Flashback
"Kaya ayun..."
Andito kami ngayon sa library ni Sean. Kinwento ko sa kanya yung mga nangyari pagkatapos naming maghiwalay nun sa party ni Jared. Pero syempre di ko na inilaborate yung ano... alam nyo na.
Ang kaso, tatlong minuto na yata, hindi pa rin nagsasalita tong friendship ko. Huhu. Galit ba sya? Poker face lang e.
"Uh, friendship..." sabi ko ulit.
"Kamusta ka naman?"
"Ha?"
"Masaya ka ba?" I was taken aback by what he said. Charot! Nagulat ako sa sinabi nya. Ineexpect ko na sisigawan nya ko. Sasabihin nya na utak ipis ako kasi hindi ako nag-iisip bago ko ginawa yun. Pero ngayon... hindi ko mabasa kung anong nasa isip nya.
"Ah.. ano... syempre naman! Si Jared yun e. Atsaka, okay naman kami. Civil din naman ako sa family nya."
"I see." Tumango-tango sya. "Then, how about your relationship with him? Hindi ko pa kayo nakikita together. I mean, you weren't approaching each other. Does that mean, you're just civil with each other as well?"
Napatungo ako sa tanong nya.
"Hindi naman sa ganun. Nag-uusap naman kami sa classroom. Ang totoo kasi nyan, wala pa kaming balak na ipaalam sa iba. Hm, ano kasi e... diba, masyadong nakakagulat yun kung sa isang iglap malalaman nilang kasal na kami? Pagkagraduate na siguro namin."
"Then tell people na kayo na. Put a label on your relationship atleast."
"A-ano kasi... pagtumagal-tagal siguro. Hindi naman ako nagmamadali e. Tutal, kasal na kami, okay na sakin kung anong meron kami ngayon."
Umirap ito. Tila hindi natuwa sa sagot ko. "You're the woman here. Use your rights as a wife. Men are dickheads Lira. They'd sleep around if they want to. Especially if he's free to do whatever he wants."
•́︿•̀
"Alam ko naman yun. Pero hindi ko sya pwedeng basta na lang hawakan sa leeg dahil lang sa kasal kami. Alam mo naman ang sitwasyon namin diba? Hindi normal ang naging simula namin."
Malakas na bumuntong hininga ito. Frustrated. Yan ang nakikita ko sa mukha nya.
"Huhu. Sorry friendship. Gets naman kita e. Ano lang, siguro hindi pa ngayon."
Muli katahimikan ang namagitan samin.
"Take me to your house."
"Huh?"
"Mamaya, if you're truly sorry, cook me something for dinner."
Napangiti ako dito. Hmm. ang bestfriend ko talaga! Di na lang sabihin na gustong makita yung tinitirhan namin. Sinundot sundot ko sya sa tagiliran.
"Uyyy, si friendship nag-aalala sakin."
sinamaan ako nito ng tingin."I'm not. You just owe me a lot that's why." galit-galitan nito. Sus! Eh ba't sya namumula?
"Kunwari ka pa e! Gusto mo lang makita yung tinitirhan ko kung maayos lang ako no?" patuloy pa rin ako sa ginagawa.
"Stop that."
"Yiieeee" at dahil di pa rin ako tumigil, ayun napikon. Gumati sakin ng kiliti.
"Ay!" gulat kong sabi.
*Dug!
Pareho kaming napatingin ni friendship sa unahan namin.
"Sorry. Ang bigat kasi." sabi ni Jared.
bumagsak kasi yung malaking libro ng physics sa table."Tss." si Sean.
Nginitian ko si Jared. "Okay lang."
Hindi nya ko pinansin. Sa halip, nagsimula syang magbasa.Bigla namang hinawakan ni Sean ang kamay ko. "What's this? You have cuts?" tukoy nito sa sugat ko sa kamay.
"Ah, ano namali ako ng hawak sa lata kagabi nung nagbukas ako ng lata ng mushroom. Hehe"
"I see. Since sa inyo naman ako magdidinner mamayang gabi, would you mind to cook mushroom soup for me? I've been craving for some."
"Sure! Diba gusto mo din ng fried galunggong? Gagawan din kita."
"Thanks. But please be more careful, baka masugatan ka ulit. Pangit na nga yung kamay mo, lalagyan mo pa ng peklat." hinampas ko ito.
"Kainis to. Okay naman yung kamay ko ah."
"As if. It looks like paa ng manok."
"Nakakainis ka. Akin na nga yang kamay ko. Makapanlait to."
"Hahaha. I'm joking. I'm joking."
sabi nito at kinuha ulit ang kamay ko."Puno ka ba?" banat pa nito.
"Ha? Bakit?"
"Mukha kasing ugat yang kamay mo e." tatawa-tawang sabi nito.
Grrrrr!!! Sa gigil ko sinabunutan ko ito.
"Ouch! Hey! Hahahaha. Stop!"
*dug!
Natigil na naman kami ni Sean sa ginagawa nang biglang isara ng malakas ni Jared yung libro nya.
"Can't you tone down your voice?" sabi nito. Naibaba ko yung kamay ko at umayos kami ng upo ni Sean.
"Sorry." sabi ko at tumungo.
"Tss." sabi ni Sean.
Nagulat na lang ako nang hablutin ni Jared ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. "Let's go. Dadating na si prof. Agno."
"Ah... Sige friendship. Mamaya na lang" paalam ko kay Sean habang hila-hila ako ni Jared.
Nang makarating kami sa hallway, sinubukan kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
"Ah, Jared sandali." sabi ko. At tinanggal naman nya sa wakas. Nagsimula na ulit kaming maglakad pero mejo mabagal na lang. Sinasabayan ko lang sya.
"Where's your ring?"
"Huh?"
"Asan yung singsing mo?"
"Ah... andito." pinakita ko yung kwintas na suot ko. Ginawa kong pendant kagabi. Gustuhin ko mang isuot pero alam kong hindi pwede.
"Wear that in your finger."
"Huh? Pero..."
"What? Kaya nga yan singsing diba? Bakit ginawa mong kwintas?"
"Eh kasi..."
"Wear it." tumigil ito sa paglalakad kaya napatigil din ako.
"Huh?"
"Tsk." pinatalikod ako nito at ito na ang nagtanggal ng kwintas ko. Kinuha nito yung singsing at isinuot sa palasingsingan ko.
"There. Don't ever remove that. Let's go." muli, kinuha nito yung kamay ko. Doon ko napansin na suot nya din pala yung singsing nya.
Nagsimula na ulit kaming maglakad. Pero this time, mabagal na lang.
'Ihhh! Ano ba Jared. Kinikilig ako!'
'Bagalan pa natin please! Para naman maenjoy ko nang husto. Hihi'
'syet ang landi ko!'
Itutuloy...
AN: unedited.
Huhu guys! From #923 to #730 na po ang ranking nito sa Random. Masyadong malayo pong mga numero at hindi naman sya top rank, pero kahit ganun napakalaking bagay na po nito sa akin. Maraming salamat po sa pagbabasa. God bless♥♥♥

BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Casuale(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...