26

8.2K 124 6
                                        

Lira's POV

Pagdating ni Jared, agad ko syang niyakap ng mahigpit.

"Whoa! Love, ganun mo ko namiss?"

Hindi ako nagsalita. Naiiyak nanaman kasi ako. Dala siguro ng hormones. Ewan. Naalala ko kasi yung nangyari kanina.

Para bang gusto ko lang syang yakapin dahil gusto ng katawan ko na maexpress na sobrang naaappreciate ko yung ginawa nya.

"Hey..." tinulak nya ako ng bahagya at hinawakan sa pisngi. "What's wrong?"
Umiling lang ako at tipid na ngumiti. "Nagluto ako. Kain na tayo?" pinasigla ko ng konti ang boses ko. Sht, nag-uulap na naman ang mga mata ko.

Kainis naman tong luha ko na to eh! Stop na kasi.

Tahimik kaming kumain at alam kong nagtataka na si Jared sa mga kinikilos ko pero siguro minabuti nya na lang na wag muna akong tanungin.

Nang oras na matutulog na kami, yumakap ako sa kanya at nagsumiksik. Natatawa naman nya akong niyakap pabalik. "Tell me, hmm? Bakit nagiging clingy ata ngayon ang asawa ko. Is there anything that bothers you?"

Umiling lang ako at nagpout.
"Bakit ba? Masama bang maglambing sayo?"

"Nah." mas humigpit pa ang yakap nya sa akin. "Mas gusto ko nga ang ganito e. Atleast hindi ko na kailangang maging clingy sayo. Ikaw na tong kusang lumalapit. Ah~! Ganito pala ang feeling kapag ikaw ang nilalambing. Nakakakilig!" may pagtaas pa sya ng tingin na akala mo sobrang sarap ng pakiramdam habang yakap pa rin ako. Sinamaan ko sya ng tingin at hinampas.

"Tigilan mo nga! Ang pangit mo."

"Wow ha! Kaya pala buntis ka ngayon kasi pangit ako."

Tinulak ko sya at inirapan. "Che! Ayoko na nga. Good night!" tinalikuran ko sya. Minsan na nga lang maglambing ganyan pa. hmp!

"Hey! Hey! Wife! Hey!" agap nya sa braso ko at pinaharap ako sa kanya. "Joke lang. To naman. Di na mabiro. Wag ka na magalit mommy. Nanibago lang kasi ako sayo. Ano bang nangyari? Sabihin mo na sakin. May gusto ka bang ipabili? Pagkain? Inumin?"

"Wala." sabi ko at umiling. Ano ba yan nagiging pabebe ako kainis! Eh kaso parang ayokong sabihin. Nahihiya kasi ako. Pano ko naman biglang sasabihin na parang mas mahal ko na sya ngayon? Sige ngaaaa... Nakakahiya kaya. Tsaka, naiiyak talaga ako e.

"Eh, bakit nga? May kasalan ka sigurong ginawa no? Tell me wife? What is it this time?"

Maka-what is it this time naman to! Tsk. Dati kasi inaway ko yung saleslady na nagpapacute sa kanya nung namimili kami ng crib nung baby namin. Duh? Obvious naman na buntis na ako na asawa nya kaya nga rin kami namimili ng gamit ng bata tapos magpapacute pa sya?

Ayan na tuloy! Naluluha na naman ako.

"O, may kasalanan ka nga? Ano yun?" sabi nya na malambing pa. "Tell me, di ako magagalit." mas lalo akong naluha. Damn hormones!

"Wala nga." sabi ko pa at pilit na pinupunasan ang luha ko. "Eh kasi, pumunta kanina dito yung mommy mo."

"Oh? What happened? Nag-away ba kayo? Nagkasagutan kayo? Sinaktan ka ba nya? Anong sabi nya sayo?" tuluy-tuloy na sabi nya pero iling lang ako ng iling.

"Wala. Hinde!" kumunot naman ang noo nya. "Nag-sorry sya sakin. Sinabi nya na sakin lahat." tiningnan ko sya at halatang naguguluhan pa rin sya.
"Sinabi nya sakin yung mga ginawa mo, yung mga nangyari sayo, sa inyo nung mga panahong wala ako." napahagulhol na tuloy lalo ako. Agad naman nya akong niyakap ulit.

"Shhh..."

"Nakakainis ka! Bakit ganyan ka? Sana sinabi mo para hindi mo pinasan mag-isa yung problema. Sana hindi tayo parehas nahirapan noon kasi magkasama tayo."

Mrs. Beaumont (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon