Lira's POV
"Saan ho ba talaga tayo pupunta, 'SIR'?" tanong ko. Kanina pa ko nangangalay dala dala ko pero mukhang wala atang direksyon ang patutunguhan namin.
Ang kasama ko, walang iba kundi si Ano. Basta... Sya. Gets nyo na yun alam ko. tsk. Nakakainis banggitin ang pangalan nya. Nakakapanting ng tenga.
Paano naman kasi ipinatawag ako kanina ni sir Bobet at sinabihan na ako daw yung mag-aassist sa lalaking to. Dahil balak raw nitong ireview ang sales at revenue for the past 2 months.
Yun lang, hindi naman ako nainform na kargador pala ang hanap ng isang to. Lalaki na lang sana ang ipinatawag.'2 months? Eh pati nung last 3 years pinahakot sakin!'
Ang itsura ko, dalawang kahon ng files ang bitbit-bitbit ko. At ang lalaking kasama ko, tanging cellphone ang hawak. Argh. Napakagentleman!
"We'll get there don't worry. Malapit na."
'Malapit na. Malapit na. Kanina pa yung malapit na! Kung tinutunlungan mo kaya ako?! Argh...Nakakaasar. Kung pwede lang ihagis to sa kanya kanina ko pa ginawa.'
"Ah. We're here."
'Hay, salamat naman.'
Paglapag ko ng mga gamit sa table. Doon ko lang narealize na nasa Hall C3 kami.
"Seriously? C3?!" hindi ko napigilang sabihin. Tiningnan naman ako nito na parang sinasabi na, "Oo C3 to. Bakit?"
Napasuklay ako ng buhok gamit ang daliri. "Eh nasa taas lang to ng opisina ni sir Bobet e."
"Really? I must've chosen the wrong path. My bad."
"Sana naman sinabi mo. Para naman ako na mismo ang nagdala sayo dito at nang hindi na nasayang ang oras natin." at di na rin ako napagod. Gusto ko sanang idagdag.
"Okay. Okay. I'm sorry. I just thought I picked the right directions."
"May-ari ka ng hotel na to tapos hindi mo alam kung saan ka pupunta?"
Nagseryoso ang mukha nito.
"Look here Ms. Santos. I already said I'm sorry. Ilang taon akong hindi nakapunta dito at sa dami ng hotel na napuntahan ko sa tingin mo hindi ako maliligaw?"
Huminga ako ng malalim para mawala ang inis ko. Andito na naman na. Wala na kong magagawa.
"So, let's start?" sabi nito at nagsimula nang buksan ang mga papeles at basahin ang mga ito. Ako naman, umupo sa tapat nya at maayos na inilalapag sa harap nya ang mga papeles na kakailanganin nya. Paminsan minsan, may hinahanap sya at yon ang iniaabot ko sa kanya. pagmay tanong sya sinasagot ko. Tutal naman bukod sa pagiging receptionist ay ako na rin naman ang nagrereport kay sir Bobet kaya gamay ko na to.
Inabot kami ng isang oras. Nirereview nya kasi ng husto. Napakamabusisi masyado. Napatitig ako sa kanya. Seryoso syang nagbabasa at tila ba wala ako dito. Ganito pala sya kadedicated sa negosyo no? Mukhang nakabuti rin sa kanya ang paghihiwalay namin. Natawa ako ng pagak. Bakit ba iniisip ko pa yun?
"Ms. Santos, can you hand me over the yearly sales record? I just want to compare." sabi nito ng hindi nakatingin sa akin. Agad ko namang ibinigay iyon sa kanya.
"Ms. Santos, would you mind bringing us some coffee? I think I need that."
"Okay sir."
Ilang sandali ay bitbit ko na pabalik ang kape namin. Nadatnan ko syang may kausap sa telepono. Napansin nya ako at iminuwestra na ilapag ko na lang sa harap nya ang tasa.
"Yes, Mr. Aquino. Don't worry makakarating ako. Yes. Thank you."
Pagkababa nya ng aparato ay agad na sumimsim ito ng kape. Pagkatapos ay diretsong tumingin sa akin.
"Say, Ms. Santos. Are you free this weekend?"
"Huh?"
"Bakante ba ang sabado't linggo mo?"
'Bat naman tinatanong ng lalaking to?'
"Ah. Yes sir. Sa bahay lang naman po ako."
"Great! Then, if you don't mind gusto ko sanang samahan mo akong imeet ang investor sa Davao. I really need someone to accompany me there."
"Ah, bakit ho ako? I mean hindi ho ba pwedeng iba na lang."
"Ikaw ang nandito sa why bother ask someone else?"
"Pero sir..."
"Ms. Santos, this meeting is important. At isa pa, if you're thinking na dapat si Nathan ang sumama sa kin, then bakit pa ako nandito kung pwedeng sya na lang din ang umattend hindi ba? He's busy with his life. Ako muna ang magmamanage while he's away. After all, I am still the owner at mukhang okay naman tong mga naiwan nya. Maayos. Walang gusot."
"With all due respect sir, I still don't think that this is a part of my job." mejo naiinis na sabi ko.
'Kami? Magsasama sa Davao ng dalawang araw?! Hah! No way!'
"Why not?" sabi nito. "Ikaw ang inatasang mag-assist sa akin hindi ba?"
"Pero hindi nyo po ako secretary o PA. Receptionist po ako."
"Yun lang ba? Then fine. I'll make you my secreatry if that bothers you a lot."
"Pero sir!"
"What? Masama ba yun? I offered you a promotion. Masuwerte ka nga at ikaw ang nagkataong nandito kaya ikaw ang napromote."
"But sir, wala ho ba kayong secretary?"
"Dito sa Pilipinas? Wala. Hindi kita aalukin kung meron, Ms. Santos."
'gaga! Oo nga naman.'
"So, ano? Would you take the offer?"
Huminga ako ng malalim.
"I don't have all the time in this world Ms. Santos. So ano? Is it a yes?"
'Psh. Kahit naman tumanggi ako gigipitin mo lang ako.'
"Okay na sige SIR. Pumapayag na ho ako."
"Good. Now its settled then" ngiting tagumpay ang wala. Kainis!
-------Jared's POV
Great! She fell for it. Though alam kong napilitan lang sya. But still, mukhang unti unti nang umaayon ang lahat sa plano ko.
'Now now my sweet naive wife. You really don't have a clue of what's going on, do you? Nagsisimula pa lang ako. Soon, makikita mo kung pano ko ariin ang akin. At sinasabi ko sayo, I am very possessive with what's mine. No other guys are allowed to touch even a single strand of your hair. Just so you wait wife. Just so you wait."
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Random(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...