(Formerly entitled:Her ex-husband)
"Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared
"Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...
Bati ko sa mga bagong dating. Bilang isang receptionist, kailangan maging matiyaga ako sa pagwelcome ng bawat guests kahit na minsan ay nasusungitan. Hindi naman kasi lahat ganun. Marami pa rin naman ang mga mababait na guests kahit papaano.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Girl, ikaw na muna maglunch sige na. Ako na muna dito." sabi ni Hanna, co-receptionist ko na pang-hapon. Tiningnan ko ang relo ko, 11:15 pa lang. Tamang-tama lang para makakain at makapagfreshen up saglit.
Hindi kasi kami pwedeng mabakante dahil may mga walk-in guests na dumarating o kaya naman ay nakareserve ng tanghali sa buffet area o di kaya'y check-in ng alas dose.
Sa totoo lang, dapat talaga umagang shift lang ako at may panghapon na magfill in sakin. Ang kaso, tinrangkaso daw si Tricia kaya ako muna ang papalit. Yung kasamahan ko naman na pang-umaga rin na si ate Libby, maagang umuwi kasi dumating daw yung biyenan galing probinsya kaya kailangang makapaghanda raw ito.
Wala naman saking kaso kung ako ang mag-two shifts kasi wala namang naghihintay sa akin sa bahay. Mag-isa ko lang itinataguyod ang sarili ko. Isa pa, dagdag sahod din to kung sakali.
"Ah sige Hanna. Salamat. Bibilisan ko lang. " nginitian ko ito at kinuha ko na ang gamit ko.
PAGDATING ko sa canteen, may ilan-ilan na ding kumakain.
"O, Lira. Straight shift ka ulet?" tanong ni Ate Joy, isa sa mga serbidora at katiwala dito sa canteen.
"Opo ate."
"Aba'y pang-tatlong araw mo na ah. Di pa rin ba magaling si Tricia? Kamusta na ang batang yon?"
"Isang linggo na po ang binigay ni Sir Bobet na pahinga para naman daw maging maayos talaga ang pakiramdam."
"At ikaw pa rin ang tatao habang wala siya?" tumango ako rito. "Aba'y baka ikaw naman ang magkasakit nyan?"
"Nako ako pa po ba? Sana'y na po ako. Manhid na." tinuro ko ang puso ko. "Sakit na po ang takot sakin ngayon." pabiro kong sagot dito.
"Naku-nako kang bata ka! Nakukuha mo pang magbiro. O sya, ito dagdagan mo ang pagkain ng gulay nang mas lumakas ang resistensya mo. O ayan." sabay lagay nito ng maraming kare-kareng gulay sa isang bowl at inabot sa akin.
"Salamat ate Joy! Bait mo talaga! Kaya naiinlab sayo si kuya Manny e." tukoy ko sa isa sa mga service driver ng hotel. "Maganda na, maalaga pa. Perpek na perpek!"
"Heh! Magtigil ka nga. Napakabolera mong talaga. Alis na nga at baka maihampas ko sayo itong hawak kong sandok." tatawa-tawa akong dumiretso na sa lamesa.
Habang kumakain narinig kong naguusap ang dalawa sa mga housekeeping attendants.
"Huy beh, dadating na daw mamayang gabi yung may-ari ng hotel galing France. Dito daw mag-iistay pagkagaling ng airport."
"Kaya pala pinapalinis yung penthouse at aligaga ang mga tao dito kanina pa. Grabe! Ang sakit na ng katawan ko. Parang doble ang pagod ko ngayong araw."
"Ganun talaga beh. Ayaw masita e. Pero balita ko hunk daw yung boss natin!" kinikilig na sabi nito. "Sana ako yung mautusang maglinis ng penthouse pag andun na sya."
"Good luck sayo. Baka imbis na hunk, si da hulk pala. Takot na takot mga supervisors natin e. Nadadamay ang lahat sa pagkastress nila."
"Ah basta. Ang alam ko pogi daw. blah blah blah." di na nya pinakinggan pa ng husto dahil puro kilig lang naman ang sinasabi nito.
Andito na yung may-ari?
Ang alam kasi ng lahat ay ang pinsan lamang nito ang pinamamahala sa hotel na ito dito sa bansa dahil bukod dito, may ibang mga business pa ito sa ibang bansa na ito mismo ang namamahala. Rivera ang apelyido ng kinikilala nilang boss.
Malamang ito ang laman ng meeting nila mamaya. Pinapatawag kasi silang lahat ng receptionists at conceirge ng manager nila. Urgent meeting daw.
PAGDATING ng ala' singko ng hapon ay di nga siya nagkamaling ito ang magiging topic ng meeting nila. At dahil na rin sa maghapong trabaho ay di na siya gaanong nakapag-focus sa pakikinig. Tutal naman ay alam na nya ang sasabihin nito.
Nang matapos ang meeting makalipas ang isang oras ay agad na nagpaalam sya sa mga kasamahan at nagtime out na.
Habang naglalakad ay di nya napigilang humikab ng humikab. Muntikan pa nga syang masagasaan ng itim at tinted na sasakyan nang aktong tatawid. Mabuti na lang at nakita nya ang ilaw nito dahil kung hindi ay baka pinaglalamayan na sya ngayon.
Ang bilis bilis naman nito magpatakbo! Akalamo naman kung sino.
PAGDATING sa bahay ay agad na tinanggal nya ang kanyang sapatos at umupo sa sofa.
hayyy... nakakapagod!
*Grrrr
Napahawak sya sa kumakalam na sikmura. Oo nga pala. Nakalimutan nyang bumili sa kanto ng pagkain.
Dumiretso sya sa lamesita at kumuha ng slice bread. Nagtimpla sya ng gatas at doon isinawsaw ang tinapay.
"You should eat more. Hindi ka mabubusog sa tinapay lang."
Marahas syang umiling. Hindi na dapat nya binabalikan ang nakaraan. Maayos na sya. Kung ano man ang nangyari noon ay matagal na nyang ibinaon sa limot. Iba na sya ngayon. Masaya na sya sa kung anong meron sya.
Masaya ba ang mag-isa?
*sigh
Nilingon nya ang kabuuan ng bahay. Bungalow style ito at maliit lamang. Pagkapasok mo palang ay sala na agad at kusina. Ang pintuan ng nagiisang kwarto at ng CR ay agad mo ring makikita sa kanan. Masikip kumpara sa ibang bahay ngunit para sa kanya, sapat na ito dahil sya lang naman mag-isa. Ito ang bunga ng kanyang pagpapakapagod sa loob ng tatlong taon na nakalipas. Matapos ang lahat ng hirap at pasakit na naranasan ay ito ang maituturing nyang unang tagumpay.
Napahawak sya sa kwintas na suot at malungkot na napangiti. Ito ang kanyang nagsisilbing lakas.
Ang kanyang munting anghel.
"Miss ka na ni mama, anak." at doon muli'y tumulo ang kinikimkim na luha.
Itutuloy...
AN: Hello!!!!! Ano pong masasabi nyo sa first chapter? Please leave a comment and/or suggestion. Don't forget to vote. 😊 Thank you!