Lira's POV
"So, you're going to live together." hindi yun tanong kundi statement ni Kuya. Magkakaharap kami sa maliit na lamesita ko habang kumakain ng niluto kong adobo.
Kanina pa sila nag-uusap dalawa actually. Habang nagluluto pa lang ako. Seryosong seryoso ang dalawa na kung magtinginan akala mo ilang milyon ang nakataya sa business deal na pinag-uusapan. Hindi ko na i-eelaborate pa kung tungkol saan dahil bukod sa hindi ko gaanong marinig, e mukhang alam niyo na naman.
Napatingin ako kay Jared nang hawakan niya ang kamay ko. Seryoso syang tumingin kay kuya.
"Yes. And I'll double the security to ensure their safety." tumango si kuya.
"And where do you plan to stay? I heard sa hotel ka nag-stay for the meantime? Wala na ba yung condo mo? Or maybe sa masiyon nyo?"
"No. Not in those places. I've never intended to raise my family there." humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
'Ano daw? Family? Ang sarap naman pakinggan.'
"I acquired a house at an exclusive subdivision two years ago." nagulat ako sa narinig. Two years ago? Sa akin naman sya tumingin. "Yun yung inuna kong binili at pinag-ipunan para sating dalawa at sa pamilyang bubuuin natin. Noon pa man, ikaw na yung motivation ko. Iniisip ko kasi, pagdating ng araw gagawin ko ang lahat makuha ulit kita. Pero bago ang yun, sinabi ko sa sarili ko na ihahanda ko muna lahat. Ang sarili ko, ang titirhan natin, ang magiging buhay ng anak natin. Lahat yun, gusto kong sa kamay ko mismo galing at hindi bigay ng magulang ko." Lumamlam ang tingin niya sakin. "This time, hayaan mong ako naman ang mag-alaga sayo. Let me provide for you. Let me give you everything you want."
Nagtitigan kaming dalawa. Pawang parehas na nangungusap ang mga mata. Kakaibang emosyon ang bumalot sa puso ko nang mga sandaling yun.
"Okay! That's enough!" pumalakpak si kuya.
'Kainis istorbo. Yun na yun e!'
"I'm still here in case you both forgotten." sinamaan ko sya ng tingin.
Ginantihan naman niya ako ng taas ng kilay.'Hmp! Ahitin ko yan makita mo.'
Bumaling sya kay Jared. "Well, its good that you've finally made the decision. At least handa ka na sa responsibilidad mo bilang asawa. Mabuti na din yun para may iba nang nag-aalaga at naaabala dito. "
"Yes. Especially now that she's pregnant, I'll make sure to give extra effort not to make the same mistake again."
"Good." sabi ni kuya at tumango-tango pa tapos ay bumaling sakin.
"And you. Tama na ang pagpapabebe. Buntis ka na ulit kaya magpakaayos ka na. Kung may hindi kayo pagkakaunawaan, ayusin nyo nang dalawa. Wag nyo nang paabutin sa punto na kailangan nyo pang maghiwalay ulit. Malalaki na kayo. Be responsible for your actions.""Yes kuya." sabi ko sa kanya.
"And stop stressing yourself out. Alam mo namang hinihika ka kakaiyak, isip ka pa nang isip ng kung ano-ano. Magtanong ka. Kausapin mo yung asawa mo. At ikaw naman," bumaling sya kay Jared. "Man up. Alam kong napag-isipan mo na to at hindi ko na kailangang sabihin pa pero, sana lang this time, maipagtanggol mo na ang asawa mo. Be mindful of how she'd feel."
"I know." sagot lang ni Jared.
Huminga ng malalim si kuya.
"So okay na? Wala na tayong problema? Ayusin nyo na tong gusot na ginawa nyo ha." tumayo na si kuya pero biglang may pahabol na pagturo kay Jared. "And you, this doesn't mean na okay na ko sayo. We'll deal next time."
"Kuya!" sabi ko. Makapanakot naman kasi! Inirapan lang ako ng damuho.
"Bye." sabi niya na lang at umalis na.
---------

BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Random(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...