21b

6.9K 103 4
                                        

Flashback

Lira's POV

Kinabukasan, dumiretso ako sa opisina ng mommy ni Jared.

"O Lira!" bumungad mula sa pinto ang mommy ni Jared. "What brings you here?" sabi nito na hindi naman ngumiti. Casual lang.

Umupo na ito sa desk at inayos ang ilang gamit nya.

"Uhmm... Ma'am." tumingin sya sakin na parang naghihintay nang sasabihin ko. "Hindi na ho ako magpapaliguy-ligoy pa. Alam kong alam nyo na ho ang nangyari kahapon." tumango-tango ito. "At obvious naman po na hindi maganda ang kinalabasan ng pag-uusap namin ng anak nyo. Kaya po pumapayag na ko sa gusto nyo."

Napakunot ang noo niya sakin.

"Pumapayag na po ako sa annulment. Kakapalan ko na ho ang mukha ko. Sa pagkakaalala ko po kasi nun, sabi nyo sakin na kayo na ang bahala once na magsabi ako hindi po ba? Kaya po heto ako ngayon. Pinapalaya ko na po ang anak nyo. Pumapayag na po akong hiwalayan sya."

Sandaling natigilan ang ginang. Pero nang makahuma sa pagkabigla ay ngumiti ito.

"T-Thank you. Thank you for being considerate. Sige ako na ang bahala sa papeles."

"Salamat po." sabi ko na lang. "Kung maaari rin po, kayo na lang rin ang magsabi sa anak nyo."

"Uh..sure. Ako na ang bahala."

"Sige po." akmang aalis na ako nang may maalala pa. "Ah, ito pa po pala." Tinanggal ko ang suot na singsing. "Binabalik ko na po."

"Okay, salamat."

Pagkatapos nun ay umalis na ako.
------

Sa loob ng tatlong araw matapos ang pagpunta sa nanay ni Jared, naisipan kong maghanap ng trabaho. Dahil sa apartment na tinitirhan ko, mejo mahal ang upa. Pero ang kagandahan dun, tahimik at maespasyo. Kahit pa ako lang mag-isa, nasanay na yata ako nun sa condo ni Jared.

Habang naglalakad pauwi, bigla akong nagutom. Napadaan ako sa nagtitinda ng mangga at bagoong.

'Hmmm... Parang ang sarap.'

Lumapit ako doon kay manong at bumili. Ewan ko ba. Kahit na nakakain na ako ng isang buo, parang naglalaway pa kong makatikim pa ng isa pa. Hanggang sa di ko namalayan na nakalima ako.

'Hmm... ang sarap!'

Pagkatapos kong kumain ng mangga, umuwi na ako. Dahil sa pagkapagal, di ko namalayang nakatulog ako.

Nagising akong madilim na ang paligid. Tiningnan ko ang oras at nagulat ako dahil ang tagal ng tulog ko. Pitong oras?!

Biglang kumalam ang sikmura ko. Ang kaso, natatakot na kong lumabas kaya tumawag ako kay friendship.

"O?" bungad nya. Nakoooo! Natutulog na pala sya!

"Uhmm... friendship, tulog ka na?"

"I was. Until you called. Ano yun?"

"Ah. hehe... friendship, pwede humingi ng favor? Ano kasi, natatakam ako sa sinigang. Pwede mo ba akong dalhan?"

"Gabi na. Bukas ka na lang kumain." sabi nito sa inaantok na boses.

"Pero... pero kasi... hindi pa ko kumakain ng hapunan e.." nakagat ko ang kuko sa hinlalaki.

"Fine." sabi nito. Narining kong bumangon na sya. 'Yes!'

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon