1st Period

848 39 8
                                    

*Chelsy's P.O.V*

Namulat nalang ako sa isang maliwanag na gubatan, nakakasilaw ang ang liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw.

Nasan ako at anong ginagawa ko dito? Sa pagkakatanda ko ay kasama ko sina mama at papa habang kumakain kami. Ano bang nangyari?

Kunot noo kong pinag-masdan ang buong paligid at doon ko lang napansin ang kagandahan ng paraisong ito.

"Ang ganda!" Manghang-mangha kong sigaw nang makarating ako malalapit sa talon.

Walang katao-tao ang buong paligid at sa tingin ko ay ako lang ang nandito, feel free tuloy ako sa mga gusto kong gawin lalo na't wala sina mama at papa.

Hindi pa ako nakuntento at nilibot ko pa ang buong paligid, nakakabano kasi ang lugar na ito at ngayin lang din ako nakarating dito.

Sa di inaasahang bagay ay bigla nalang akong natalisod sa isang malaking ugat ng puno na dahilan upang mawalan ako ng balanse at tuluyang nagpagulong gulong papunta sa isang bangin.

"Tulong!" Malakas kong sigaw nang maka-kapit ako sa isang ugat na naka-usli sa lupa.

Nakailang ulit na din ako nakasigaw dito pero wala talagang tao. Mabuti nalang talaga at mabilis ako naka-kapit sa ugat.

"Dyus ko lord! Ito na po  ba ang kapalaran ko? Ayaw ko pa pong mamatay." Sabi ko sa sarili ko habang nakapikit.

"Miss?" Napamulat ako nang makarinig ako ng isang boses ng lalaki kaya napatingala ako upang malaman kung sino ito. Nakita kong naka-lahat ang kamay niya sa akin, siguro ay gusto niya akong tulungan.

Hindi na ako nag dalawang isip at agad kong inabot ang kamay nya para maka-ahon sa aking kalagayan.

"Ok ka ba lang miss?" Nag aalala niyang tanong sa akin.

Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa bago sumagot.

Ang tangkad niya ay bumabagay sa hugis ng kanyang mukha at katamtaman lang ang laki ng katawan niya, maputi ang balat niya at medyo singkit ang kanyang mga mata. Shit! Tae talaga! Ito na ba yung perfect guy na sinasabi sa akin ni mama.

"O-ok lang ako." Mahina at medyo malandi kong sagot.

Kumunot ang noo niya na parang hindi kumbinsido,"Sigurado ka?"

Sinimulan na akong kiligin dahil sa makalaglag panty niyang mukha. Ang ganda ng boses niya,napaka perfect talaga niya para sa akin.

Nang marinig niya ng sagot ko ay bigla nalang siyang naglakad palayo, sa sobrang haba ng binti niya ay mabilis siyang nakakalayo sa akin hindi ko tuloy maabutan.

"Wait!" Sigaw ko pero hindi ito tumigil.

"Wait kuya!" Muli kong tinawag si kuya at sa pagkakataong ito ay tumigil siya sa paglalakad kaya naman napangiti ako nang humarap sa akin ang maamo niyang pag-mumukha.

Tinakbo ko ang mula sa kinatatayuan ko ang pwesto niya upang masabi ko ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Maraming salamat sa tulong mo kanina. By the way ako nga pala si Chelsy, ikaw? Anong pangalan mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Your welcome!" Ngumit siya sa akin kaya't bahagyang nawala sa paningin ko ang mga mata niya. "I'm James."

Tugon niya sa akin pero hindi ko iyon marinog dahil sa lagaslas ng tubig na nanggagaling sa talon.

"Ha? Ano po ulit?" Kunot noo kong tanong at bahagayang inilapit ko sa kanya ang tenga ko.

"James!" Napaatras ako ng bigla siyang sumigaw pero nalaman ko na ang pangalan niya.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon