Lira's POV
Nanginginig na kinuha ko ang maletang pinaglalagyan ng gamit ko. At sa huling pagkakataon, sumulyap ako sa kama. Mahimbing na natutulog ang lalaking kanikanina lang ay kasalo ko pa sa halos buong magdamag.
Madali akong lumabas sa kwarto at tinungo ang daan papunta sa kinaroroonan ng sasakyang naghihintay sa akin.
Agad namang tumalima ang driver at pinaandar ang sasakyan papunta sa airport.
Flashback (Sa hotel room ni Lira)
Pagal ang katawang niyakap ako ni Jared mula sa likuran. Naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo at banayad na bumulong. "I miss this."
Napangiti ako. Ako rin. Gusto kong sabihin pero pinili kong manahimik na lang muna. Dinadama ang higpit ng pagkakayakap nya sakin.
Naramdaman kong hinawi nya ang hibla ng buhok na tumatabing sa leeg ko at hinalikan ako roon. Gumapang ulit ang haplos nya mula balikat ko papunta sa braso at tumigil sa mga kamay ko. Pinaghugpong nya ang kamay naming dalawa at mas sumiksik sa akin.
"Wife..." tawag nya sa akin.
"Hmm?"
"San mo nabili ang kwintas na to?" tukoy nya sa suot ko at pinadaanan pa ng daliri ang mismong chain. "Pansin ko, palagi mo tong suot. Does this actually mean something? O binili mo lang?"
Nanigas ako sa narinig. Nabingi.
"Wife?"
Sa isang iglap, ang kaninang mainit at masayang pakiramdam ay biglang nawala. Napalitan ng malamig na parang bloke blokeng yelo ang isinaboy sa akin. Parang napapasong lumayo ako sa kanya.
"Hey...what's wrong?"
"Ah... wala. Sorry. Uhmm.. Matulog na tayo." tumalikod akong muli sa kanya at isiniksik ang sarili sa gilid ng kama.
"Okay sige. But please..." Hinila nya ako mula sa bewang papalapit sa katawan nya. "Wag kang lumayo. I understand. Wag na nating pag-usapan."
Pinaghugpong nya muli ang mga kamay namin habang nakayakap pa rin sa bewang ko at nakasandal ang baba nya sa bunbunan ko.
"Good night wife."
end
--------Pagkarating sa bahay na tinutuluyan ko ay agad na tinakbo ko ang kama at doon inilabas ang mga luha ko.
Heto na naman ako. Umiiyak dahil sa sakit ng nakaraan. Bakit ba palagi na lang akong nauuwi sa ganito?
Habang naka-fetal position, pinahid ko ang luha at mahigpit na kinipkip ang kwintas pagitan ng kamay.
"I'm sorry. Naging mahina ako anak. Sorry kung nakalimutan kita."
Dala ng pagod at luha, nakatulog ako sa ganung posisyon.
-------Marahang haplos sa ulo ko ang nakapagpagising sa akin. Tumingala ako at aminin ko man sa hindi, deep inside, hiniling ko na sana sya na yun. Pero, ang nakangiting si kuya Sean ang nabungaran ko.
"How's your sleep?"
Bumangon ako paupo at inayos ang sarili.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Yeah. And I've been watching you sleep. What is it again this time?"
Nakagat ko ang labi ko sa lambing ng boses nya. Naluluha na naman ako.
"Payakap." sabi ko sa kanya.
Ibinuka naman nya ang bisig nya na at agad na isinubsob ko ang sarili sa kanya. Tinanggap nya naman yun at niyakap din ako. Naramdaman kong hinahaplos nya ang buhok ko.

BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Random(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...