36th Period

90 8 0
                                    

*Chelsy' P.O.V*

Hindi ako makapaniwala! Paano nagawa ni Kiara ang mag cheat sa kalahigitnaan ng quiz? Kasali naman siya sa top tutal nasa 3 rank siya sa klase kaya imposibleng mandaya siya.

Recess nang kausapin ni ma'am Ruby sa faculty. Kinakabahan ako para sa kanya,kahit di niya ako kaibigan at natatakot ako na baka tanggalin siya sa class rank.

Busy sa pagkain sina Kenneth kaya nakapuslit ako sa kanila. Hehe. Syepre bilang chismosa dapat alam kong ang mangyayari kay Kiara noh.

Nasa tapat ako ng pinto ng faculty at kita ko ang nangyayari sa loob dahil sa salaming nakalagay sa pintuan. Rinig ko rin ang usapan nila dahil di naman sila gaanong kalayuan sa pinto halos katabi lang yung binatana,ganun.

"Kiara sabihin mo na ang totoo. Nag cheat ka ba talaga?!" Sabi ng isang babaeng naka pang office na damit. Ito siguro ang nanay ni Kiara.

Ngayon ko lang nakitang pumunta dito ang nanay ni Kiara. Grabe ang ganda naman ng nanay ni Kiara,mukhang wala pa akong sa kalingkingan niya. Kaya pala ang puti at balingkinitan ang mukha ni Kiara.

"H-hindi po m-ma." Giit ni Kiara na nanginginig na sa takot.

"Kiara. Wag ka ng tumanggi. Kitang kita ko na may key answer na nakasulat sa kamay mo." Pang bubulgar ni ma'am Ruby.

Naka-tungo lang si Kiara habang sinabi iyon ni ma'am Ruby. Habang ang nanay ni Kiara ay masamang nakatingin sa kanya.

"Grabe,ang sama naman ng nangyayari kay Kiara." Bulong ko sa sarili ko. Wala din naman akong makakausap dito.

"Oo nga..." napa- atras ako nang marinig ko ang boses ni Jimmy na nasa likod ko na pala.

"A-anong ginagawa mo dito? A-akal ko nasa canteen kayo?" Natataranta kong tanong.

Hala! Pano to! Baka isipin nito na chismiso ako kahit totoo naman, hehe.

"Sinundan ka,bigla ka kasing umalis nang walang paalam. Parang walang nakapansin sayo ha?" Maikli nitong paliwanag sakin. "Nakiki-chismis ka ba?"

"Hoy hindi ha? Napadaan lang naman ako." Palusot ko dito.

"Excuse me ma'am,pero wag po nating pilitin ang estudyante na umamin baka lalo siyang ma-pressure." Sabi doc. Nathan kay ma'am Ruby.

Naks! Ito talagang si doc. gwapo na,mabait pa tsaka maaalahanin din. Kaya pala na-inlovs dito si Eunice. Pero kahit ganun ang personality ni doc. hinding hindi ko ipagpapalit si Kenneth.

"Baka po lalo din siyang ma-stress kung lalo natin siyang pinagbabantaan o pagagalitan." Bumaling naman ang tingin ni doc. sa nanay ni Kiara.

"Wag mo akong tignan ng ganyan doctor Nathan. Alam ko ang ginagawa ko kasi ako ang nanay niya. Kung tungkol lang sa disiplina ang pag-uusapan,labas ka na don." Giit ng nanay ni Kiara. Mukhang stress talaga ito sa trabaho.

Nakita kong mahinang hinigit ni Kiara ang coat ni doc.

"Doc. Pwede ko po ba kayong kausapin?" Nagkatinginan naman silang lahat nang sabihin iyon ni Kiara. Mukhang personal ang pag uusapan nila o baka may importanteng sasabihin.

Pumayag naman sina ma'am Ruby at ang nanay ni Kiara habang sina doc naman ay palabas na ng faculty.

"Tara na!" Bigla nalang akong hinigit ni Jimmy palayo sa pinto pero bago kami makalayo ay narinig ko nalang na may sinabi si Kiara kay doc. Nathan.

"Doc. May importante po akong sasabihin sa inyo."

---***---

Hila-hila ko naman ngayon si Jimmy papunta sa canteen alam ko kasing nadoon pa sila at baka iniintay nila ako.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon