Lira's POV
Pagkaalis ni Jared, muli kaming naiwan ni Sydney dito sa malawak na lobby.
"Is he mad ate?" tanong ni Sydney sa akin.
"Ah...hindi naman siguro. Baka nga may naalalang gagawin pa."
Kahit ako, nagtataka sa inakto ni Jared. Bigla na lang kasing parang dumilim ang mukha niya pagkatanong ni Sydney. Pero, wala namang rason para magalit sya hindi ba?
'Hindi kaya dahil akala nya basta basta na lang akong magreresign? Though hindi ako ang nagtanong, para sa isang negosyanteng kagaya nya, siguro nainis sya dahil basta basta na lang magtatanong ang empleyado niya kung pwedeng wag nang pumasok. Kahit pa marami syang pwedeng kuning kapalit, hindi ba parang ang unproffessional ng dating ng ganun?'
Hayy...
"Oh good! Andito na pala kayong dalawa." biglang umakbay samin si kuya Sean. "So, let's go?"
Tumango naman kami at dumiretso na sila ng parking. Ako, nagpaalam muna saglit para magsabi kay sir Bobet na mag-a-out na ko.
------
Pagdating sa mansion agad na bumungad samin si Yaya Meding."O iha! Dito ka ba ulit matutulog?"
"Opo. Mukhang mapapadalas po." nahihiya at natatawa kong sabi habang sinusulyapan si Sydney.
"Nako oo nga. Aba'y palagi kang bukang bibig ng batang ito. Gustung gustong kasama ka. Kanina sobrang excited na makita ka kahit na nagkita na rin naman kayo kahapon. Malamang ano, siya rin ang dahilan kung bakit dito ka na naman tutulog?"
Ngingiti ngiti akong tumango rito.
"Well, of course naman po yaya. She's my ate that's why I wanna be with her."
"Oh sure, lil sis. Come on. Mabigat tong bitbit ko." doon lang namin naalala ang mga pinamili namin na bitbit na ni Kuya Sean.
"Ay siya siya dalhin mo na yan sa kumedor. Di naman kasi nagsasabi at nang matulungan. Asan na ba si Anton nang masabihang tumulong?"
aligagang sabi ni yaya."Yaya, one box lang yan. Groceries lang. Kayang kaya na ni kuya." sabi ni Syd.
"Naku ikaw talagang bata ka! Pinahirapan mo pa ang kuya mo."
"He's macho naman e. Sayang yung muscles kung di gamitin." humahagikhik na sabi ni Syd.
Iiling iling naman kami ni Yaya sa tinuran nito.
"Para saan pala yon? Marami pa naman tayong istak ng pagkain dyan. Magluluto ka ba iha?" tanong nito sakin makaraan ang ilang sandali habang naglalakad na rin kami papunta sa kusina.
"Opo, request ni Syd."
"Nako, maslalong maiispoiled itong batang ito. Ginagawa kayong mga alila."
"I'm not, yaya!" nakasimangot na sabi ni Syd. "Kuya says ate is a good cook and her mushroom soup is the best kaya I requested for some."
"More like demanded." singit ni Kuya Sean na naabutan namin na nakasandal sa may counter.
"Shut up kuya." sabay irap nito sa hangin at nagpatiuna na buksan ang karton.
"Brat."
----------"Hmmm... Ang sharrrrap!" sabi ni Syd pagkatikim nung soup at nuggets na niluto ko para sa kanya. "I've never tasted anything like this before, ate. Iba talaga paghomemade at hindi chef ang gumawa."
"Told you." mapang-asar na tiningnan ni Kuya Sean si Syd. Mukha namang effective dahil nalukot agad ang mukha ng huli.
"Ang daya! Mas matagal na kasi kayong magkakilala kaya mas marami ka nang naluto para kay kuya."
Hindi pa rin talaga nagbabago tong kuya namin. Napakamapang-asar noon at ngayon.
"Ano bang gusto mong lutuin ko para sayo sa susunod?" sabi ko na lang para tumigil na silang dalawa.
"Sinigang na shrimp, ate! Please please please please." nagpout pa ito.
"Okay sige."
"Yey!" bumaling si Syd kay kuya Sean at bumelat. Paano kasi, allergic si kuya sa shrimps. Umirap naman tong isa.
Hayyy... ganito ata ang magiging role ko sa bahay na to. Taga-gitna sa kanilang dalawa.
-------Jared's POV
"Whoa! What happened here? Nalate ba kami masyado at marami na kayong nainom?" bungad ng bagong dating na si Gavin kasama sina Leander, Meiko, Enzo at Travis.
Nasa condo kami ni Nicholas ngayon.
Dito kami dumiretso ni Nathan after we went off from the hotel."This man right here just suddenly barged in and wanted to have a drink." Nicholas spoke. "Sa kanya lahat ng bote na yan, all I had was this." tukoy nito sa mga nagkalat na bote ng beer at yung hawak nito na hindi pa rin ubos hanggang ngayon.
"That's a lot." si Meiko na tinutukoy ang mga boteng walang laman na nasa ibabaw ng center table at nasa sahig.
"What's the problem man?" ani ni Enzo at malakas na tinapik ang balikat ko at tumabi sa akin. "Ilang araw ka palang dito sa Pilipinas ah. What happened?"
Nagkanya-kanya naman ng upo ang iba pa sa living room.
"Nothing really. I just wanted to have a drink that's all." I smiled a little.
"We won't buy that fcker. Come on! Seriously pare, hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema. We're here already so, yeah, we're all ears."
"Nagkita sila ulit."- biglang litaw ni Nathan galing sa may veranda. Busy kasi ito sa kausap sa cellphone kanina nang dumating ang mga ugok.
"Nino?" -Gavin
"Lira Santos."-Nathan
Sinamaan ko ito ng tingin. Nagtaas naman ito ng dalawang kamay na parang sumusuko.
"Relax insan. Fine! Lira Santos-Beaumont." inirapan ko ito.
"You mean his wife?"-Enzo
"Yeah." I told them nodding.
"Wow! Ilang years din kayong hindi nagkita ah. That's nice! How did it go?" -Gavin
Lahat sila naghintay ng sasabihin ko kaya wala akong choice kundi ikwento. *Sigh
"Ah... normal lang naman siguro yung ginawa nya sayo. Syempre diba, misunderstanding yung nangyari." Enzo commented.
"I agree. Pero diba, naayos mo na lahat. Then, suyuin mo na lang."
-Travis said. Fcker. Akala naman nila ganun kadali yun."Of course I'd do that. You don't have to tell me."
"hahaha. Ang init ng ulo natin pre ah." gatong ni Enzo.
"Eh yun naman pala ang gagawin mo, so what's the problem then?" -Meiko
I took another shot.
"May umaaligid."
"Ha?!" tanong nila.
"Sean Williams. He's after my wife."
"You mean 'THE' Bestfriend?" -Enzo
"Whoa!!! Dude! It will surely be one heck of a competition." -Gavin
"Yeah. Lalo pa magkahiwalay kayo ngayon ng asawa mo."- Travis
"O akala ko ba pinabantayan mo kay Nathan? Ba't may nakakaaligid?"- Meiko
"Of course I can't watch her 24/7 asshole. I also have a life." -Nathan
"So what are you gonna do now?"-Nicholas
"What else?" i drank again. "Of course, I'll take what's mine. Like hell would I hand her over to any douche."
"Wo-ho-ho!!! That's the spirit!!! Ganyan. Ganyan dapat." tinapik tapik pa ako ni Enzo sa balikat.
'Get ready wife. I'll surely make you mine again. And the moment I do, there's no way you can ever escape.'
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/144182947-288-k721502.jpg)
BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Sonstiges(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...