Nakatayo si Chelsy sa mga guro kasama ang magulang nito,pinag-uusapan nila ang tukol sa pag lipat ng school niya.
Rinig nito ang pangungumbinsi ng na wag na tumuloy sa pag lipat. Na-appriciate nya ang mga sinasabi ni Ma'am Ruby lalo na at pumasok si Prof. Vendel at nag-makaawa rin ito.
Di nya alam kung ano ang gagawin,nag-dadalawang isip parin sya kung dapat bang lumipat na sya?
"Buo na ang desisyon ni Chelsy na lilipat na sya." Giit ng nanay ni Chelsy.
Ang lahat ay nag tinginan sa kanya at nag-aabang ng isasagot nito.
Nakapag desisyon na ito. At buo na ang loob nya sa kanyang desisyon. "Nakapili na po ako."
Katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng silid. "Ako po ay-"Natigilan ito ng biglang pumasok si Kenneth. "Prof. Vendel,yung libro pong pinapakuha nyo." Dala nito ang libro at binigay iyon kay Chelsy.
Wag kang tumuloy. Nakita ni Chelsy ang nakasulat sa libro,sandaling tumingin ito kay Kenneth at sya rin naman na nakatitig rito.
"So ano Chelsy? Nakapag-isip ka na ba?" Tanong ni Ma'am Ruby.
"Napag-isipan ko na po na di ako mag tatransfer...." Taas noo nyang sinabi iyon.
"Di po ako lilipat." Napanganga ang nanay ni Chelsy dahil sa sinabi nito.
"Chelsy! Diba nakapag desisyon ka na? Eh bakit nagbago? Naasikaso na pati namin ang mga papel para sa school na yon!" Reklamo nito.
"Nag bago na po ako ng isip ko. Tama nga yung sabi ni Ma'am Ruby na sayang ang ilang taon kong pag aaral ko dito. Tsaka malapit na rin akong grumaduate." Dahilan ni Chelsy.
Wala nang nagawa ang magulang ni Chelsy kundi ang sumunod sa gusti niya. Sa pag payag na iyon ay labas ang malaking ngiti sa mukha nya,tumingin sya kay Kenneth na parang nag papasalamat sa lahat. Gusto nyang yakapin ito pero natatakot sya na baka layuan sya nito.
Nilisan ni Kenneth ang faculty kasama sina Eunice at Dexter na kanina pa pinapanood ang mga nagaganap.
Habang nag lalakad ay tinapik ni Eunice si Kenneth sa balikat. "Salamat Kenneth."
Kumunot ang noo ni Kenneth sa sinabi ni Eunice. "Salamat? Parasaan."
"Di ba pinigilan mo si Chelsy na wag lumipat ng school." Namula si Kenneth dahil nakita pala nila ang nangyari sa faculty kanina.
"H-ha? Sya ang may desisyon nun... Di ako..." Palusot nito sakasama.
"Asus... Nakita kita kanina na parang nakikiusap ka kay Chelsy." Singit ni Dexter na nasa likuran nila.
Walang nasabi si Kenneth dahil totoo nga yon.
****
*Chelsy's P.O.V*Totoo ba ito? Ipinag tanggol ako ni Kenneth? Este..... Nakiusap sya.... Sinabi nya sakin na wag akong lumipat.... Ayaw nya ba akong umalis? Anyways.... Dapat din pala akong mag pasalamat kayna Eunice at Dexter dahil tumulong sila na ipaalam kay Prof. Vendel ang tungkol sa pag lipat ko. Totoo ko talaga silang kaibigan. (Sweeeeeett!!)
"Anung pakirdam?" Nag simula na si Eunice mag tanong tungkol sa nangyari.
"Tsss.... Alam mo napaka chismosa mo talaga..." Pabiro ko sa kanya. Pinupuno ko kasi ang plastick bottle ko kaya di ko masagot ng maayos.
"Kinilig ka ba? Di mo ba alam ang gagawin mo that time?" Pang-iintriga nya.
"Anu ka ba? Kala ko ba matalino ka? Diba top 3 ka sa class... Dapat alam mo yun." Kinilig talaga ako... Parang ma-i-ihi ako na parang ewan.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...