*Jimmy's P.O.V*
~2 weeks before~
Madilim na pero di pa kalaliman ng gabi. Dumaan muna ako sa isang canteen para bumili ng makakain dahil nagutom ako sa byahe.
Habang kumakain ng sandwich ay di ko mapigilang isip ang mga nakita ko, kahit walang sila ni Kenneth ay nagseselos ako. Ang hirap piligilan itong nararamdaman ko, ayaw ko namang nakikita si Cheesy na malungkot dahil pati ako nahahawa sa kalungkutan niya. Ang hirap talaga pag ikaw na yung nasa puntong ikaw ang mamali sa dalawa kung ang kasiyahan ba ng mahal mo o ang kasiyahan ng sarili mo?
"E-excuse me po sir. Nalimutan nyo po yung sukli sa counter." Sabi ng isang babaeng cashier ng canteen.
"Ay... maraming salamat miss." Kinuha ko ang sukli at inilagay ito sa bulsa ko. Nakapa ko dito ang cellphone ko at mabilis kong naalala si lola. Tumawag kaya siya?
Nang I-check ko ang phone ay may 26 missed calls akong natanggap at galing ito kay lola.
Dali dali akong sumakay ng jeep para makauwi. Nanalangin ako na sana walang mangyari sa kanya.
Pagkauwi ko ng bahay ay nakita ko ang mga nagkakagulo sa aming bahay kaya lalo akong kinabahan. Tinakbo ko na ang direksyon total ilang metro nalang.
Nakisiksik ako sa mga taong nagkakagulo at nanlumo ako sa aking nakita. Si lola tadtad ng saksak sa katawan at naliligo sa sariling dugo.
Dito ko na siya tinakbo at mahigpit na niyakap. Wala akong pakealam kung sumama man sa aking damit ang mga dugong nagkalat. Napahagulhol ako ng iyak habang yakap yakap ang aking lola. Ang ibang pulis ay sinusubukang ilayo ako sa bangkay ng lola ko pero wala akong nagaea kung di ang tignan nalang siya na wala ng buhay.
"Lola!" Iyon lang ang nasabi ko dahil sa sobrang pighati.
May Ilang reporter ang naglipan,ang ibang tao ay nagbubulungan habang ang iba naman ay nag aalisan na.
Sino ang may kagagawan ng krimeng ito? Sino ang walang awang pamatay sayo? Alam kong matanda na ang lola ko at wala na itong kalaban laban pero bakit pa nila ito ginanito.
"Tang ina!" Makunat at madiin kong sambit. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na't mahigit isang dekada mo na siyang nakakasama.
"Excuse me sir? Kamag anak ka ba ng biktima?" tanong sa aking ng ilang pulis na matikas ang katawan.
"O-oo. Alam nyo na ba kung sino ang may kagagawan niyo?" sabi ko.
"Wala pero ayon sa imbestigasyon namin ay ninakawan kayo na di pa kilalang indibidwal." Nakatingin lang ako dito habang nagsasalita. "Ayon na rin na nakalap naming ebidensiya. Nakita namin ang isang 'paring knife' 5 meters away from her." Paliwanag nito.
"Y-yung phone? May nakita kayong cellphone sa kanya?"
Umiling lang ito sa akin. "Wala kaming naconfiscate na cellphone sa kanya."
Ibig sabihin isa na sa nanakaw ang cellphone na binigay ko kay lola.
"P-pwede ba akong pumasok sa loob?" Pagtatanong ko sa kanya.
Nag nod lang ito sa akin, senyales na pwede akong pumasok.
Bago ako pumasok ay nakita ko na dinadala na ang bangkay ni lola sa ambulansya. Nakakalungkot dahil bawal di ko makakasama si lola papuntang morge. Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay lola akong nagalit sa nakita ko dahil nagkalat ang lahat ng gamit sa loob. Wala na ang t.v namin pati na rin ang redyo na ilang dekada na naming ginagamit ay di nila pinatawad.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...