9

8.3K 128 0
                                        

Present time

Lira's POV

*cough cough

"ha...uhg..ha...ha...haa..."

Hin.... hindi...ako...maka...hi..nga..ugh..

*gasp

*cough cough

*toktok
"Ate?"

'Tulong!'

*toktok
"Ate Lira!"

*door opens
"Ate pumasok na ko ah."

'Dito sa kwarto!!!'

"At-
Ateeeee!!!!
Jusko! Ano nangyayari sayo?!
Sandali!
Teka teka!
Jusko natataranta ako!
A...Asan ba yung inhaler mo?!!!"

tinuro ko yung drawer ko sa kanya.

'naghihina na ko.'
*black out
---------

"Over fatigue and stress. Just, why are you so worked up?" pagmulat ko nang mata , yan agad ang narinig ko.

Nagpalinga-linga ako at doon ko narealize na nasa ospital pala ako.

Paglingon ko sa may sofa ay namataan ko ang isang lalaking masama ang tingin sa akin.

"Nawala lang ako ng isang bwan. One month, Lira." madiin pang sabi nito. "Tapos ito ang madadatnan ko? Just..." bumuntong hininga ito, pumikit at hinilot ang noo sa pagitan ng mga kilay nito.

"Ah. hehe. Hi kuya! Namiss kita. Kelan ka pa nakabalik?" ngiting aso na sabi ko dito.

Patuloy pa rin ito sa ginagawa at hindi ako tiningnan. "Kahapon. I was at the mansion when Sydney called. Panicking"

"Ah... Kamusta ang Australia?"

"It's fine. The same Australia there is. Mama says she wanted you to visit her. She misses you a lot." tumingin na ito ng diretso sa akin. "Stop changing the topic here." napangiwi ako sa sinabi nya. Guilty.

"Anong nangyari sayo? Have you been working non-stop? And what's with your eyes? Bakit namamaga yan? Have you been crying? Do you want me to call your boss?"

"Ay ay! Wag kuya! Nakuuu! Hindi ganun." pigil ko agad dito. Nahila pa nga yung swero ko dahil balak ko pa syang abutin. 'Aray! huhuhu'

"Then tell me. Bakit ka ba nagkakaganyan?" sinuri ko yung mukha nya. Mukha ngang seryoso sya. Nawala yung sigla sa mukha ko.

"Bumalik sya." halos bulong kong sabi. Napakunot ang noo nya. "Andito sya kuya. Sya yung may-ari ng hotel na pinapasukan ko."

Matagal na katahimikan ang namagitan samin. Walang nagsasalita.

"So, the reason you're like that is because... of him?" mahina akong napatango. "You're still not over him, yet?"

"Akala ko. Akala ko kaya ko na. Akala ko nakalimot na ko kuya. Ano ba naman yung limang taon, diba?" tumawa pa ko ng pagak. Unti unting nag-uunahan muli ang mga luha.

"Ilang beses kong sinabi sa sarili ko. Pilit kong pinapatatag yung puso ko na hindi. Hindi na ko iiyak sa kanya. Hindi na ko magpapaapekto pero... pero isang tingin ko lang sa mga mata nya, parang malakas na bagyong bumabalik sakin lahat. Magkaparehas sila ng mata kuya. Yung mga matang yun... kahit kailan yata hinding hindi ko kayang kalimutan." natakpan ko ang mukha ng dalawang kamay. "Sorry kuya."

Agad nya akong niyakap. "Shhh..."

Ilang sandali kaming nasa ganung estado nang makarinig kami ng katok sa pinto.

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon