19

6.3K 110 4
                                        

Flashback

Lira's POV

Tanghali na nung pumasok ako. Hinintay ko kasi kung dadating si Jared pero malelate na ko sa pang alas onse kong subject, wala pa rin. Kaya ayun, agaw pansin tuloy kay prof. na late ako. Humingi naman ako ng dispensa. Nang makaupo ako, napalingon ako sa gawi ng magbabarkada at nakita ko si Jared.

Malungkot akong napatungo.

'Pumasok na pala sya.'

Pagkatapos ng klase, naiwan ako sa classroom. Nang paalis na ako, nagulat ako dahil nandoon pa pala si Nicholas. Nakasandal sya sa hamba ng pintuan habang nakapamulsa at bored na pinagmamasdan ako.

Nahihiyang tumungo lang ako at akmang lalagpasan ko sya nang hawakan nya ako sa balikat.

Napatingin ako sa kanya dahil dun.
"Come with me." sabi nya. At nagpatiuna na habang nakapamlusa pa rin. Mejo ilag ako sa taong to kasi hindi gaanong naglalabas ng emosyon e. Nakakatakot. Buti na nga lang minsan ko lang sya maging kaklase sa mga subjects.

Napadpad kami sa rooftop ng school.

Bored nya akong nilingon kaya napahinto ako sa pagsunod sa kanya.

"Ah... ano..." napahaplos ako sa braso ko kasi hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Sobrang nakakaintimidate ang lalaking to.

"So tell me, what are you gonna do now? What are you up to?"

"Ha?"

Bored itong sumadal sa railings.

"Althea. What are you gonna do about her?"

"A-ano... Wala. Wala naman akong magagawa kung nasa bansa sya diba?"

"She'll be staying at the mansion. Beaumont's actually. Wala lang yun sayo?"

'Dun sya titira?'

"Hi-hindi ko alam na dun sya titira."

"She's divorced and Jared's parents were starting to love her child."

"A-ano kasi..."

"She's Jared's first love."

"uhm.."

"She's pretty. She's rich. And she's sexy despite being a mom."

"Teka nga. teka nga. Kanina mo pa ko pinuputol sa sasabihin ko e. Ano bang gusto mong palabasin ha? Na panget ako? Na mahirap ako? Alam ko na yun di mo na kailangang ipamukha sa akin. Atsaka kung tungkol naman sa naudlot na pag-iibigan ng dalawa, wala akong magagawa dun. E sa naudlot e. Magagawa ko e past na yun. Pero, ako ang asawa ngayon. Ako ang legal. Bakit naman ako matatakot ha?"
pinatapang ko ang itsura ko.

Bored nya akong tinningnan.

"Seriously? I don't think that's what I saw a while ago. What are you going to do kung magkakabalikan yung dalawa? Despite being his wife in papers, ano pa bang laban mo?"

Napatungo ako. Lalong gumulo ang kanina nang magulong isipan ko.

'Tama sya. Wala naman akong laban e. Maimpluwensya ang pamilya nila. Ano pa bang magagawa ko kung paghiwalayin kami diba?'

"Ma-mahal ko sya." mahinang sambit ko.

Nagulat ako nang malakas na nahampas ni Nicholas ang pader malapit sa ulo ko. Nakalapit na pala sya sakin ng hindi ko namamalayan. At ngayon nga, napapagitnaan nila ako ng pader. Nanlalaki ang matang nakatingin ako sa kanya.

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon