7

7.8K 100 0
                                        

Flashback

Nakatulog kaming muli ni Jared matapos ang nangyari. Tanghali na nang magmulat ako ng mata. Narinig kong may nagbukas ng pinto at nagkagulatan kami ng daddy ni Jared. Agad akong napabangon kipkip ang makapal na kumot sa aking dibdib.

"Maudit bâtard!" malakas na sigaw ang dumagundong sa buong kwarto. Kasunod non ay ang malalaking hakbang nito at ang pagbagsak ni Jared sa gilid ng kama. (damn, bastard!)

Nahintakutan ako sa aking nakita.  Sinuntok nito si Jared. Agad namang sumaklolo ang mommy nito at hinila palayo ang ginoo.

Mahigpit na kinapitan ko ang kumot na tanging nakatabing sa walang saplot kong katawan.

Nagpapalit-palit ang tingin sa amin ng ginang at halata sa mukha ang pagkadismaya.

"Habille-toi!" sabi pa nito at tinalikuran kami. Sumunod naman ang ginang rito at pinapakalma ang
asawa nito. (get dressed!)

Tumayo si Jared at sinabihan akong magbihis.

"NOW!" dali-dali ko itong sinunod nang marinig ang sigaw ng daddy nya sa labas. Nanginginig ako nang lumabas. na kami.

Condo pala itong pinuntahan namin.
Ngayon ko lang napagtanto. Nakita naming nakaupo ang dalawa sa maliit na sala.

"Sit." maawtoridad na utos ng daddy nito sa amin.

"Explain this to us. What is this Bastien?" sabi nito sa kakaibang accent.

"I have nothing to explain papa. You saw it with your two eyes."

"Putain!" akmang tatayo ito at susugurin ang anak pero agad na kinapitan ito ng asawa at pinigilan.

"Adrien! Please!" malalalim na hininga ang ginawa ng ginoo at tila pinapakalma ang sarili.

Katahimikan ang namayani sa amin. Gustuhin ko mang magsalita pero para akong napipi dahil sa takot.

"Cette fille, qui est-elle?" 
(this girl, who is she?)
-ang mommy naman ni Jared ang nagsalita.

"C'est ma copine."
(she's my girlfriend)

Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila kaya mas lalo akong kinakabahan.

"You will take full responsibility for this, Bastien." sabi ng daddy ni Jared.

"As always papa." matabang na sagot ng katabi ko na mas lalong nagpausok ng ilong ng ama.

"You two will marry right this instant!" nanlaki ang mata ko sa narinig. Balak ko sanang magsalita pero napipilan ako nang marinig ang sinabi ng katabi ko.

"Of course, papa. I've intended to."
------

Hindi ako makapaniwala. Kahapon lang ay nasa birthday party ako tapos ngayon, may asawa na ako?

"You have a lot of explaining to do." bulong ng 'friendship' ko. huhu Ansama ng tingin nya sakin.

Sya ang kinuha kong witness habang ang parents naman ni Jared ang sa kanya. Nandoon din ang buong barkada nya. Sa huwes lang kami kinasal at ang judge na tinawagan ng daddy ni Jared ang nagkasal sa amin.

Matapos ang kasal ay umuwi na kaming lahat. At dahil kasal na kami ni Jared, tinulungan nya akong maghakot ng gamit ko papunta sa condo nya.

Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko mawari kung ano ang nasa isip ni Jared ngayon. Wala akong emosyong nakikita sa mukha nya.

At dahil nag-iisa ang kwarto sa condo nya, dun din nya inilagay ang mga gamit ko.

"Ah... Salamat. Ako na ang mag-aayos nito." dumiretso ako sa maletang nasa gilid ng kama. Nakita ko namang pabagsak na humiga si Jared doon.

"I'm sorry." sabi nito makalipas ang ilang sandali."I'm sorry if I dragged you into this mess."

Napatingin ako dito. Nakatingin lang ito sa kisame at parang malalim ang iniisip. Kung alam nya lang na matagal ko nang pinangarap na maging asawa sya. Na makasama sya.

*sigh

"Wala naman sakin kaso yun. Pero, okay ka lang ba?" tanong ko na lang dito. Lumingon naman ito sa akin na parang nagtatanong ang mga mata.

"I mean, yung kagabi? Pwede ko na bang matanong kung bakit ka umiyak?" dahan dahan kong sabi. Ibinalik naman nito ang tingin sa kisame at bumuntong hininga.

"Something happened." panimula nito.
"Papa wanted me to take over his company but... I don't think I can. Hin...Hindi yun yung gusto ko. I wanted to create my own story. Yung walang nagdidikta. Yung may sarili akong desisyon. And being an heir to the company means being a slave. Kapag andun na ko sa posisyon, wala naman rin akong ibang magiging desisyon doon kundi kung ano ang sinabi ni papa sa akin. Because he is the founder. And I've got to follow every word he says. Sawa na ko. Pagod na ko sa ganon. I want out. Kaya nilayasan ko sila." Malungkot ko syang tiningnan. "And then there's this girl. Althea." parang hirap itong sabihin ang pangalan na yun. "She... she was my childhood friend, my first love, and my e..ex-girlfriend. We have to part ways because she has to go with her family in France and to study college there. Naiintindihan ko naman kaya I agreed to wait for her. But then it was last night when I got the news from my dad that Althea already married another man." kumuyom ang kamao nito.

Parang nadurog ang puso ko sa narinig. May mahal na pala syang iba. Matagal na. Mas matagal pa sa pagkakakilala ko sa kanya.

Natawa ako ng pagak.

Oo nga naman. Imposibleng agad agad na mahulog ang loob nya sakin dahil saglit na panahon nya pa lang akong nakakasama. At isa pa, hindi rin ako kagandahan. Marahil nung sinabi nyang gusto nya ako, ang ibig sabihin lang nun, gusto nya ako bilang kabaro, kaibigan, kaklase ganun.

'May kaibigan bang hinahalikan sa labi? Dinadala sa kama?'

Pero iba yun. Marahil nadala lang sya nung gabing yun.

'Ikaw rin naman nadala ah'

Kasi mahal ko sya. Iba yun.

At sya...dahil malungkot sya.

"Ahm... ano...magpahinga ka na muna. Magluluto na lang ako ng hapunan."
sabi ko dito at lumabas na ng kwarto.

Itutuloy...

AN: raw/unedited
sorry for the wrong grammars and spellings. Thank you for reading!

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon