4

8.8K 107 0
                                        

AN: Hello mga readers ko! Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na sa mga susunod na chapters nito ay mga flashbacks muna. Pasensya po sa mga ayaw ng flashbacks, yan lang po kasi ang naisip kong madaling way para maifeed sa inyo ang mga pinaghuhugutan ni Lira. Maraming salamat sa pag-intindi. ♥

Flashback

"Uhm.. excuse me."

Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakayukyok ko sa lamesa. Lunch break ngayon pero andito ako sa library dahil wala akong pambili ng pagkain o baon man lang dahil naibili ko na kahapon para sa project namin.

"Bakit?" balik tanong ko sa lalaking nasa harap ko.

"Uh, do you know kung saan yung building YTB?"

"Ah, paglabas mo ng hallway, kumaliwa ka tapos diretsuhin mo tapos sa dulo nun yung canteen kumanan ka tapos madadaanan mo dun yung park tapos..." napansin kong nahihirapan itong intindihin kaya, "ah.. gusto mong samahan kita?" nagulat ito sa sinabi ko.

"Ah... okay lang ba?" tumango ako. Mabuti na rin naman to atleast mada-divert ang atensyon ko at di ko mapapansin ang gutom.

Pagdating namin sa building na hinahanap nya, pinakita nya sa akin yung room ng class nya.

"Ah, engineering student ka pala. Sa fourth floor to e. Tapos yun hanapin mo na lang. Sorry ah di na kita masasamahan sa room mo, magtatime na kasi e. Babalikan ko pa yung gamit ko." nagpasalamat naman ito at akmang tatalikod na ko nang tawagin ako nito ulit.

"Miss wait!"

"Ha?"

"Ah, I didn't get your name. I'm Sean." inilahad nito ang kamay sa akin.

"Lira." tinanggap ko ang kamay nito.
----

Sa classroom, nadatnan kong nagkakanya kanya ang mga magbabarkada. Dumiretso ako sa madalas kong upuan, sa dulo.

"Ui bro! Sya yung kahapon diba?" narinig kong sabi ni Enzo.

Hindi ko sila tinapunan ng tingin dahil sobrang nakakahiya. Napagpasyahan ko na lang na ireview ang notes ko. Nang biglang may tumigil sa harapan ko.

"Uhm... excuse me."

*dugdug dugdug

Sht! Si Jared! Anong gagawin ko????

(。ŏ_ŏ)

Act normal. Act normal. Hingang malalim.

"Yes?"

"Ah, ano kasi... kahapon..." parang nahihiyang sabi nito.

"Ah, anong meron kahapon?" pinilit kong icompose ang sarili ko.

"ahh..ano... itatanong ko lang sana kung anong ginagawa mo sa locker room namin?"

"Ah yun ba?" isip isip! "May pinagtataguan lang ako."

"Pinagtataguan? Bat ka naman magtatago?" biglang sulpot ni Gavin sa gilid ko.

"Ahhh... ehhh... ano.."

"Alam mo, recently kasi may natatanggap na letter tong kaibigan namin. At letter L ang initials niya. Hindi ba't Lira ang name mo?" sabi pa ni Gavin.

"Ha?! ah.. oo Lira ang pangalan ko. Pero wala akong kinalaman jan noh!"
biglang inilapit ni Nicholas ang mukha sa akin na talagang ikinagulat ko.

"Kung andun ka para magtago, its either nagtatago ka dahil ikaw ang nagiiwan nung sulat o binobosohan mo kami." sabi nito.

⊙_⊙

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon