(Formerly entitled:Her ex-husband)
"Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared
"Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...
Suot ang pajama habang yakap ang paboritong stuff toy at pinapapak ang popcorn at chips sa center table, nagpapalipat-lipat ako ng channel sa telebisyon. Day-off ko ngayon pati bukas kaya sinusulit ko ang pagrerelax. Kakatapos ko lang maglunch at heto ako ngayon ginagawang pantanggal umay ang chichirya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nahinto ako sa isang noontime show kung saan live na nag-aasaran ang mga host at aliw na aliw na pagtripan ang isa't isa. Ilang sandali pa'y napunta ang usapan sa ex at ang pakikipagkaibigan rito.
"Bakit? Okay lang naman na makipagkaibigan sa ex ah. It only means you're okay with each other." sabi ng isa.
"Friends? Iba ang friends sa acquaintance na okay kayo sa isa't isa ah. Kasi ang true essence ng friendship, matatakbuhan kapag may problema. Bakit ikaw? Kapag may problema ka ba, sa ex mo ka tatakbo? Hatinggabi tatawagan mo?" banat ng isa.
"H-hindi."
"See? Kasi nga blah blah blah" di ko na gaanong naintindihan pa ang sinabi nito kasi may sumagi sa isip ko.
Yung ex ko.
Apat na araw na pala ang lumipas buhat nung huli kaming nagkausap. Hindi ko na sya nakita pa pagkatapos nun. Siguro nga yun lang ang gusto nyang sabihin. Kasi kahit saang angulo ko man tignan, alam kong wala naman na din kaming dapat pang pag-usapan.
Natawa ako ng pagak.
Oo nga naman, ano pa nga ba ang habol nya sakin hindi ba? Ako na isang mahirap, hindi kagandahan at walang itinira sa sarili? Wala na. Kahit noon pa naman wala na akong halaga sa kanya, ngayon pa kaya?
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Naiinis na naman kasi ako. Sa nangyari, sa nakaraan namin, at sa katangahan ko.
Malinaw na ang lahat noon pa. Ako lang naman tong ipinilit ang sarili sa kanya hindi ba?
Sa inis ko, pinindot ko ng madiin yung channel button kaya nagpalipat lipat yun sa iba't ibang istasyon. Pagtigil ko ay sya namang bumungad sakin ang isang korean drama kung saan ang bidang babae ay nagtatago sa likod ng locker.
Napakunot ang noo ko. Napakapamilyar sa akin ng ganitong scenario.
Maya-maya pa'y lumabas ito sa pinagtataguan at nakatungong inabot sa lalaki ang isang sulat. Pero imbis na tanggapin, nilagpasan lang ng lalaki ang bida.
Umuusok ang ilong na pinatay ko ang TV. Sa dinami-rami ng palabas sa buong mundo, bakit ba naitataon na lahat ng mapapanood ko ngayong araw ay puro nagpapaalala sakin ng nakaraan?!
"Arghhhh!" frustrated akong tumayo at mabibigat ang paang tinungo ang kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay agad na inihagis ko ang sarili sa kamaat doon nagpapapadyakng paa at nakasubsob ang mukhang pinaghahampas ang kama.
"Bwisit! Bwisit! Bwisit!"
FLASHBACK
Martes na naman. Araw ng practice ng crush ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagkagusto ng ganito sa isang lalaki. Ibang-iba sa mga naging crush ko noong highschool.