18

6.6K 110 0
                                    

Flashback (5years ago)

"What're you doing?" pag-angat ko ng tingin, nakita ko si friendship. Nginitian ko sya.

"Ito ba? Nagsketch ako ng bahay namin ni Jared." sabi ko at pinagpatuloy ang pagguhit. Nasa library ako ngayon at busy sa pagpaplano ng bahay naming titirhan balang araw. hihi

Tatlong buwan na actually ang nakalipas simula nang makasal kami at hanggang ngayon, ni isa sa mga kaklase namin walang ideya tungkol doon.

Naiintindihan ko naman ang sitwasyon at kahit anong kulit sakin ni friendship, wala syang nagawa kundi tanggapin din yun. Malalaman din naman ng mga tao. Siguro after graduation?

"Patingin nga." agaw niya sa papel na dinro-drawingan ko. "Wow! May talent ka pala talaga no? Two storey lang?"

"Oo. Maliit lang ang gusto ko. Yung tama lang samin pati yung lima naming anak. hehehe"

"Lima?! What are you? A pig?"

"Ehhh... gusto ko ng malaking family. Alam mo yun, kasi mag-isa lang ako. Malay ko kung may kamag-anak pa kong buhay tapos si Jared, only child din. O pano naman magrereunion ang anak namin kung mag-isa lang din sya diba? The more the merrier!!!"

Napangiwi sya sa explanation ko.

"You and your weird thinking. Seriously? Kakakasal nyo palang, pagrereunion na ng mga anak nyo yung nasa isip mo? You haven't even produced one yet so chill."

"Ito naman. Syempre, naimagine ko na yun. Masaya kasi sa feeling na lima silang maglalaro at magdadamaynlan pagdating ng araw. Gusto kong maenjoy nila yung feeling na magkakasama silang magkakapatid. Yun kasi yung hindi ko naranasan kaya sana sila na lang."

Tiningnan lang ako ni friendship.

"By the way, I already gave him the letter. Shinoot ko sa bag nya. Seriously? Why don't you just give it to him yourself? Kailangan pa may taga-abot."

"Ihhh... ayoko pang magpakilala. Mas gusto kong maging anonymous sa kanya para naman hindi sya mailang. Atsaka, sa sulat, mas malaya kong nasasabi yung gusto ko. Hindi katulad pagpersonal, civil lang kami."

"But he's treating you fairly?"

"Oo naman. Sa tinitirhan naman namin, nag-uusap naman kami over dinner e. Masaya na rin akong makitang magana nyang kinakain yung luto ko."

"Well, that's good then."

"Oh? Anyare daw?" narinig naming sabi nung nasa kabilang table.

"Ewan nga eh. Basta nagmamadaling umuwi kanina si Jared. Baka emergency?"

Jared? Isa lang naman ang Jared sa university kaya kinabahan ako. Dinukot ko ang cellphone sa bag at sinubukang tawagan siya pero, puro ring lang. Hindi nya sinasagot.

Nagsimula akong kabahan. Bakit ayaw nyang sagutin? Tinext ko sya kung anong nangyari pero limang minuto na wala pa ring reply.

"Ah... friendship. Mauna na muna akong umuwi ha."

"Ha? Why?"

"Ano kasi... hindi nagrereply si Jared e. Puntahan ko lang muna."

"Baka naman ayos lang yun. Natatae lang kaya nagmamadaling umuwi."

"Hindi...Kinakabahan ako e. Parang iba yung kutob ko."

"Ano ka ba. Hindi yun."

"Basta friendship ikaw na muna bahala ah. Uuwi na ko. Di ako mapalagay e."

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon