Lira's POV
Mabilis na lumipas yung mga araw. Miyerkules na pala.Nakakatuwa lang kasi marami akong natutunan noong mga nakaraang araw. Bukod kasi sa naground check si sir sa hotel, namasyal din kami. Nagpunta kami sa mga restaurants at naghanap ng bagong concept ng pagkain na pwedeng igimik sa restaurant ng hotel. Makikipagcoordinate na lang daw sila sa chef namin. Atsaka bukod pa don, may mga bagong technology kaming tiningnan. Tulad ng mga hightech na pangmassage, shower at toilet na made in german at japanese technology, taguan ng tv, equipments para mas mapadali yung gagawin ng housekeeping, at mga safety keme keme.
Sa paggagala nga namin, nakabili na ko ng pasalubong kila kuya at sa mga kasamahan ko sa hotel e.
Nasa sasakyan kami ngayon ni Jared at pabalik na kami ngayon sa... teka! Bat nilagpasan namin yung hotel? Nilingon ko bigla yung katabi ko na seryoso lang sa pagdadrive.
"Ah, Jared. Lumagpas na tayo sa hotel."
"I know." sabi lang niya.
*pout
"San tayo pupunta?"
"We'll find you a dress. "
"Ha? Para saan?"
"Diba sinabi ko sayo na pagpunta natin dito sa davao may aatendan tayong event? Mamayang gabi na yun."
Ahhh...Naalala ko na. Oo nga pala. Kaya nga din pala kami aabutin daw ng one week dito kasi aattend kami ng event.
"Ah... pwede ko bang matanong kung anong klaseng event yun?"
"Its a charity event. An auction actually. Bahay ampunan at bahay para sa mga matatanda ang beneficiary."
"Wow! Ang galing naman! Ang bait bait naman nung nakaisip nun. Siguro malapit sa bata at matanda yung tao sa likod ng auction na to no?"
"Hmm.. not really."
"Weh. Kilala mo kung sino?"
"Of course." *smirk
"Sino daw? Anong pangalan?"
"Secret." *smirk
"Ang dayaaa! Sino nga?"
"He wants to stay anonymous, okay?"
"Hmp. damot."
Mahina itong tumawa.
"Bakit? Ano namang gagawin mo kapag nalaman mo kung sino"
"Wala ka na dun."
"Come on, tell me."
"Duh. Pag-ikaw ipagdadamot mo. Tapos pag-ako dapat sabihin ko sayo? Unfair mo."
"Ako pa rin ang boss mo, so tell me."
napairap ako sa hangin. Ang g*go ginamitan pa ko ng posisyon."tss.
"Ano na?"
Sa inis ko. Nagsabi ako ng hindi nag-iisip. "Hahalikan ko! O ano? happy?"
Nakita kong umigting ang panga niya at biglang pinaharurot ang sasakyan.
"We'll see, wife. We'll see."
Pagkatapos nun huminto kami sa isang beauty boutique.
"We're here. Let's go." bumaba na sya at ganun din ako. Alam ko namang hindi nya ko pagbubuksan ng pinto. Gentleman sya e. *insert sarcasm
"Oh Jared, darling! Kamusta na?"
Pagkapasok na pagkapasok namin, may babaeng agad-agad na lumapit kay Jared at hinalikan ito sa pisngi.
Medyo revealing ang suot nito at kitang kita ko ang cleavage nito na idinikit pa kay Jared nang husto.

BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
De Todo(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...