AN: Hi readers! Mejo fastforward ko na ah. Alam kong naiinip na kayo. Ako rin kasi. hehe
Flashback
Lira's POV
Kasalukuyan akong naghihintay sa opisina ng mommy ni Jared.
Napakaraming nangyari matapos dun sa ospital. At sa isang linggo pang tila parang ipinaparamdam sa akin na isang malaking pagkakamali nga lang ang kasalang ito, nandito ako ngayon at makikipag-usap na. Hindi para makipagkasundo na tanggapin nila ako o ipaglaban pa ang karapatan ko kundi para tapusin na ang lahat ng to.
Oo, tama kayo ng naiisip. Pumapayag na ko sa gusto ng mommy ni Jared. Pumapayag na ko sa annulment.
Siguro iniisip nyo na ang bilis kong sumuko. Na ang babaw ng pagmamahal ko kasi hindi ko kayang ipaglaban. Pero, pano ako lalaban kung sa una pa lang alam ko nang hindi naman ako kasali hindi ba? Mas malala pa sa talo, saling ketket lang kumbaga. Pampagulo lang sa storya.
Isa ito sa mga malalang nangyari:
Nung minsang inatake ng highblood ang daddy ni Jared, sinugod sya sa ospital. Kakalabas palang nun sa ospital ng baby ni Thea pero ayun, may kasunod naman. Nataranta ang lahat nung araw na yun. At ako, nabalitaan ko lang sa kasambahay nila nung saktong pumunta ako sa mansyon para malamnan kung bakit di pumasok si Jared. Yun na pala yun.
Agad akong pumunta nun sa ospital at nadatnan kong nag-iisa si Thea. Nag-aarrange nga mga bulaklak sa vase habang natutulog ang daddy ni Jared.
"Hi!" bati ko. Ngumiti lang sya.
"Uhmm... sila Jared?" tanong ko sa kanya.
"They went out." sabi lang nito. Tumango ako.
"Kamusta na si tito?"
"He's fine now. Stable na ang lagay nya."
Ganun lang ang usapan namin. Isang tanong isang sagot. Paulit-ulit. Kamusta ang ganito kamusta ang ganyan. Hanggang sa mabining katahimikan ang namayani sa amin.
"Uhm.. Lira." panimula niya.
"Hmm?"
"I know you started off not so good... I mean your relationship with Red...uhmm... well, tita told me. Uhmm... well... I don't how to put this into words...but I know that you are aware of our relationship before right? Me and Red?" tumango lang ako. "Uhmm... you see, this is so unlike me but, I still love him and I think he feels the same way and-"
"Pwede bang diretsahin mo na?"
Hindi ako nagtataray ha. Andami lang kasing pasakalye nakakairita. Oo gets ko na. Pero yung paliku-liko pa yung usapan, nakakairita lalo.
"Ah.. huh?"
"Diretsuhin mo na lang ako. Stop beating around the bush. What do you really want to say?"
Huminga sya ng malalim.
"Okay. Fine. Hiwalayan mo na si Jared." matapang niyang sabi.
Kita nyo na? Nagtatagalog naman pala tong bruhang to pa-ingles ingles pa. Mas makakapagsalita naman pala ng diretso pagtagalog dami pang ek-ek.
"At bakit ko gagawin yun?"
"Because mahal namin ang isa't isa. And you, hindi ka naman nya mahal. I can feel it. Ako pa rin ang mahal nya."
'Kailangan ipagduldulan? Taas rin ng confidence natin gurlash ha?!'
"And besides, I bet you don't even love him. Baka nga, you're just after his inheritance."
BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Random(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...