"Pa! Gumising ka! Gumising ka! Di ka pa pwedeng mamatay!" Palahaw ni Kenneth sabay yakap nito sa kanyang amang ngayon ay nakataklob ng kumot.
Isang aksidente ang nakasangkutan ng kanyang ama, nahulog sa bangin ang sinasakyan nitong kotse at ngayon ay nasa morgue siya kasama ang kanyang lolo at lola na ngayon ay lumuluha na rin dahil sa nangyari.
"Marami pa tayong pangarap diba? Bakit mo ako iiwan? Iniwan na nga tayo ni mama tapos iiwan mo pa ako." Dugtong pa nito habang panay ang pag-alog sa bangkay nito at umaasa siyang gumising ito.
--**--
Tuloy tuloy ang pag-ragasa ng mga luha ni Kenneth habang naka harap sa nakabukas na kabaong ng kanyang ama. Ito na ang araw ng libing ng kanyang ama kaya ganyang nalamang ang kanyang hagulhol nito.
"Apo wag ka ng umiyak. Nandito naman ako para alagaan ka diba?" Pilit na pinapatahan ito ng kanyang lola.
Hindi niya pinansin ang matanda dahil ibaba na ang kabaong at hanggang sa huli ay gusto niya itong masilayan.
"Papaaaa!" Muli itong pumalahaw ng tuluyan nang matabunan na ng lupa ang kabaong.
Matapos ang lahat ay nanatili si Kenneth sa puntod ng kanyang ama hindi talaga niya matanggap na wala na ang kanyang ama.
Ipipangako nito sa sarili na magiging matatag na siya sa mga masasamang mangyayari sa kanya,nangako siya na di na muling iiyak simula sa araw na ito.
***
Mabilis lumipas ang panahon,habang lumalaki si Kenneth ay nagiging seryoso ito at madalas ay mapag isa. Wala siyang masyadong kaibigan at walang siyang balak pang makipag-kaibigan.
Hanggang ngayon ay nandon pa yung sakit na dala ng pagkamatay ng kanyang ama nandon pa yung pangungulila sa pag-mamahal ng isang ama.
Palagi niyang sinisisi ang sarili kung bakit nawala ang magulang nya. Sinisisi din niya ang kanyang ina na kung hindi sila iniwan ay hindi ito ma-aaksidente.
"Bakit nyo ako iniwan? Bakit kailangang umabot sa ganito?" Tanong niyo sa sarili habang nakaharap sa salamin.
"Pa. Balang-araw mag kikita tayo at gusto ko pag-nagkita tayo sa langit ay gusto kong sabihin mo na proud ka sa akin dahil magagawa ko lahat ng pangarap mo sa akin." Malamlam siyang ngumiti pero mabilis din itong napalitan ng lungkot kasabay ng pag-luha.
"Apo kakain na!" Tawag nito.
Napa-balikwas naman siya nang marinig ang boses ng kanyang lola kaya't mabilis niyang pinunasan ang kanyang luha at mabilis na tumayo upang ayusin ang sarili.
"Opo,bababa na po ako!" Seryosong tugon niya sa kanyang lola at mabilis na tinungo ang kasina para kumain ng hapunan.
Panandalian niyang iniwan ang masasakit na alaala mula sa kanyang at gusto muna niyang makalimot kahit kaunti lang.Sa kalagitnaan ng kanilang pag-kain ng hapunan ay biglang napa-sulyap ang lolo ni Kenneth sa kanya.
"Apo? Pwede mo bang alisin yang seryoso mong mukha? Masama daw yan habang kumakain." Sita nito pero imbes na pansinin ito ay patuloy lang ito sa pag-subo ng kanin.
"Wag mo nang sitahin si Kenneth, alam mo namang 3 buwan palang ang nakakalipas nang mamatay-" hindi na natapos pang sabihin ng matanda ang kanyang sasabihin nang biglang tumayo si Kenneth.
Tahimik itong naglakad palayo habang dala ang kanyang plato, tapos na pala itong kumain.
Hinayaan nilang umalis si Kenneth mag-isa, kung ito ang nakabubuti sa kanya upang maka-limot ay pipilitin nilang wag iyon ipaalala sa kanya. Ang nakaraan.
Naramdaman nalang ng matandang babae ang pag-hawak ng kamay ng asawa niya na nakangiti.
"Hayaan mo at makakalimutan din niya ang lahat ng iyon, makaka-tagpo din siya ng babaeng makakapag-palimot ng lahat ng masasamang nangyari sa kanya." Nakangiting sambit nito.
Tanging ngiti lang ang iginawad niya sa kanyang asawa at gumanti din sa pag-hawak ng kamay. "Sana nga maka-hanap siya ng babaeng makakapag-pangiti sa kanya."
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...