FLASHBACK
Lira's POV
Nang umagang yun, nagising ako na wala na si Jared sa tabi ko. Malungkot na bumangon ako at gumayak na para pumasok.
Sa school, matapos ang first subject, wala sa sariling naglalakad ako sa hallway. Lutang, malungkot, nasasaktan, ewan ko, hindi ko maintindihan. Halo-halong emosyon na nararamdaman.
Nagulat ako nang may biglang may pumukpok sa ulo ko.
"Aray!" masama kong nilingon kung sino yun. At obvious pa ba? Syempre ang unggoy kong bestfriend na naman.
"Tulala ka ah. I was trying to get your attention kanina pa pero di mo ako pinapansin. Anyare?"Di ko sya pinansin at dumiretso sa library.
"Hey hey!" hinawakan nya ko sa braso. "What? Di ka kakain?"
"Wala akong gana." matabang kong sagot.
Alam nyo yung gustong mapag-isa? Yun yung nararamdaman ko ngayon. At yung pangungulit ng bestfriend ko, wala sa timing.
"Lira, what's happening? Ililibre kita if you don't have money."
"Friendship, wala ako sa mood. Next time ka na mangulit."
Mabuti na lang at nanahimik sya pero hindi pa rin ako nilulubayan.
Inabala ko na lang ang sarili kong magbasa. Pero yun lang, hindi ko rin maintindihan kasi kung ano-ano ang naiisip ko. Naisubsob ko ang mukha sa libro.
Nakarinig ako ng tawa. Di ko na tiningnan alam ko namang pinagtatawanan lang ako ni friendship.
"Para kang shunga." sabi niya at ginulogulo ang buhok ko.
Tumunghay ako sa kanya nang nakasimangot. Nakangiti naman nyang pinisil ang ilong ko.
"So, ano? Tara? Ililibre kita. San mo gusto?"
"Sa mahal."
"Sure. San don?"
"Sa buffet." nakasimangot pero dine-dare kong sabi sa kanya.
"O? Yun lang pala e. Tara?"
"Maniwala sayo. Tigilan mo nga ako."
"Oo nga. Ano game?"
"Tsk. Sabi mo yan ah. Walang bawian ah."
"Oo nga. Tara tara." hinila nya ako sa kamay at giniya sa palabas ng school.
Nagtricycle kami sa pinakamalapit na mall at dinala nya ako sa buffet restaurant doon. Di nga sya nagsinungaling dahil agad nya akong hinila para kumuha ng pagkain.
Pagkakain, hinila nya ako sa arcade. Dahil bagong kain, nagphotobooth lang kami at nagvideoke.
Namisss na nga namin yung tig-isang subject namin e. Nakakapanghinayang oo, kasi di namin namalayan yung oras, pero may part sa akin na para bang okay lang. Minsan lang naman kasi, atsaka nakakagaan sa pakiramdam. Hindi talaga pumapalya tong bestfriend ko.
Minsan nga naiisip ko, bakit di na lang sya? Kasi, kung sya ang mamahalin ko baka maging masaya pa ko. Pero kung ganun din lang, parang wala e. Hindi ko kaya. May parte sakin na hanggang sa matalik na kaibigan lang. Kapatid ganun. Platonic kumbaga.
"Ano? Balik na tayo sa school?" tanong nya sakin.
Tumango na lang ako at ngumit ng tipid. "Salamat friendship ah."

BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Random(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...