31st Period

78 7 0
                                    

*Jimmy's P.O.V*

Napa hampas ako sa table malapit sa akin. Lalo akong nagalit dahil sa aking nalaman. Mismong ka teammate ko pa ang gagawa nito? Bakit? Para saan?

"Relax Jimmy." Pag kakalma sakin ni aling Bebang.

"Tama ba kayo ng narinig? Michael talaga pangalan niya?" Pagpapakumpirma ko sa kanya.

"Malinaw ang pag kakarinig ko dahil tinawag pa siya ng isang binata dito." Napa-isip ako kung sinong binata iyon.

"Pwede nyo po bang ilarawan si Micheal?" Ani ni Patrick na nakahanda na ang ballpen at papel.

"Matangkat siyang bata, malaki din ang braso nito at medyo malago ang buhok." Paglalarawan nito dito na tumugma naman kay Micheal na ka-team ko.

"May napansin ba kayong kwintan sa kanya?" Tanong naman ni Julius.

"Hindi ko lang alam pero parang may suot nga siya. Naanig ko pa yon dahil nailawan siya ng tricycle." Sabi niya.

"Kilala mo ba itong Michael na to?" Tanong sakin ni Julius.

"Oo. At ka teammate ko siya sa swimming." Nakatingin lang ako sa mawalan at matalim ang mga tingin. Naiisip ko na nakatingin ako kay Micheal.

"San natin pwedeng makita si Micheal?" Tanong ni Jerome sa akin.

"Sa pagkakaalam ko, nasa Jeremiah Hospital siya ngayon." Yun ang pag kakaalam ko dahil hanggang ngayon ay naka confine pa ang nanay niya.

"Ano pang hinihintay natin. Puntahan na natin si Micheal bago pa siya maka takas." Suhesyon ni Jerome.

"Maraming salamat po Aling Bebang. Ang laki po ng naitulong nyo sa kaso ng lola ko." Ngiti lang ang iginanti niya sa akin.

Sumakay na ako sa sasakyan na nakaparada sa harap namin. Naka-pwesto na sina Jerome at Patrick sa likod at si Julius naman ang magsisilbing driver.

"Dito ka na sa unahan Jimmy." Nabigla naman ako nang sabihin niya ang pangalan ko.

Pumasok na ako at nagsimula ng magmaneho si Julius, wala na naman akong dapat ikahiya dahil komportable ako kapag kausap sila.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang biglang magtanong si Gerome. "Paano kung hindi natin nakita si Micheal doon at naka alis na siya, saan natin siya pupuntahan?"

Nagtinginan naman sila sakin. "May iba akong naiisip. Sasabihin ko nalang pag wala talaga siya doon."

Maaga kaming nakarating sa Jeremiah Hospital at lahat ng pumapasok dito ay nakatingin sa amin. Silang tatlo kasi ay naka shades na parang pupunta ng beach.

"Ang pogi nung guy oh."

"Omg! Ang hot."

"Raawwwr"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko habang naglalakad kami papasok. Nakakapanliit naman itong mga kasama. Para ko silang bodyguard pero sila pa yung napapansin.

Nang makarating kami sa nurse station ay tinanong agad ni Julius ang room number ni Micheal.

"A-ano pong apelyido sir?" Ewan ko, parang kinikilig o naiihi itong nurse.

"Among apelyido ni Micheal?" Bulong sakin ni Julius.

"Alcantara." Sagot ko ng pabulong.

Agad namang binigay ng nurse ang room number na agad naming pinuntahan. Nakatingin lang yung nurse sa aming habang naglalakad kami paalayo.

"Room 135." sabi sakin ni Jerome.

Third floor pa yon ng building at kailangan naming bilisan. Pano kaya kung surpresahin namin si Micheal para naman mapahiya siya sa nanay niya na nagnakaw at pumatay pa ng tao para lang makakuha ng pera. Bwisit!

"Sir nandito na po tayo." Narinig kong sabi ni Patrick.

Dahan dahang pinihit ni Julius ang doorknob at isang tao lang ang nakita namin.-ang nurse.

