(Formerly entitled:Her ex-husband)
"Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared
"Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...
"Good morning, Love." yumapos si Jared mula sa likuran ko. Pinatay ko na ang stove at nilingon sya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Good morning din." inangkla ko ang braso sa leeg niya at ginawaran siya ng isang maikli at matunog na halik. "Kain ka na. Tapos na ko magluto." nginitian ko sya.
Tumango sya sakin at hinawakan ang tyan kong may maliit nang umbok. Going on four months na ang baby namin 😊
Lumuhod sya sa tapat ng tyan ko at kinausap ang anak namin.
"Good morning little chimp, daddy's here. Wag mo pahirapan si mommy, okay?" hinalikan nya rin ito.
Pagkatapos nun tumayo ulit sya at hinawakan ako sa kamay. Nginitian nya ako at sinabing, "Let's eat." na sya namang sinunod ko nang igiya na nya ako sa lamesa.
Sya na ang kumuha ng ulam at kanin sa rice cooker. Naihain ko na kasi ang mga plato, baso at kubyertos.
Isinandok nya ako ng kanin at ulam. "Thank you daddy." sabi ko na nakapagpangiti sa kanya.
Todo asikaso sya sa akin habang kumakain kami. Ipinaghimay nya ako ng ulam at kung hindi ko pa sya pinigilan malamang sinusubuan nya rin ako.
Gosh! Ilang months na yung nakalipas pero feeling ko nasa cloud nine parin ako. I never felt so happy and contented in my life. Tama nga yung promise ni Lord na kapag nagtiwala ka lang sa kanya, good things are coming your way dahil maganda ang plano nya para satin. Nasisira lang yun dahil minsan mas nasusunod ang sarili nating kagustuhan kesa sa will nya.
I feel so blessed to have such a loving and thoughful husband. Maingat nya akong inaalalayan at hands on sya pagdating sa check ups at prescription ni doc. Grabe ang pagkastrikto niya! Mukhang nakikita ko na pag babae ang magiging anak namin. Haha
Pagkatapos naming kumain, inilagay nya na yung mga pinagkainan namin sa lababo pero ako na ang nagprisintang maghugas. Kawawa naman si hubby ko kung pati yun iaasa ko sa kanya. "Sige na, maligo ka na. Baka malate ka pa sa trabaho. Ako na dito." sabi ko.
"Thanks love." may pahabol pa talagang kiss sa pisngi!
Pagkatapos kong maghugas, umupo na muna ako sa sofa namin at nag-inat inat ng kaunti. Kailangan daw kasi yun sabi ni doc. Hindi pa naman sya ganun kabigat dahil maliit pa naman pero yun nga, kailangang sanayin ko para di daw ako mahirapan sa panganganak. Sumandal ako at pinikit ang mata. Inaantok na naman ako.
Malapit na akong makatulog nang makaramdam ako ng halik sa labi. Binuksan ko ang mata ko at nakita ko si Jared. Nakapikit din sya at masuyo nya akong hinahalikan. Pagkaraan ng ilang sandali, tumigil kaming dalawa at nginitian nya ako.
'Hmm! Ang sarap naman ng hininga ng asawa ko. Minty! hihi'
"I love how responsive you are when I kiss you." sabi niya pa. Nagulat ako nang bigla nya akong halikan ulit pero smack lang. Nahampas ko tuloy sya na tinawanan nya lang.