Lira's POV
"Hi ate!!!!" kumakaway na tumakbo papunta sa pwesto ko si Sydney. Kasalukuyan akong nasa hotel at naglalakad sa lobby, tatlong linggo makalipas simula nung insidente sa bahay.
"O! Ba't andito ka? May kasama ka ba?" luminga linga ako at hinanap kung may kasama sya.
"Yep! Kuya's here. May conference sila dito kanina kaya sumama ako kasi alam kong andito ka. Ang boring boring nga e. Kaso hindi ako makaalis dun kasi kuya told me not to bother you 'cause you're working daw." *pout "Miss you ate."
Natawa ako sa sinabi nya.
"Parang ganun na nga din bunso." sabi ko at hinimas ang bagsak at maganda nitong buhok. Halata kay Sydney na gustung-gusto nitong nilalambing sya. Marahil ay dahil naispoiled ito noong bata pa lang.
"Namiss mo agad ako? Eh, kahapon lang magkasama tayo diba?""Eh syempre, iba yung kahapon. Dapat nga araw araw kitang nakikita. Can't you just live with me and kuya na lang?"
"Bunso, may sarili akong bahay. At saka kasi alam mo na, baka magalit ang boss ko. Kailangan ko kasing unahin ang trabaho pero diba madalas naman tayong magkita?" nakangiti ko ditong sabi.
"Eh kaya nga, stop working na dito. Kuya can provide for you naman. And diba, soon magiging Williams ka na din kaya di mo na kailangan magwork." hayy... mapilit talaga tong batang to. Ilang beses na namin yan pinag-usapan ah. Matatawa ka na lang talaga sa kakulitan.
"Ah. *ehem" napalingon kami parehas sa bagong dating.
"Say, isn't this the heiress of WnC Global?" nakangiting bati ni Jared kay Sydney. "What brings you here little miss?"
"Ah.." tumingin ito sa akin na parang nag-aalangan. Marahil ay hindi nito kilala kasi ang kausap.
"Oh, sorry for interrupting your conversation. I'm Jared Beaumont, the owner of this hotel." pagpapakilala nito at nilahad ang kamay.
Gustuhin ko mang sabihing wag na itong pansinin ni Sydney pero para sa isang 13 years old, marahil ay hindi magandang maturuan ito ng hindi magandang asal. Kaya nginitian ko ito at tinanguan upang maencourage na makipagkamay.
"I'm Sydney Williams." pagtanggap nito. "My brother's here. May meeting po sila with other investors."
"Ahh yeah, that's what I heard. " tumango tango ito at napadako ang tingin sa nakakapit na braso ni Sydney sa akin. "I guess you became acquainted with my employee already?"
'Ano bang trip nito? Bat ang usisero ata?'
"Oh, you mean ate Lira?" tumingin ito sa akin at muli kay Jared. "She's my ate and soon she's gonna be a legal part of the family." nakangiti nitong sagot sa lalaki.
"Legal? You mean..."
"Yeah. She's going to be a 'Williams' soon. " pabulong na sagot ni Sydney. "Pero keep it a secret muna a. Ate says she doesn't want to make a crazy issue about it here."
Kumunot ang noo ni Jared at tumingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin.
'Bat parang nang aakusa to. Para tuloy akong guilty kahit wala naman akong kasalanan. '
"Sure." narinig kong sagot nito. "But didn't they inform you that your ate here already has her surname?"
"Huh?" nagtataka nitong sagot. "Well, she's a Santos before pero that's not her real surname eh." maang nito.
"Ah, not that. I mean hindi ba nila nasabi sayo na she's already married?" marahas akong napalingon dito.
'Ano bang sinasabi nito? Kailangan nya pa bang sabihin yan?'

BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Random(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...