FLASHBACK
Lira's POV
Walang tiyak na patutunguhan na naglalakad ako sa madilim na kalye na ito.
Hindi ko alam pero para bang manhid na ang katawan ko.
Pagod na pagod na ko.
Dalawang taon na ang nakalipas pero bakit ganun?
Ang sakit sakit pa rin?
Nakakapagod nang umiyak at magsabi ng nasa loob mo pero alam mong kahit na anong gawin mong pagpapaliwanag, hindi naman nila maiintindihan ang nararamdaman mo.
Nakakapagod nang pilitin ang sarili kong makalimot
kasi alam ko, kahit na anong gawin kong pagpapakabusy sa trabahho at pag-adhika ng bahay na ngayon meron ako,
bandang huli...
ako pa rin naman mag-isa.
Yung bahay na tinutuluyan ko ngayon,
sana kaming dalawa ng anak ko ang nakatira ngayon.
Anak...
kung nasan ka man...
mahal na mahal kita.
Ang sakit sakit na anak.
Hindi ko na ata kaya.
Kahit na anong gawin nilang pagtuturok sakin at pagpapainom ng gamot para kumalma ako...
hindi pa rin kayang ibsan nun yung sakit dito sa puso ko.
Anak...
Sorry...
Sorry dahil hindi man lang kita nayakap.
Hindi man lang kita nakitang lumaki.
Hindi kita natawag sa pangalan mo.
Anak.
Patawarin mo si mama, please.
I'm sorry...
I'm sorry dahil naging pabaya akong ina.
Wala akong kwenta.
Wala akong silbi!
Hindi man lang kita naingatan.
Wala akong kwenta!
Anak...
ang bigat-bigat na sa dibdib,
sobrang sakit na
Pasensya na kung pati sarili ko hindi ko mapatawad.
Kasi kung hindi dahil sa kapabayaan ko, hindi sana nangyari sayo yan.
Anak, hindi sinasadya ni mama.
Maniwala ka..
Hindi ko inakala na mangyayari yun.
Kung alam ko lang.
Kung alam ko lang na mangyayari yun...
sana
sana mas nag-ingat pa ko.
Anak ko,
Angelo,

BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Random(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...