"N-nasan na po yung pasyente dito?" Nanginginig kong tanong sa nurse.

"Ay sir... ka di-discharge lang po ng pasyente dito. Mukhang nagkasali po kayo." Sabi ng nurse.

"Mukhang naunahan na tayo Jimmy." Sabi ni Jerome habang ako ay natulala lang sa kamang inaayos ng nurse.

"Habulin natin! Baka maabutan pa natin sa baba!" Pasigaw kong suhesyon. Nangangati na akong mahuli si Micheal. Hindi na ako makapag hintay.

Agad namang tumakbo kami pababa para habulin si Micheal. Nakita namin si Micheal na nasa labas na ng ospital tulak-tulak ang wheelchair ng nanay niya.

"Michael!" Sigaw ko bago pa sila makasakay ng taxi.

Lumingon lang siya pero pinagpatuloy niya ang pagtakas kahit nasa likod niya kami.

"Wag mo ng gawin ang binabalak mo Micheal! Wag mo ng takasan ang bastas dahil hindi ka na makakapag tago!" Ani ni Julius.

Kita naman sa mukha ng nanay ni Michael ang pagtataka. Habang si Micheal naman ay tahimik lang habang nakatalikod sa amin.

"Anak? Anong ibig sabihin nito? Bakit may mga pulis?!" Naghahalong pagtataka at pagkatakot ang bumalot sa nanay ni Micheal. Siguradong kinakabahan na siya at kakainin na siya ng sariling konsensya sa ginawa niya.

"A-anong g-ginawa ng anak ko? Hindi masamang tao ang anak ko! Wala kayong karapatan para arestuhin ang anak ko!" Giit ng nanay ni Micheal na mukhang na-estatwa na sa kaba at takot.

"Here..." inabot ni Patrick ang isang papel sa nanay ni Micheal. "May warrant of arrest po kami sa anak nyo sa salang pag nanakaw at pagpatay sa lola ni Jimmy." Napatakip ng bibig kasabay ang pag luha ang nanay ni Micheal. Alam ko naman di to ineexpecr ng nanay ni Micheal kaya ganito nalang ang kanyang reaction.

"M-ma? S-sorry po... Walang wala na po talaga akong malapitan kaya pumasok sa isip ko ito." Maikling salaysay ni Micheal

"Pero mali ang ginawa mo! At alam mo yon." Patuloy sa ito sa pagluha.

"Pero kung di ko yon gagawin... baka wala ka na." Nakaharap na sila sa amin at napupuno na ng luha ang mukha ni Micheal pati na rin ang nanay nito.

Niyakap nito ang kanyang nanay kahit na naka wheelchair ito."Sorry nay... ginawa ko ito para sa ikabubuti mo."

"Sorry din anak, kung di dahil sakin baka wala na tayo sa tagpong ito." Mahigpit na para bang wala ng bukas na aabutin ang kanilang yakapan. Ito na siguro ang huling araw ni Micheal sa labas.

Kumalas ito sa pag kakayakap sa nanay tsaka sinabing... "Chief... susuko na po ako."

"Sumakay ka na at sa presinto ko na magpaliwanag." Ani ni Jerome.

Naawa ako sa kanilang dalawa pero mas naawa ako sa ginawa ni Micheal na lola ko. Balewala kung paiiralin ko ang aking awa kesa sa katarungan. At hinding hindi ko ito palalampasin.

Bago kami umalis ay ibinilin muna ni Micheal na ihatid muna ang kanyang nanay sa bahay nila. Ipinaliwanag nito na may makakasama ang ina niya sa bahay nila kaya wala na siyang dapat ikaproblema.

Nakapwesto na kami sa loob ng mobil tatlo sila sa likod at nasa harapan naman kami ni Julius kaya walang pag asang makatakas ito.

Sa wakas! Mabibigyan na ng katarungan ang lola ko, masaya na sana siya kung nasaan man siya. At sisiguraduhin akong mabubulok sa kulungan si Michael.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon