yan. For now, maaasahan ko naman ang deal natin hindi ba?"

"Of course Mr. Aquino. You have my word."

"Very well then." nilingon nito si Lira. By the way, the beautiful lady here...is... just your secretary I presume?" tanong nito.

"I'm sorry sir. But your presumption is incorrect." inakbayan ko si Lira na ikinagulat nito at ikinataas naman ng kilay ng matandang kalbong nasa harap ko. "Because, this lady beside me is my wife."

"Oh!" tumango tango ito.

"Yes sir." nginitian ko pa ito.

"I never heard you were married Mr. Beaumont."

"I keep my life private, sir."

"Oh, is that so? Sorry. I must've offended you. You see, this beauty is just an eye-catcher. I can't help but to admire such." nginitian pa nito si Lira.

'stop testing my patience m****rfcker.'

"That's why I married her sir. So if you don't mind..."

"Hahaha. Of course of course. Then, I guess I have to take my leave now." sabi nito at tumayo. Sabay naman kaming tumayo ni Lira na kanina pa tahimik sa tabi ko. Pinaggagawa ko lang kasi sya ng minutes ng meeting namin at mukhang naiilang din sa kaharap.

Iniabot ko ang kamay kay Mr. Aquino na tinggap naman nito."Thank you for trusting us, sir."

"The pleasure is mine."
-----

Lira's POV

Pagkaalis ni Mr. Aquino, bumaling sakin si Ja..sya. tsk. Hindi pa rin ako kumportable sa kanya. Lalo pa na masyado kaming malapit sa isa't isa.

Mukhang nakaamoy ang lolo at lumipat sa naiwang pwesto ni Mr. Aquino.

"So, are you hungry? We can order here." tumingin ito sa relong pambisig. "Mag-aalas onse na pala. You must be starving. Hindi ka mabubusog ng tinapay lang."

That line. Ilang taon na ba nung huli kong narinig yan. Pinilig ko ang ulo.

'Wag. Wag mong simulan Lira. Alam mo ang magiging epekto nyan sayo.'

"S-sige ikaw ang bahala."

Narinig kong tinawag nito yung waitress. "Oh. I recommend their pasta here. Carbonese yung sayo diba? Sige I'll have one and yung isa hmmm... Seafood marinara na lang." tuluy tuloy na sabi niya na hindi man lang ako tapunan ng tingin nung tinanong. Naaalala nya pa pala.

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon