(Formerly entitled:Her ex-husband)
"Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared
"Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...
Strike ngayon. Kung minamalas ka nga naman. No choice ako kundi makisabay na lang muna kila kuya Sean para naman makapasok ako agad sa trabaho.
Pumayag naman sya tutal ihahatid nya rin si Sydney sa school. Kung makikipag-agawan pa kasi ako sa sakayan nako, baka mukha na kong bruha pagdating. First day ko pa naman bilang secretary ni damuho.
Tungkol naman dun sa pagpunta namin sa davao ngayong sabado, ayun! Hindi ako tinitigilan nitong si Syd. Balak nya pa naman daw sanang magpasama sa mall. Girl bonding daw kami ngayon weekend.
"Ateeee! Sige na sabihin mo sa boss mo. Pleeeeeeaseee! Wag ka na sumama." hanggang sa pagbaba ko yan ang sinasabi nya.
"Syd wag mo nang pilitin ang ate mo.Trabaho nya yun. Halika na, malelate ka na sa pagpasok." tawag sa kanya ni kuya Sean.
Mayamaya, may dumaan sa gilid namin na itim at magarang sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali, Chrysler ang tatak nun. Ganyan kasi yung mga tatak ng sasakyan ng pamilya nila noon sa pagkakatanda ko. Mukhang ito, bagong bili na naman.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bumaba ang nasa backseat at iniluwa nun ang magaling kong boss.
Binati sya ng guard na binati nya rin pabalik. Pagkaalis ng sasakyan niya papunta siguro sa parking lot, tsaka lang kami napansin nito.
"Good morning Ms. Santos." bati nito.
"Good morning sir."
Napatingin ito sa nakakapit pa rin na si Sydney at sa sasakyan sa likuran namin. By the way, pogi din naman ang sasakyan nitong kuya ko. Lexus na SUV.
Mga mayayaman talaga. tsk tsk
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lumapit na sa amin si SIR.
"Good morning miss Williams." Bati nito kay Syd.
"Good morning din po." nagsisiksik na naman sa akin si Syd.
"Hinatid mo ba ang ate mo?"
Tumango-tango naman itong bata at sumagot, "Yes po. Me and my kuya. He's just inside the car."
Napatingin naman itong lalaki sa sasakyan at nakita si Kuya. Mejo dumilim ang aura nya.
"I see." bumaling ito sa akin. "Ms. Santos." tawag nito. "Inform lang kita regarding sa pagpunta natin sa davao."
Naging attentive naman bigla tong katabi ko.
"Mukhang hindi matutuloy yun."
"Yes!" rinig ko na mahinang sabi ni Syd. Tuwang tuwa ah.
"Cause we need to leave tomorrow. Sorry for the late notice. Tumawag kahapon ang investor ko at gusto na nyang makipagkita agad."
"Agad-agad?" di ko napigilang sabi.
"Yes. And bukod dun, we'll be staying there for a week so I hope makapagempake ka ng maayos para dun."
"A week?" sabat nitong si Syd.
"Yes, little miss. May event kaming aattendan, care of our investor. And Ms. Santos, don't worry about the event ako na ang magshoulder ng kakailanganin mo para dun. Just prepare clothes for the whole week and we're set."
Yun lang at nagpaalam na itong pumasok sa hotel. Ako naman, pinapasok ko na si Syd sa sasakyan dahil malelate na ito.
"Ate! Bakit whole week?! Ang daya naman!!!"
"Narinig mo naman diba bunso?" Lumabas si kuya at pumunta sa pwesto ko.
"Ano, magiging okay ka lang ba dun? One week yun Lira. Matagal tagal yun." sabad ni Kuya Sean.
Huminga ako ng malalim. "Kakayanin ko kuya. Sooner or later kakailanganin ko rin naman syang harapin. Kaya hindi dapat ako matakot na makaharap siya."
"How about your nightmares and panick attacks? Hindi ba't nagtitrigger yun pagnakikita mo sya?"
"I'm fighting it. Sinusubukan kong labanan. Ayoko nang magpaapekto pa. Kailangan kong tulungang ang sarili ko na tapusin ang kung ano mang paghihirap na nasa loob ko. Gusto ko na ring palayain ang sarili ko. Siguro, magiging malaking tulong na din kung makakaharap ko sya ng matagal."
"It's all up to you. Basta whatever happens, call me. Call us. At kayang kaya ka namin sunduin doon."
"Thanks kuya." niyakap ko ito at ganun din ang ginawa nito sa akin.
"Kaya mo yan." sabi pa nito at hinalikan ako sa noo. Ngumiti ako ng tipid. ------ Jared's POV
Nakuyom ko ang kamao ko. I can clearly see from where I am standing kung paano magyakapan ang dalawa at kung paanong hagkan ng lalaking yun ang noo ng asawa ko.
'Merde!'
That bastard needs to know his place. Kung nagtagal pa siguro ng isang segundo ang pagyayakapan nila ay baka nasugod ko na sila kanina pa.
I fished my phone in my pocket. "Mr. Aquino, how about we set our meeting tomorrow?"
"Oh that'll be good. Ipapahanda ko na sa secretary ko ang-"
"Don't bother, aabutin kami ng one week jan."
"A week? Pwede ko bang malaman kung bakit? Do you have any other plans to do here in Davao?"
"Plans? I have a lot Mr. Aquino. I have a lot."
Itutuloy...
AN: short update.
Pansin ko puro pabitin ang update ko no? Sorry guys. Nag-eenjoy kasi ako sa pamysterious effect ni Jared. hahaha Maybe sa susunod na chapter may progress na. hihi. Thanks for reading! ♥♥♥