Lira's POV
"Bakit nandito tayo?" tanong ko pagkababa ng sasakyan. Nasa isang mataas na lugar kami kung saan kita ang ilaw ng siyudad. Madilim ang lugar. Tanging ang ilaw lang ng sasakyan ang ginagamit namin para makaaninag sa tinatapakan namin.
"Wala lang. I just thought you wanted some fresh air after the stressful event a while ago." sumand kami parehas sa hood ng sasakyan.
"Hmm.." tumango-tango lang ako.
Walang nagsalita sa amin pagkatapos nun. Parehas lang kaming nakatingin sa mga matitingkad na kulay ng ilaw;
sinasamantala yung magandang tanawin at sinasamyo ang may kalamigan pero malinis na hangin.Napayakap ako sa sarili. Mejo manipis ang suot ko at maiksi kaya ramdam ko yung hamog. Napansin siguro ni Jared yun kaya agad nyang tinanggal ang suot na blazer at ipinatong sa balikat ko.
"Salamat."
"Next time, don't wear anything like that. Masyadong maigsi. Takaw tingin.I might end up in jail because of that." mahina at hindi malinaw ang pagkakasabi nya kaya napakunot ang noo ko.
"Ano yun?"
"Wala. Wag ka nang magsuot ng ng maigsi. Kita mo ngayon, giniginaw ka."
"Oo nga e. Balak ko sanang papalitan kay Anna pero nahiya na ako. Tuwang-tuwa na kasi sya nung makita nya na ito yung suot ko."
"Still selfless, huh?" ngumiti ito.
Ngumiti rin lang ako at ibinalik ang tingin sa syudad. Naramdaman kong may kinuha sya sa compartment ng sasakyan.
Pagbalik nya inabutan nya ako ng isang lata ng light beer. "Sorry. That's all I have in the car."
"Salamat. Bat may ganito ka?" binuksan ko na ang hawak at sumimsim.
'Ahhhh~ Sarap!'
"I usually go here for the past few nights and drink one to three cans, I guess? I just wanted to breathe and relax my mind for a bit."
"Hmm. Masyado kasing stressful ang trabaho mo. Kaliwa't kanan ang aasikasuhin. Kahit nasa malayo, maya't maya ang tawag sa cellphone. Tama lang naman na magpahinga kahit saglit." ulit, nagngitian lang kaming dalawa.
"Nga pala." sabi ko ulit. "Anong balak mo dun sa clutch bag na binili mo? Ang mahal nun ah. Sa mall nasa limang libo lang ata ang pinakamahal nyan."
"Keep it."
"Ha? Hala. Bat ako ang magtatago? Pwede bang ikaw na lang? Madukot pa yan sakin, ako pa singilin mo."
"Nah. I want you to have it. Its yours. Keep it."
"Pero-"
"Just keep it. Binili ko yun para sayo. Besides the money was donated to the charity so just think of it as a remembrance of attending an auction. Wag mong intindihin yung presyo."
"ah..s-sige..salamat." nahihiya kong sabi.
"Hmm... come to think of it, I don't think a simple thank you is enough."
"Ha?"
Mas lalo syang lumapit sakin. "Which reminds me. Ano nga ulit yung sabi mo kanina? Pagnakilala mo kung sino yung may pakana ng auction, ano nga ulit yun? Anong gagawin mo?" may mapaglarong ngiti sa mga labi niya.
Naging malikot naman ang mata ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. "E-ewan ko. Hindi ko na maalala."
"Ows?" mas lalo sya lumapit sa pwesto ko. Napaatras tuloy ako.
"O-oo. Hindi ko na maalala. Haha. Kanina pa yun eh. Alam mo yun. Haha nakalimutan ko na. Hindi naman kasi mahalaga. Haha."
'Shet and awkward.'
BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
De Todo(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...