Sa ilalim ng punong mangga malapit sa puntod na naroroon, nakasandal ang magandang dilag habang malamyos ang tinig na kumakanta kasabay ng pagtipa sa gitara. Sumusunod sa hangin ang banayad na pagsasayaw ng mahabang buhok nito at ang mga nililipad na bulaklak ng mga damo sa paligid.
"You heard that kuya? Maganda ba? Yan yung kantang kinompose ko. Remember yung kinuwento ko sayo? Nabuo ko na sya finally!" mula sa masayang mukha ay malungkot na ngumiti ito. "But I don't think I can let him hear it."
"Kuya Gelo, pwede mo ba syang batukan para sakin? Sabihin mo ang manhid nya." pinilit nyang pasayahin ang tinig. "Lakasan mo ah para sobrang effective!" natawa pa ito sa sinabi.
*sigh*
"How I wish kuya. How I wish andito ka para mapagsabihan ko ng problema. Sana may nagtatanggol sa akin. Sana may nag-aadvice sakin mula sa perspective ng boys. Si Bryle? Masyado pang isip bata at easy going para makialam sa lovelife ko. Besides, I don't think I want him to know. Close kasi sila. *sigh* Kuya, I miss you. Kahit di kita nakita, I still wanted to see you pa rin. I love you kuya! Don't worry di pa din naman ako makakalimot na dumalaw sayo every uwian namin."
"Mam Brielle! Pinapauwi na po tayo ng daddy nyo!"
"Opo yaya!"
Sa huling pagkakataon ay sinilip nya ang lapida.
Angelo S. Beaumont
"Bye Kuya! See you tomorrow!"
BINABASA MO ANG
Mrs. Beaumont (Completed)
Random(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuyan mo? Para sabihin sakin, ipamukha sa akin, na tapos na tayo? May iba ka na? Yun ba? Bakit, kung sa...